AKI POV
Gabi na nang magpasya silang umuwi , kanina pa rin dumating si Grei. Nakapaghapunan na rin naman kami dito sa kwarto dahil nga hindi ako pwedeng maglakad. Hindi ko inaasahan na dadalawin ako ni Clarkson at ng mga kaibigan nya , pero sobrang masaya ako dahil pinuntahan nila ako.
"aalis na kami Aki , magpagaling ka pa ha?"
"Oo nga , pagbalik mo sa school , liligawan na kita"
"Nakakatuwa ka talaga Charles.Pero salamat sa inyo. Ingat kayo"
Ngumiti ako at nagwave sa kanila , ganun rin naman sila sakin.
" Grei , alagaan mong mabuti si Aki ha? Hayaan mo pag sinagot na nya ako , ako na ang mag-aalaga."
Pahabol pa ni Charles bago tuluyang lumabas , natawa naman si Grei bago bumaling kay Clarkson.
"Ingat kayo kuya."
"Salamat , kayo rin. Alagaan mo si Aki para mas mabilis syang gumaling."
Tiningnan nya ako , nginitian ko lang sya at ganun rin naman sya.
"Oh panu , aalis na kami. Aki , magpagaling kapa."
"Ingat kayo. Salamat ulit sa pagbisita"
Tumango lang sya bago tuluyang umalis.
Nahiga na ako at tumabi naman si Grei sa akin.
"Kamusta pakiramdam mo?"
"Ayos naman , medyo makirot nga lang ang sugat ko saka yung pilay."
"Bakit ba kasi hindi ka lumaban?"
"Mahina ako diba?"
Sarkastiko kong sagot , naalala ko nanaman yung naging pagtatalo namin sa bahay nila pati na rin sa clinic.
"Aki naman , pag aawayan nanaman ba natin yan?
Tumahimik ako , tinalikuran ko sya. Ayoko ng magkasagutan pa kami dahil doon.Naramdaman kong humarap sya sakin at niyakap ako.
"Im sorry kung akala mo mahina ang tingin ko sayo.Ayoko lang nasasaktan ka Aki. Mahal kita kaya pinoprotektahan lang kita"
"Alam ko naman yun.Lumaban ako nun , sadyang may patalim lang si Lexi kaya napuruhan ako.
I heard him sighed.
"Ansama talaga ng ugali ng Lexi na yan.Sa susunod na saktan ka ulit nya , ako na makakalaban nya."
Umikot ako paharap sa kanya at saka sya niyakap pabalik.
"Salamat sa lahat Grei."
"Wala yun Aki basta para sayo.Hangga't kaya ko , gagawin ko lahat , maprotektahan ka lang.Mahal na mahal kita Aki."
"Sorry.."
"Shhh , don't be. Naiintindihan ko.Tanggap ko naman na hindi mo ko kayang mahalin sa paraang gusto ko.But please , hayaan mo kong iparamdam sayo yung pagmamahal ko."
He kissed my forehead.I just smiled.Minsan gusto na lang rin mafall sa bestfriend ko pero paano ko matuturuan ang puso ko?
"Goodnight Aki. I love you."
"Goodnight Grei.I love you too"
Ngumiti sya at saka pumikit.Pinagmasdan ko sya , his lips is red as an apple , his eyelashes is perfectly fitted to his eyes , his nose is pointed ,he has a perpect face overall , even his attitude and personality is admirable but still I can't love him the way he used to loved me. Nakaramdam ako ng guilt pero wala talaga akong magawa kundi paulit ulit na humingi ng tawad sa kanya dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay nya.
GREI POV
1 week after at magaling na ang mga sugat at pilay ni Aki kaya kasabay ko nanaman syang pumasok.Naglalakad kami papunta sa unang klase nya at maraming estudyante ang nangamusta at nakamiss sa kanya.Simula ng pumasok sya dito ay nasa kanya na ang atensyon ng halos lahat ng estudyante kaya alam ko ang nararamdamang galit ni Lexi sa kanya. Lexi is the Queen Bee noong wala pa si Aki , nasa kanya ang atensyon at papuri ng lahat maging ng mga professors , marami ring mga lalaki ang naghahangad na mapansin sila ni Lexi ngunit nagbago nga lahat iyun ng magtransfer si Aki dito.
Nasa tapat na kami ng classroom ni Aki , hinatid ko sya sa upuan at hinintay na umupo.Nagtilian nanaman ang mga kaklase nya at kilig na kilig sa nasasaksihan nila ngayon , maliban kay Lexi na ngayon ay matalim ang tingin kay Aki. I kneeled down sa harap ni Aki upang magpantay kami.
"I'll pick you later , okay? Hintayin mo ko rito."
"Kaya ko namang pumunta sa cafeteria Grei , doon na lamang kita hihintayin."
"No. Susunduin kita."
"Pero G--"
"No buts Aki.Baka saktan ka nanaman ng mga taong naiinggit sayo kaya , susunduin kita."
Nakangisi kong ipinukol ang tingin ko kay Lexi at mataray nya rin akong tinitigan , tila ba nangungusap ang mga mata. Ibinalik ko ang mga mata ko kay Aki at saka pinisil ang ilong nya.Paraan iyon ng paglalambing at pangungulit ko sa kanya.
"Papasok na ako Aki.Mag-iingat ka dito sa classroom nyo."
Simple ngunit makahulugan kong tiningnan muli si Lexi , nakatitig parin sya sa akin.Tumayo ako at saka naglakad palapit sa kinauupuan niya. Hindi naman natinag ang pagkakatitig nya sakin.
"Subukan mo pang saktan ulit si Aki,ako na ang puputol ng sungay mo."
Ngumisi lang sya at saka , tumayo. Tumapat sya sakin at saka tumingin kay Aki.
"Ganyang babae ba ang gusto mo Grei? Lalampa lampa at duwag? Tsk. Ang hina mo rin palang pumili."
"Hindi mo kilala si Aki !"
I greeted my teeth , nanggigigil ako sa babaeng kaharap ko ngayon.
"Ow talaga ? baka ako ang hindi nya kilala Grei. Don't worry , hindi ko naman na sya sasaktan kung kakayanin mong putulin ang sungay ko."
Nagkuyom ang mga palad ko pero pilit kong itinago iyun.Muli syang ngumisi at saka tumapat sa tenga ko.
"Hindi nga naputol ni Clarkson , ikaw pa kaya?"
Bago pa ko makasagot ay dumating na ang prof , kaya lumabas na ako. I looked at Aki , she's in a serious mode.Hindi ko na sya inantala at tuluyan ng naglakad papunta sa klase ko. Nararamdaman kong hindi magiging maayos ang lahat dahil sa Lexi na yan.
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
