10:30 AM.
Nanaginip ako na sinagot ko na daw si Josh. Hindi kaya sign na yun para ibigay ang sagot ko sa lalaking yun?. Kinuha ko yung phone ko at naisipan ko na, itext ko nalang sa kanya. Pustahan, mamaya nasa harap na to nang bahay ko.
Kinakabahan na ako dito, hindi ko alam kung paano sisimulan. Sasagutin ko lang naman siya, pero bakit parang isang malaking commitment yung gagawin ko. O sadyang kabado lang ako kasi.. bago lang sa akin yung set up na ganto. From his PA na fangirl, at ngayon magiging boyfriend ko na once na sumagot na ako.
Baka biglang matalo to sa laro kapag sinabi ko. Aish, teka pakalmahin ko lang yung sarili ko.
Napatalon naman ako sa kinauupuan ko nang bigla siyang tumawag. Aish, wala manlang pasabi tong baliw na to. Sasagutin ko na ba?"Hello." Sagot ko. Nanginginig yung kamay ko, hindi ko talaga alam pero nablablanko na ako.
"Ano ba sasabihin mo?" Seryosong tanong niya. Ako naman tong nauutal utal na, nawala sa isip ko. Teka alalahanin ko lang.
"Bakit ka ba kasi biglang tumatawag? Aatakihin ako sa puso dahil sa nerbyos eh. Alam mo ba yun?" Sabi ko pa. Pampatangal lang nang stress at nerbyos na nararamdaman ko ngayon.
"Ayaw ko nang message lang. Hindi ko maririnig boses mo." Sabi niya pa. Napatikom ako at pilit kong hindi makapagsabi nang kung ano ano.
"Aish, Corny mo." Sita ko sa kanya. Pero deep inside, gusto ko nang himatayin dito.
"Ano bang sasabihin mo? Dali na. Mukang nakakaexcite yung announcement mo." Sabi pa nito sa masayang tono.
"Oo na. Sinasagot na kita." Sabi ko at napatahimik nalang ako. Gusto kong ibaba na yung phone ko para hindi ko na marinig yung mga sinasabi niya or kahit yung reaction niya.
"Sige baba ko na to. Bye" bigla ko nalang sinabi at ibinaba ko yung call. Hindi ko na talaga kaya na manatili pa kasi feeling ko anytime, baka himatayin na ako.
Narinig ko nanamang tumatawag si Josh. Aish, bakit ba hiyang hiya na ako ngayon. Sinagot ko na, baka sabihin niya kung kailan naging kami, nagawa ko pang umiwas sa kanya.
''Hello?''Sagot ko sa tawag niya.
''Buksan mo yung pinto.'' utos niya. Ha? Bakit ko bubuksan yung pinto? Takte, nandito ba yung lalaking yun. ''Dalian mo, ang init dito sa labas.'' sabi pa nito. Shit, nandito talaga siya sa labas nang bahay ko. paano kung may sumunod sa kanya?
''Bakit nandito ka?'' tanong ko sa kanya pagkabukas ko nang pinto. Bwisit ka Josh, Sana man lang nagsabi siya, hindi yung basta basta siya pumupunta. Sumisilip pa ako sa bawat gilid nang bahay ko baka kasi may nakasunod sa kanya.
''Pwede bang papasukin mo muna ako?'' Sabi niya, agad ko naman siyang hinila papasok nang condo kasi baka mas may lalong makapansin na nandito siya. Umupo siya sa sofa ko at ako naman tong may iritang muka na nakaharap sa kanya.
''Bakit ba kasi nandito ka?'' Iritang tanong ko sa kanya. Siya naman tong tumayo sa kinauupuan niya tapos tumabi sa akin tapos bigla akong hinalikan sa pisngi. Takte. Akala niya siguro madadaan niya ako sa ganto.
''Ano hindi ka sasagot? Alam ko namang miss mo ako, pero pwede bang manahimik ka muna sa bahay niyo.? Alam nila Stell yan?'' Seryosong tanong ko. Yare ako nito, bigla biglang umaalis nang bahay nila.
Speaking of. Tumatawag na sa akin si Stell.
''Yow.'' sagot ko sa kanya. Hindi ako kinakabahan kasi tinawagan ako ni Stell, kasi dapat tatawagan ko na sila, para mainform na nasa bahay ko ang mokong na to.
''Nandyan ba si Josh?'' Tanong nito sa akin. Hindi kaya pinagtritripan ako nang mga to at alam talaga na pupunta talaga si Josh dito. Hindi kaya wrong timing yung pagsagot ko sa kanya?
''Oo. At hindi ko alam kung bakit hindi niyo pinigilan ang lalaking to.'' sabi ko at sinamaan ko nang tingin si Josh.
''Hayaan mo na, Naexcite ata. Goodluck sa day one nang dating!'' masayang sabi nito. Aish, Alam nga nila. Kainis naman.
''Hindi ko mapapangakong okay ako sa ginagawa niya ah, Paano kung may nakakita sa kanya, issue na to.'' sabi ko.
''Sige na, ibaba ko na yung tawag. Enjoy!'' sabi ni Stell at ibinababa na yung tawag. Aish, itong mga kaibigan niya talaga eh. Lakas mantrip.
''Hindi ka ba makapag celebrate sa bahay mo kasi sinagot kita?'' Asar ko sa kanya Mukang kailangan pang icelebrate na kasama ko, Baliw talaga.
''Boyfriend mo nanaman na ako. So kahit na pumunta ako dito nang hindi kita iniinform, okay lang yan.'' sabi niya pa at hinalikan niya ako sa noo.
''Dito ka na maglulunch? Tinatamad ako magluto.'' sabi ko at ibinagsak yung sarili ko sa sofa.
''May malapit na ministop dito dba? Tara doon nalang. Noodles?'' Nagbibigay siya nag suggestion. Hindi naman din sa nahihiya ako sa bahay ko kasi nakita niya nanaman to.
''Sige.'' sumangayon nalang ako. Hindi naman din kasi ako mananalo sa kakulitan nang lalaking to. ''Teka, bago tayo lumabas. May cap ka at mask dba? Suotin mo wag mong huhubarin.'' Babala ko sa kanya. makinig naman siya sa akin.
''opo. Ano pwede na ba tayo lumabas?'' tanong niya at tumingin sa salamin habang inaayos yung buhok niya pati yung mask niya
''Okay na yan. Wag mo lang talagang tatangalin yan, kasi yare sa akin.'' sabi ko pa at napangiti naman siya.
''Opo. Tara na nga, Nagugutom na ako e.'' Sabi niya pa. Lumabas na kami nang condo at pumunta na s ministop.
.....
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!
Enjoy Reading😊
BINABASA MO ANG
My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]
Fanfic𝕊𝔹𝟙𝟡 𝕁𝕆𝕊ℍ×ℝ𝔼𝔸𝔻𝔼ℝ Being a PPOP idol is not that easy, undergoing hard training to keep their career, and one of the agreements is not having a girlfriend or dating someone during the duration of their career. What if an ordinary fangirl ju...