32

117 5 0
                                    

''sa wakas nakauwi na din!'' sabi ni Stell. ''Kanina ko pa gusto mag skin care!'' giit niya. halata nga. Mukang gusto na. Sobrang kapal din minsan nang nalalagay nilang make up dahil sa pagmamadali. 

''Una na ako sa taas ha. Maglalaro pa ako kasama mga PUBG friends ko.'' sabi ni Ken at bumbaba na nang van. O dba, malamang baka hanggang gabi naglalaro siya. pero okay lang kasi pahinga naman nila, weekends naman bukas. 

''Ikaw Josh. Hindi ka ba aakyat?'' tanong ni Justin kay Josh nang makababa siya nang van. Bakit hindi pa bumababa to?

''Buksan mo aircon ko.Para pagpunta ko doon malamig na.'' utos si Josh kay Justin, 

''Josh niyo nang uutos nanaman. Pinapasweldo mo ko?'' Sabi nito. HIndi ko alam kung naasar siya kay Josh. Pero aminin na natin, malakas mang asar yang si Justin. Kahit sino maasar. 

''Makinig ka sa akin, mas matanda ako sayo.'' sagot niya. He's using it again. HAHA natatawa nalang ako kapag sinasabi niya yan eh. Pati sa mga vlogs na napanood ko, talagang kapag kailangan niyang gamitin yung pagiging kuya niya para mautusan angg ibang members. 

''Lolo Josh niyo gagalet nanaman. masusunod po lolo Josh.'' giit ni Justin. Bunso na lagi nalang nauutusan. Nang tumalikod si Josh sa kanya nakita ko na pinandilatan niya ito nang mata. Aish, bakit ang cute niyo. 

''O ikaw bakit hindi ka pa aakyat? nandoon na sila o. mga magpapahinga na.'' sabi ko. Kasi naman nakaupo pa rin siya kung saan siya nakaupo kanina tapos nagphophone pa din. Ano balak niya bang tumira sa van?

''Sagot muna. Labas na kasi tayo bukas.'' pangungulit niya. Nagsisimula nanaman siya, Ayaw ko nga ehh. 

''Ang kulit mo. Sabi ko nga ayaw ko. May gagawin pa ako bukas.'' giit ko. Kailangan kong makagawa nang paraan para makumbinsi siya na.. na hindi ako pwede. 

''Bakit saan ang punta mo bukas?'' tanong niya. 

''Basta. Hindi ba may stream ka kapag friday? 9pm dba? Maglaro ka nalang.'' sabi ko. Maglaro nalang siya kaysa naman makasama ako, baka mapahamak pa ako sa gagawin namin kung lalabas kami. 

''Okay sige. Kung ayaw mo, mag stream nalang ako. sundin ko nalang sinabi mo.'' sabi niya pa. Hala nababaliw na ata, Hindi ko naman siya inuutusan, sadyang... talaga bang gagawin niya? Aish! 

''o sige na punta na doon, nang makapagpahinga ka na.'' sabi ko at agad naman siyang lumabas na nang van, ako naman lumipat muna ako sa harap, since ako nalang din naman ang mag isa. isinara ko na yung bintana, pero bigla pinababa ni Josh. ano nanaman?

''Bakit?'' naguguluhang tanong ko sa kanya. Tinitigan niya lang naman ako tapos hinawi niya yung buhok ko, mahangin kasi. ''May sasabihin ka pa ba? uuwi na ako.'' sita ko sa kanya. Kasi naman uwing uwi na ako, tapos parang pabitin siya. 

Hinalikan niya ako sa noo. 

''Baliw ka talaga.'' sita ko sa kanya at hinampas siya nang mahina. Lumingon lingon naman ako para makita kung baka may nakatingin. ''Talagang dito ka humarot.''  ngumiti naman siya at tinalikuran ako at humarap muli.  Baliw talaga. 

''Sige na kuya. Ingat po!'' sabi niya at humarurot na si Kuya Yuri. Nang umayos ako nang upo, nakita ko si Kuya na paran kinikilig. 

''Kuya okay ka lang?'' natatawang tanong ko sa kanya. 

''Wala Ma'am para po kasi kayong yung mga nasa teleserye. Ang cute lang nang pagtatagpo niyo.'' sabi niya. Aba pati ba naman si Kuya Yuri. 

''Kakaibang drama no kuya? sila hindi tago kami tago. Hayst'' malungkot na sambit ko at napabuga nalang sa hangin.

''Okay lang yan Ma'am alam naman nating kayo pa din sa huli.'' sabi pa niya. Taray nagprepredict nang future. Pero hindi tayo sure. ''Mukang mahal na mahal kayo ni sir Josh. Di ka kayang pakawalan,'' sunod pa nitong sinabi. Medyo kinilabutan lang ako sa part na.. hindi ako kayang pakawalan. madami pa namang iba dyan, hindi natin alam ang future happenings. 

......

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊


My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon