CHAPTER 41

7 0 0
                                        

AKI POV

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin nang buksan ko ang pinto sa veranda ng aking kwarto. Tumingin ako sa itaas at napangiti ng makitang lumiliwanag ang langit dahil sa napakaraming bituin , napakasarap pagmasdan. Muli nanamang bumalik sakin ang lungkot at sakit ng sumagi sa isip ko si Charles, napapikit ako ng mariin at nagsimulang pigilan ang pagbagsak ng luha. Ayoko ng umiyak, ayoko ng sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyari, ngunit kahit anong gawin ko ay iyun talaga ang naiisip ko.Pakiramdam ko ay wala akong kwentang girlfriend at puro pabigat lang ang iniambag sa isang taong relasyon namin. Nagsimula na ngang umagos ang luha na kanina'y pinipigilan ko pa.Naramdaman ko na lamang ang pagpatong ng isang malambot na tela mula sa likuran ko.

"You must wear it Aki. Masyadong malamig."

Nilingon ko si Clarkson at tinanggap ang jacket na dala-dala nya pagtapos ay muling ibinalik ang tingin sa itaas.

"Umiiyak ka nanaman?"

Bahagya kong pinunas ang luha ko at nakangiting humarap kay Clarkson.

"Namimiss ko si Charles.Napakawalang kwenta kong girlfriend, hindi dapat nya ginawa yun."

Humakbang sya palapit sa akin at ikinulong ang muka ko sa mga palad nya.

"You deserve it Aki. Mahal na mahal ka ni Charles."

"Kasalanan ko lahat ng to Clarkson."

"Stop blaming yourself.Kagustuhan ni Charles ang ginawa nya. Masakit pero kailangan nating tanggapin.Mas lalong malulungkot si Charles kung patuloy mong sisisihin ang sarili mo."

Bahagya akong ngumiti at saka niyakap si Clarkson, naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa mga buhok ko.

"Tara na sa baba, nandun na sila.Sama-sama tayong salubungin ang Noche Buena."

Napakamot ako sa ulo ko ng maalalang December 24 nga pala ngayon,sa sobrang lungkot ko ay nakalimutan ko ng Christmas Eve na pala. Nabungaran ko ang napakaraming pagkain at napakaingay na sina tita at tito, kasama si Grei.Nakita ko rin sina Louie at Dwight na ngayon ay nag-aayos ng mga regalo sa ilalim ng malaking Christmas Tree. Napangiti ako, kaagad nila akong binati ng makababa ako.

"Merry Christmas Aki."

"Merry Christmas sa inyong lahat."

"Nagugutom ka na ba Aki, kumain ka na muna."

"Mamaya na po Tita, malapit na rin namang mag alas dose."

"Osige. Makipagkulitan ka nalang muna sa mga iyan."

"Opo.Guguluhin ko po sila."

"Ansama mo Aki!"

Tumawa ako ng sumigaw si Dwight at akma pang ihahagis sa akin ang hawak nyang regalo.

"Sige ihagis mo, wala ka ng regalo mamaya."

"Edi kukuhain ko na lahat to.Tutal ako naman ang nag-ayos."

"Anong ikaw, ako! Nanggugulo ka lamang jan eh!"

"Ikaw ang magulo Louie! Tingnan mo nga yan , kanina pang palipat di mo parin maayos."

"Ah magulo pala ah! Edi guluhin nalang natin lahat."

Pinagtatapon ni Louie lahat ng regalo kaya nagulo pati ang gingawa ni Dwight. Kaya naman nagsimula na silang maghabulan. Nakakatuwa sila parang mga bata.
Tawa kami ng tawa habang pinapanuod yung dalawa na naghahabulan , maya-maya ay nakisali na rin si Grei sa kanila kaya mas lalong gumulo.Naisip ko nanaman si Charles, mas magulo siguro kong nandito sya.

"Tama na yan mga siraulo! Tss."

"Ang kj mo nanaman Clarkson!"

"Alas Onse na kasi , malapit na mag 12 ayusin nyo na yang mga regalo."

"Eto na po master.NapakaKJ!"

Inirapan lang sya ni Clarkson na parang babae saka naglakad papunta sa garden. Doon kami magcecelebrate.

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now