40

138 5 0
                                    

Nandito na kami sa isang sikat na resto malapit sa mall. 

''At dahil ako ang magbabayad nang kakainin, Kailangan madaming kainin si Y/N. namamayat nanaman kase.'' sabi niya nang makuha ang menu. Naka face mask sila as usual, kasi baka may makakilala sa kanila. Lalo naman ako, Mamaya yun mga fans magkaroon pa nang idea

''Aish, Tumataba na nga ako, Ano bang sinasabi mo dyan?'' Sita ko sa kanya. Hindi naman kasi ako namamayat. Sige nga halos araw araw may pagkain sa libre sa desk mo tapos ang sarap pa, Ubos ko yun kahit na hindi niya sabihin. 

''Tska isa pa. Kung namamayat ako. Edi sana may tira tira pang pagkain sa mga pinagbibigay mo sa akin dba? Eh kapag kinain ko wala namang natitira. Aish!'' Reklamo ko pa.  Natawa naman si Josh sa akin pati na din yung mga kasama namin. 

''Ang cute niyo. Aish, Sana all.'' sabi ni Ken.  ''Dre. Order na tayo, kanina pa gustong kumain nang tiyan ko.'' sabi pa ni Ken. 

''Dre, Ito mukang masarap to.'' Sabay turo niya sa menu. ''Umorder na nga lang tayo, Hindi tayo pinapansin ni Josh eh.'' sabi ni Stell. 

Oo nga hindi talaga kasi naman nagpipicture kami ditong dalawa. Ewan ko ba dito, ako na ang laman nang phone niya. 

''Dre, Kakain tayo dba? Mamaya ka na dyan. Gutom na kami eh.'' sabi ni Pablo at humawak pa sa tiyan niya. 

''Oo na nga eh. Umorder nalang kayo dyan.'' iritang sagot nito kay Pablo. Hanep talaga tong mga to. 

''Order pala ah. Sige. dre sa akin yung may chicken as always.'' sabi ni Ken. Mukang madaming oorderin tong mga to. 

''Ikaw Y/n? Anong gusto mong kainin?'' tanong sa akin ni Josh. Masasarap yung mga pagkain na nandito, Ikaw ba naman dadalhin ka sa mamahalin na resto tapos hindi masarap? Hindi naman makatarungan yun. 

''Hindi okay lang kahit ano. Mukang masarap naman lahat.'' Sabi ko. Si Josh na ang nag order. 

Ilang minuto palang ay dumating na yung orders namin. Bigla naman akong nilagyan ako ni Josh nang sangkatutak na kanin at Ulam. 

''Ang dami.'' reklamo ko. Pinandilatan niya naman ako. Okay lang to, gutom na gutom lang din naman ako. 

''Okay lang yan, Pakabusog ka.'' sabi niya sa akin. Hindi siya makadiskarte nang paghawak sa kamay ko, yung mga sweet gesture. kaya hanggang dito nalang muna. 

Since okay nanaman ang management. Bakit hindi ko na siya sagutin? Siguro naman matatangap. 

''Mag-usap tayo mamaya.'' bulong ko kay Josh. Medyo kabado ako sa gagawin ko, bakit ba ako kinakabahan eh sinagot ko lang naman siya. 

''Sige.'' sagot niya at nginitian ako. At nagpatuloy siya sa pagkain. 

Shit Y/N. wag ka nang kabahan. Siguro naman hindi ko pagsisihan yung desisyon ko dba? Kasi gusto ko rin naman siya. Bilang fangirl na nagtratrabaho. parang dream come true to para sa akin. 

''Feeling ko dahil ang mahal nang babayaran natin.'' parinig ni Ken. 

''Okay lang yan, Makabawi bawi manlang yan si Josh. Ako palagi ang nanlilibre sa inyo.'' may diin niyang sinabi. Ako naman tong natawa sa mga explanation niya. Rich kid kasi tong si Justin, Kaya ayan siya parati. 

''Daming sinabi.'' saad ni Josh. 

''Oy, tama na ang away. Kumakain nga tayo eh'' sita ko sa kanila. Pati ba naman sa kainan ngayon, Nag-aaway pa din. Itong si Josh nangunguna parati. Minsan nga patago ko nalang din kinukurot para manahimik. 

Masaya kaming nagtatawanan nang biglang may lumapit na mga babae. As usual, mga fangirls. Ito nanaman po tayo sa serye kung paano sila pakikiusapan. 

''Okay lang po ba makuha yung autographs niyo?'' tanong nang babae at dala niya is yung case niya na clear at may dala siyang pentel. Pagbigyan ko na ba? 

''Autograph lang naman yan. Okay lang yan.'' sabi ko. Wala naman silang nagawa, nginitian nila yung mga fans na nakaupo doon at si Stell, Si Stell kinausap nang kinausap yung mga yun. Ang humble talaga nang mga to. ''Tska mukang kasama sila sa mallshow kanina, pero wala naman sigurong idea na ako yung tinutukoy mo.'' bulong ko kay Josh. baka kapag sinabi ko din sa ibang members, baka pagchismisan na ako. 

Parang mini fanmeet ang ganap, pero dadalawa lang sila. Hindi naman sila madami kaya pumayag ako na ganito. Natuwa din kasi ako sa kanila.

''Salamat po!'' sabi nung dalawang babae at umalis na. Naririnig ko pa din yung kilig nila. Kung ako yun siguro, baka hinimatay na din ako. 

''Natuwa si Y/N. Hindi nagtaboy nang fans.'' sabi ni Stell. ''Pero okay lang din, Namimiss ko na talaga na maka interact ang A'tin.'' sabi niya pa. 

Madalang na kasi yung mga fanmeets na makakainteract ang fans, Siguro kasi.. Kasi nagiging sikat na sila. Padami nang padami yung fans nila kaya mas madami yung mga concerts at mga mall show. Kada nakikita ko yung mga mall shows tapos nagpeperform sila. Natutuwa ako kapag sobrang napupuno ung venue. Grabe ang support nang fans. 

.......

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊




My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon