''Since when?'' tanong ni Stell.
''Sabi ko na nga ba eh, Hindi na talaga ako magdududa dyan.'' sabat ni Ken, Lakas naman nang pang-amoy ni Ken, Pati dito nahahalata niya.
Hindi ko talaga alam kung anong pinasok ko eh. Alam ko lang naman magtratrabaho. pero bakit mag love story na naganap. Nakaupo lang ako nakikinig sa mga explanation na ginagawa ni Josh. Ayaw ko nalang magsalita, at ako'y naiistress sa baliw na to.
''Gusto kong marinig kung anong naramdaman ni Y/N nung umamin ka sa kanya.'' sabi ni Ken, ayos parang nasa showbiz ako ah. Sabi ko kasi wag mafall eh, hindi nga ako nafall. siya naman. pahamak ka talaga heart.
''A--Ah Ako?''
''Yup. So paano umamin tong tropa namin?'' tanong ni Sejun at medyo biniro nang sakal si Josh. Ano bang isasagot ko sa mga tanong nila. Hayst bahala na.
''Basta. Kapag nagsabi ako, walang makakalabas. satin satin lang.'' paniguradong sabi ko sa kanila, nakita ko naman silang tumango. Sana talaga hindi makalabas nang media. ''Actually, Naalala niyo nung pauwi na kayo. nauna na kayo sa bahay niyo tapos itong si Josh. Ayun dinala ako sa isang place then sinabi niya na gusto niya ako, Hindi ako pumayag na magpaligaw pero still nag iinsist siya. The end.'' paliwanag ko. Hindi ko naman talaga gusto magpaligaw. Talagang nagpupumilit siya.
''Ay iba din ang Josh. HAHAHAHA kahit ayaw go lang.'' sabi pa ni Stell at halos lahat naman sila natuwa. Nakita ko yung pagiging sincere ni Josh kasi naman kahit na sabihin kong hindi, nagpatuloy pa din siya.
''O guys. alam niyo na tumulad kayo sa akin.'' pagmamayabang pa ni Josh. Ay Jusko po. proud pa talaga siya, pero gusto ko yung nakikita ko siyang nakangiti.
''Hayst Josh.'' napahinga nalang ako sa hangin at bumulong. Sana talaga hindi ako mapahamak.
''Sana aware ka din sa kontrata na binigay sa kanya.'' biglang sabi ni Justin. Naiirita din ako sa kontrata pero wala eh, Yun kasi ang protection nila for artist para iwas sa issue. Artist can't have a relationship unless... pinayagan sila. Ako na simpleng tao ang nililigawan nito, hindi ako artista. minsan naisip ko din, bakit. Bakit ako?
''Edi kung kailangan kong kausapin ang entertaiment natin. Gagawin ko. Wag lang siyang mawalan nang trabaho.'' sabi pa ni Josh. Okay hindi ko matatangi, kinilig ako. Ang tanong makikinig kaya sa kanya yung mga head nang Showbt.
''Yun lang. Pagdadasal ko na pakinggan ka nang management. Sana matangap din nang fans yang si Y/N.'' sabi pa ni Ken. Alam mo yung hindi ko alam kung kampi sila kay Josh or number one basher na. HAHA
''Tama na usapang samin. Masyado nang madaming info.'' sita ko sa kanila. medyo nakukulili na ako sa pag uusap nila na pangalan ko ang lumalabas sa bunganga nila.
''Okay lang. Ang cute kasi nang love story niyo. Actually hindi pa ata nagsisimula since, hindi mo pa sinasagot si Josh.'' sabi pa ni Stell. Oo nga naman. So parang teaser palang? ayus talaga.
''Hindi pa. So when Y/N?'' parinig ni Ken. O ngayon pinipressure na nila ako. Hindi ko nga alam kung sasagutin ko to, kasi naman... madaming consequences na pwede kong harapin kapag nangyari yung panahong... magiging kami na.
''Hindi ko pa alam.'' malamig na sagot ko. Kahit sa sobra sobra yung paghanga ko sa taong to. magkaiba pa din kami nang mundo.
''pero mabubusted mo ba si Josh?'' mausisang tanong ni Sejun. Hindi naman siguro, Hindi ko din kasi alam kung bakit may balak akong patigilin siya pero at the same time ayaw ko kasi nakakaramdam ako nang pag-asa. kahit na alam kong sobrang komplikado nang set up naming dalawa.
''Wala naman sa point na.. ganun.'' sabi ko. Bigla naman silang napasigaw sa kilig. ang sakit sa tenga ah. ''O tama na. masyado nang masaya.'' sita ko, nagpipigil ako nang ngiti kanina pa eh.
''Sus. Joshie niyo pumapag-ibig na.'' asar ni Justin. O ito nanaman sila nagsisimula nanaman. ''Ayieeeee I'm sure susuportahan naman kayo nang A'tin. Kapag mahal mo, mahal na din nila.'' sunod niya pa. Sana nga.
''O tama na yan. Malapit na ba sa bahay?'' tanong ko kay Kuya yuri at sinilip sa bintana. Masaya ako at the same time kabado.
Ilang minuto nalang din naman bago kami makarating sa bahay nila, idrodrop ko lang sila tapos uwi na din ako.
......
Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!
Enjoy Reading😊
BINABASA MO ANG
My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]
Fanfiction𝕊𝔹𝟙𝟡 𝕁𝕆𝕊ℍ×ℝ𝔼𝔸𝔻𝔼ℝ Being a PPOP idol is not that easy, undergoing hard training to keep their career, and one of the agreements is not having a girlfriend or dating someone during the duration of their career. What if an ordinary fangirl ju...