Akisha POV
Katulad ng sinabi ni Grei , binalikan nga nya ako sa clinic pagkatapos ng klase nya. Narinig kong nagpaalam sya sa nurse doon na iuuwi na ako.Pumayag naman ito matapos ang ilang paalala.
"Aki ,tara na. Bubuhatin nalang kita ha?"
"Hindi ako lumpo , kaya kong maglakad"
Inalalayan nya akong bumangon at pinilit kong ipakita na kaya ko ngang maglakad pero nabigo ako , napakasakit ng pilay ko sa paa kaya natumba ako , buti na lamang ay nakaalalay sakin si Grei kaya't mabilis nya akong nasalo. I heard him sighed.
"Aki , wag ng matigas ang ulo. Kapag pinilit mo ay baka lalo pang lumala ang pilay mo."
"Kaya ko naman kasi ang sarili ko bakit ba tinutulungan mo pa ko?!"
"Aki pakiusap naman oh , wag mo namang kalimutan kung anong meron tayo dahil lang jan sa pride mo"
Natahimik ako sa sinabi nya , nakaramdam ng kirot sa puso. Sa totoo lang ay hindi ko rin kaya ng ganito kami ni Grei , sa tagal ng pinagsamahan namin , iilang beses palang kami nag-away at ito na yata ang pinakamalala. Pinabayaan ko na syang buhatin ako papunta sa parking lot , maraming estudyante ang nagtanong samin kung anong nangyari pero wala ni isa kaming sinagot sa kanila. Kotse ko na ang ginamit ni Grei , tatawagan nalang daw nya ang driver nila para ipakuha ang kotse nya.
Nang makarating sa bahay ay sinalubong kami ng maraming katanungan mula sa mga maids namin at pati na rin ang mga guards. My parents is on the other country for their business kaya tanging mga kasambahay lamang ang kasama ko dito , lagi silang umaalis , may mga pagkakataon ngang hindi ko sila nakikita ng ilang buwan dahil sa sobrang busy nila , isa ito sa mga dahilan kung bakit mas madalas akong tumambay kina Grei at sa tingin ko nga'y mas malapit pa ang loob ko sa mga magulang nya.
"Naku iha , anong nangyari sa iyo? Bakit andami mong sugat?"
"Wala po ito nanay Emma , wag po kayong mag-alala"
"Naku kelangan malaman ito ng mga magulang mo Aki."
"Naku wag na po! Wag nyo na pong ipaalam sa kanila , baka maistorbo pa sila sa ginagawa nila."
Bahagya akong napayuko ng sabihin iyun , totoo naman kasi na kapag may mga concerns ako at sinasabi ko sa kanila , sasabihin nilang nakaistorbo ako kaya mula noon ay hindi na ako nagsasabi ng kahit na anong bagay sa kanila , ayokong problemahin pa nila iyun. Pati nga ang paglipat ko ng university ay hindi nila alam. Nanatili akong nakayuko , ayaw kong maiyak nanaman sa harapan nila , kahit na sanay naman na sila.
"Nanay Emma , wag na po kayong mag-alala. Ako na pong mag-aalaga kay Aki. Makikisuyo nalang po ng pagluluto ng pagkain para sa kanya. Salamat po."
Umakyat na kami ni Grei at saka ako ibinaba sa kwarto ko. Tahimik akong humiga , at sinubukang pigilan ang mga luha na kanina pa gustong kumawala pero bigo akong pigilan ito ng yakapin ako ni Grei.
"Cry it out Aki , wag mong pigilan."
"Napakahina ko Grei! Sobrang iyakin! Sobrang madamdamin! sakitin at walang kwenta ! pakiramdam ko wala na kong halaga sa mundong ito!"
"Stop thinking like that Aki , ilang beses ko ng sinabi sayo , napakahalaga mo."
"Kung mahalaga ako bakit sarili kong magulang ay walang pakialam sa akin."
"They are just busy for your future Aki. Para sa iyo rin naman ang ginagawa nila"
"Grei , i don't need their money. I don't need those things. I don't need popularity. I don't need anything that I have now .. all I need is them! Their love , their attention. Gusto kong maramdamang may mga magulang ako"
"Nandito lang ako Aki , di ko man maibigay ang pagmamahal ng isang magulang pero kahit kelan hindi kita iiwan."
Mas lumakas ang pag-iyak ko dahil sa sinabi ni Grei. Simula pagkabata ay kasama ko na sya at wala pa kong natatandaan na iniwan at pinabayan nya ako kahit na may hindi pa kami pagkakaintindihan.
Grei POV
Niyakap ko lang ng mahigpit si Aki. Nasasaktan ako kapag nakikita ko syang malungkot at umiiyak , ayokong nakikita syang nahihirapan kaya kapag may magagawa ako ay talagang gagawin ko para sa kanya pero pagdating sa magulang nya , talagang wala akong magawa. Sinubukan ko ng kausapin sila noon pero binalewala lamang nila iyon. Alam kong mahal nila si Aki pero sa paraang hindi dapat.Tama si Aki , hindi pera ang kailangan nya kundi pagmamahal at atensyon ng magulang nya.
"Ubusin mo na ang luha mo , alam mong ayokong umiiyak ka. Nasasaktan akong makita kang ganyan."
"Titigil na nga ako! masyado na yata akong madrama ! hahahaha"
Nasapo ko ang noo ko ng bigla syang tumawa. Baliw talaga ang babae na to , kanina lang ay todo iyak ngayon ay tawa na ng tawa. Tumayo ako at nagtungo sa drawer nya , kumuha ako ng isang pares na damit at isang pares na panloob , walang issue iyun sa amin.Ganito na kami bata pa lang.
"Kaya mo bang magbihis? nangangamoy kana! hahaha"
"Ang kapal naman ng muka mo , mas mabango pako sayo nuh!"
Tumawa lang ako ng malakas.Mabango naman talaga siya , nagbibiro lamang ako.
"Kaya mong tumayo? aalalayan kita papuntang cr.Magbihis kana."
"Oo hindi naman ako nalumpo Grei."
Inalalayan ko sya papuntang cr at saka hinayaang magbihis. Habang nandoon sya ay pansamantala akong humiga sa kama nya at panandaliang nirelax ang sarili. Sobra akong napagod ngayong araw pero hindi dapat iyun mahalata ni Aki.Ayokong isipin nya na naging pabigat nanaman siya.Abnormal kasi lagi ang isip nun.
Maya-maya pa ay lumabas na rin siya. Mabilis akong tumayo para alalayan sya.
"Ang hapdi ng mga sugat ko. Bwiset na Lexi yan. Sarap pugutan ng leeg!"
Natawa nalang ako sa sinabi nyang iyun. Alam kong kaya naman niyang lumaban kahit papaano kay Lexi , yun nga lang ay hindi siya sanay sa away kaya siguro siya napuruhan.
"Bababa lang ako para kumuha ng pagkain natin. Dito nalang tayo sa kwarto mo maghaponan para hindi kana mapagod pang bumaba"
"Sige bilisan mo dahil nagwawala na ang anaconda ko sa tiyan hahahaha"
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
De TodoDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
