CHAPTER 32

9 0 0
                                        

GREI POV

Mabilis na lumipas ang panahon at hindi ko namalayan ang paglipas mg mga araw , 1 buwan na palang tulog si Aki.Marami na ang namissed nya sa university tulad nalang ng pagiging volleyball player nya , opisyal na syang inalis sa line-up dahil sa kalagayan nya at sobrang nalungkot at nanghinayang ang karamihan lalo na ako dahil alam kong napakagaling na manlalaro ni Aki at pangarap nya talaga iyun.Bibigyan naman sya ng considerations in terms of academics kapag nagising na sya , sayang rin naman daw kasi ang ranking nya.Sa ngayon ay hindi parin masyadong ayos ang lahat lalo na sa pagitan nila Charles at kuya.Ikinwento ni kuya sakin ang lahat at alam kong mali sya dun kaya pinigilan ko syang  magalit kay Charles dahil kasalanan naman nya , nung una ay nagkasuntukan pa sila pero napaliwanagan naman namin sila na si Aki nalang ang isipin nila.Bagama't hindi nagpapansinan pero mabuti naman at hindi na rin sila nag-aaway , alang-alang nalang kay Aki.

Wala na akong klase kaya ako ang nagbabantay kay Aki , kapag naman nasa school kami ay si nanay Emma ang nagbabantay.Pinaalam narin namin sa parents nya ang nangyari at sa isang linggo daw ay uuwi na sila dito sa Pilipinas para kay Aki.Galit na galit sila ng malaman ang nangyari pero ako na ang nakipag-usap sa kanila , wala namang maitutulong ang galit nila.Bandang alasais ng pumasok si Charles sa room ni Aki.

"Pwede mo ba muna kaming iwan?"

Tumango lang ako at saka tiningnan si Aki.Hinintay kong makalapit si Charles bago ako tuluyang lumabas sakto namang nakasalubong ko si kuya.

"Nasa loob si Charles.Dito nalang muna tayo."

Umupo naman kami sa labas ng room at sinimulan kong mag open ng topic.

"Pauwi na ang parents ni Aki sa isang linggo."

"Mabuti naman.Galit parin ba ?"

"Galit na galit pero sana manlang magpakamagulang sila kay Aki ngayon."

Napailing nalang si kuya bago humalukipkip , tumahimik narin ako hanggang sa bumukas ang pinto at lumabas si Charles.Tumingin sya sakin at nagpaalam.

"Aalis na ko.Pakisabi kay nanay Emma , ako ang magbabantay kay Aki bukas ng umaga."

Tumango lang ako at tuluyan na syang umalis.Hinarap ko si kuya.

"Wala ba kayong pasok bukas?"

"Meron. Gusto lang siguro nyang bantayan si Aki."

"Eh ikaw ? Kelan ka magbabantay ng mag-isa kay Aki?"

"Kapag payag na si Charles."

May lungkot sa mga mata nya bago pumasok sa room ni Aki.Naaawa rin ako para kay kuya pero mas mabuti ng lumugar nalang sya , si Charles na ang boyfriend at hindi na sya kaya dapat lang na intindihin nya ang kagustuhan ni Charles.

CHARLES POV

Matapos ang gabing naglabas ako ng sama ng loob kina Louie at Dwight , ipinasya kong ayusin muli ang buhay ko para kay Aki. Malaki ang kasalanan ko kung bakit nasa ganoong kalagayan siya ngayon kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko syang mabuti habang nasa hospital pa sya.
Maaga akong nagtungo sa hospital para puntahan si Aki , ayoko munang pumasok ngayon para mabantayan sya.Naabutan ko namang nandun si Clarkson pati na rin si nanay Emma , hindi ko hinahayaang mag-isa si Clarkson na magbantay kay Aki.Immaturity man pero ayoko lang talagang pati ang pagbabantay kay Aki ay agawin nya pa sakin.

"Nandito ka na pala Charles. Katatapos lang syang icheck ng nurse.Maya-maya ay babalik ulit yun , ikaw na ang bahala."

"Salamat po nanay Emma , ingat po kayo sa pag-uwi."

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now