CLARKSON POV
Nasa gym kami ngayon , nagtatraining para sa darating na laban next week.Excuse na kami sa mga klase namin pusposan na kasi talaga ang pag-eensayo. 5 years na kasing sunod-sunod na kampyonato ang nakamit ng university na to pagdating sa larangan ng basketball kaya sobra sobra talaga ang pag-aalaga ng school namin sa titulo na yun.Magagaling rin naman talaga ang mga players dito noon pa man.
"Water break.5 mins."
Nagtakbuhan naman ang mga players papunta sa bleachers kung saan nandun ang mga gamit namin.Naglalakad ako ng akbayan ako ni Louie.
"Pre nanjan nanaman si Lexi , hinihintay ka.Kausapin mo na kasi."
Natanaw ko nga si Lexi na ngayon ay may hawak na gatorade at bimpo.Kaagad syang yumakap sakin at saka inabot sakin ang hawak nyang inumin.Pinunasan nya rin ako pero pinigilan ko sya.
"Ako na Lexi , may kamay naman ako."
"Gusto ko lang namang suportahan ka."
"Hindi ko kailangan ng suporta mo. Bumalik ka na sa klase mo."
"Wala kaming klase ngayon kaya nandito ako."
"Hindi kita kailangan dito.Umalis ka na sinisira mo lang ang araw ko Lexi."
Sa halip na umalis ay yumakap pa sya sa akin.Mariin ko syang hinawakan sa magkabilang balikat at saka inilayo sa akin.Nagpumilit naman syang yakapin ako , napapikit nalang ako sa gigil.
"Ano bang gusto mo Lexi?!"
"Ikaw! alam mo naman yun eh!"
"Lexi , matagal na tayong tapos"
"Hindi ako pumayag diba? Ikaw lang ang nakipaghiwalay."
"Lexi alam mo naman kung bakit di ba? Pinag usapan na natin to , dati pa.3 years ago , bakit di mo nalang ako hayaan."
"No Clarkson! hindi ko tinanggap yun."
Napatingin ako sa mga teamates ko , nasa amin na ang atensyon nila pati na rin ang mga coaches namin.Marahas ko ulit syang inalis sa pagkakayakap sakin.
"Lexi stop it! Babalik nako sa training!"
"Mag-uusap tayo mamaya kung hindi pat--"
Alam ko na kung anong sasabihin nya kaya hindi ko ng hinintay na tapusin nya iyun.
"After training.Sige"
Nakangiti naman syang bumitaw at bumalik sa pagkakaupo sa bleachers.Nakasimangot akong bumalik sa pagtetraining.Wala na ko sa mood , bwiset na Lexi!
LEXI POV
Pinagmasdan kong maglaro si Clarkson , wala talagang kupas kahit nung mga highschool palang kami ay sadyang magaling na talaga sya maglaro kaya nga maraming babae ang nagpapapansin sa kanya pero napakaswerte ko dahil ako ang pinili nya.Not exactly pinili pero atleast ako lang ang naging girlfriend nya.Proud ako doon kahit sa maling paraan pa iyon , ang usapan ay naging kami.
Sa wakas ay napapayag ko rin sya na kausapin ako.Marami akong gustong sabihin sa kanya na sigurado akong magiging paraan ko para bumalik sya sakin. I love him so much , at walang sinuman ang makakapigil sakin sa pagmamahal ko sa kanya, not even the girl he love.Kayang kaya kong paikotin si Clarkson sa mga kamay ko. I am Lexi Fernandez , no one can defeat me. Lahat ng sagabal kaya kong tanggalin sa landas namin ni Clarkson.
Bandang alasingko ng hapon ng matapos ang training nila.Hindi na rin ako bumalik pa sa klase.Ayoko ring makita si Aki , nasisira lamang ang araw ko sa babaeng yun.Tss.
"Sa cafe tayo Lexi , magshoshower lang ako.Mauna kana doon"
"Sabay na tayo."
"Hindi pwde Lexi , ayaw rn kitang kasabay."
Nilampasan nya na ako , padabog naman akong naglakad para mauna na sa cafe , baka magbago pa ang isip nya kung hindi ko sya susundin.Malapit lang ang cafe sa university kaya di na ko nagdala ng kotse , iniwan ko nalang doon sa parking lot ng school. 30 mins.rin siguro akong naghintay doon at sa wakas natanaw ko na syang papasok sa cafe kasama ang mga kaibigan nya.Wtf, bakit sinama nya ang mga iyun.Napairap ako ng umupo sya sa tapat ko.
"Sa ibang table sila , wag kang mag-alala"
"Dapat lang! Gusto kitang masolo Clarkson!"
Umiling lang sya at saka tumayo para kumuha ng order , nang bumalik ay kaagad nya akong tinanong.
"Anong pag-uusapan natin Lexi"
"Too fast Clarkson , hindi mo manlang ba ako kakamustahin?"
"Wala akong panahon makipaglandian sayo Lexi , diretsohin mo ko."
"Be mine or else I kill her."
Napaangat sya ng tingin sakin.Napangisi ako sa emosyon nya , alam nyang kaya kong gawin iyun.
"Wag mo na syang idamay Lexi , wala syang kinalaman dito."
"So be mine Clarkson.Yun lang naman ang gusto ko."
"Fine.Aalis nako"
Tatayo na sana sya ng hilahin ko sya pabalik sa pagkakaupo.
"How about Aki?"
"What?! Ano pa ba Lexi?!"
"Layuan mo sya Clarkson!"
"Oo na nga! Bitawan mo nako"
"How special Aki for you Clarkson?"
"Stop making mess with Aki , tigilan mo na lahat ng kalokohan mo."
"How about Grei?"
"Wtf! ano ba Lexi?!"
Tumawa lang ako ng nakakaloko ansarap pagtripan ni Clarkson.
"Relax Babe , titigilan ko na sila kung magiging mabuti kang boyfriend sakin"
"Wag mo silang idamay sa kabaliwan mo Lexi."
"Nakasalalay sayo ang kaligtasan nila."
Nakita ko ang pagkuyom ng palad nya , alam kong galit na galit na sya ngayon pero wala syang magagawa , para ito sa mga taong mahal nya.
"I"ll be good to you Lexi , just please tigilan mo na sila."
Isang malademonyong ngiti ang binitawan ko , kitang kita ko sa mga mata nya ang pagmamahal nya. Sana ako nalang ang babaeng mahal nya.Kaunting sakit ang naramdaman ko pero di bale , ang mahalaga ay kami na ulit ng lalaking mahal ko.
"Okay then , iaannounce ko sa campus na girlfriend mo na ko at wala ng dapat lumandi sayo"
"Bahala ka sa buhay mo."
"Ayoko rin makita na kasama mo si Aki."
"Uuwi na ko."
"Once I saw you with her , i'll kill her"
"Enough that nonsense Lexi!"
Tuluyan na syang tumayo at umalis , hindi ko na sya pinigilan.Sumunod naman ang mga kaibigan nya.Masaya ako dahil nakuha ko muli si Clarkson pero may kirot sa dibdib ko dahil alam kong ginawa nya lang yun para sa taong mahal nya.
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
De TodoDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
