AKISHA POV
Hindi ako pumasok sa school tulad ng bilin ni Grei , naipagpaalam na daw nya ako sa COS Dean. Dahan-dahan akong bumangon at ininda ang kirot ng mga sugat at pasa ko sa katawan , mas masakit rin ang pilay ko ngayon kumpara kahapon. Nabasa ko ang note na iniwan nya sa gilid ng kama ko.
"Goodmorning Aki. Umalis na ko. Magpahinga ka lang jan ah? Tawagan mo nalang si Nanay Emma paggising kana para hindi ka na bumaba , dadalhan ka nalang nya ng pagkain. Magpalakas ka. I love you Aki." - Grei
Bahagya akong napangiti sa note na yun ni Grei. Napakalambing talaga ng besfriend ko , lagi ko tuloy naiisip na napakaswerte ng magiging girlfriend nya sayang nga lang at hanggang ngayon ay hindi parin sya nanliligaw. Nalungkot ako sa naisip ko , alam ko kasi na ako ang dahilan kung bakit hindi sya nageentertain. Gustuhin ko man na suklian ang pagmamahal nya pero mahirap turuan ang puso , sadyang hanggang bestfriend lang ang kaya kong ibigay sa kanya dahil may isang tao akong sobrang mahal at nararamdaman kong ganun din sya sakin.Napatigil ako sa pag-iisip ng magring ang phone ko , it was my boyfriend calling.
"Goodmorning , kamusta na pakiramdam mo ? Pasensya ka na hindi pa kita mapuntahan , may mga inaasikaso pa kasi ako."
"Okay lang naiintindihan ko , masakit pa rin ang katawan ko pero inalagaan naman ako ng bestfriend ko kaya medyo okay nako"
"Sigurado ka? I can go there if you want me to."
"Hindi na , tapusin mo nalang yung mga dapat mong tapusin. I will update you nalang sa lahat ng nagyayari sakin"
" O sige , ingat ka palagi. Wala ako sa tabi mo para maalagaan ka. Sorry for being useless boyfriend"
Ramdam ko ang lungkot sa boses nya kaya I try my best to cheer him up.
"Don't worry ! okay lang iyun sakin , sapat ng alam ko na mahal mo ko kahit hindi tayo madalas magkasama"
"Mahal na mahal kita Akisha. Wag ka sanang magsawa na intindihin ako"
"Of course not. You know how much I love you right?"
"Yeah , i really know"
"So , don't think na magsasawa ako sayo. Co'z I'll never."
"I love you so much Akisha."
"I love you too."
I end the call. I sighed. Hanggang kailan ako maghihintay na pwede na naming isapubliko ang relasyon namin.Nahihirapan na rin ako sa ganitong set-up pero kinakaya ko dahil mahal na mahal ko sya.
GREI POV
Last subject done. Masaya akong lumabas ng classroom , kina Aki ako didiretso , doon muna ako habang hindi pa maayos ang pakiramdam nya.Pagkasakay ko sa kotse ay kinuha ko muna ang phone ko bago tinext si Aki. Alasdos palang naman ng hapon kaya abot pa sa meryenda kung bibillhan ko sya.
"Bukod sa shawarma at milktea , ano pang gusto mong ipabili?"
"Wow. Bakit ? Uuwi kna? hahaha"
"Oo kaya bibilhan kita ng pagkaing gusto mo. Bilisan mo baka magbago pa isip ko."
" I want donuts.Yung Bavarian"
"Noted.Seeyah!"
Pinaandar ko na ang kotse at dumiretso sa pinakamalapit na mall.Hindi naman ako natagalan sa pagbili kaya mabilis rin akong nakarating kina Aki.Binilhan ko rin ng pagkain sina Nanay Emma at iniabot iyun sa kanila bago tumaas sa kwarto ni Aki.Bukas naman iyun kaya hindi nako kumatok. Naabutan ko syang naglalaro ng ML , aba't kababaeng tao , napakagaling mag ML. Hindi naman nya pinansin ang pagpasok ko dahil umaatake yata siya. Ipinatong ko ang mga pagkain sa side table nya saka umupo sa tabi nya at hinalikan sya sa pisnge.Hindi naman sya umalma.Nakasanayan ko na rin kasing gawin iyun.
"Uubusin ko lahat ng pagkain pag di ka pa jan tumigil"
"Saglit na lang to."
Pinanuod ko nalang sya habang naglalaro. Nag-eML rin naman ako pero hindi ako magaling , di katulad ni Aki. Ilang minuto lang naman ay napatumba nila ang tore ng kalaban.Tuwang tuwa syang yumakap sakin at saka naglambing.
"Thank you sa foods Grei. Nagugutom talaga ako , kanina ko pa nga kinakain ang mga pagkain jan pero nagccrave talaga ako sa mga foods na dala mo.Ang gwapo gwapo talaga ng bestfriend ko!"
"Sus nambola ka pa! Kumain kana lang kesa bolahin mo pa ko."
Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at kinurot ang dalawang pisnge ko , she also kissed my nose.
"You satisfied my cravings! I love you!"
"I love you more Aki."
Pinanuod ko lang syang kumain , lalo akong nafafall sa kanya kapag naglalambing sya sakin ng ganun pero mas okay na yun kahit alam kong hanggang kaibigan lang talaga.
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?