CLARKSON POV
Pagkarating ko sa classroom ay sumalubong kaagad sa akin si Dwight.
"Bakit hindi ka nagtraining kahapon?"
"Nagpunta akong hospital , gising na kasi di Grei."
"Ah kaya pala , dalawin natin mamaya si Grei after training , puntahan na rin namin si Aki."
"Mauuna na lamang ako doon , sumunod nalang kayo."
"Pero sabay-sabay din naman tayong matatapos magtraining , at oo nga pala , pinabalik na ni coach si Charles."
Walang reaksyon akong nagtungo sa upuan ko at saka nakinig sa lahat ng lesson , mamaya ay dadaan na ako sa office ng dean para kuhain ang mga paper works ni Grei.
CHARLES POV
Mabilis lang ang naging training namin , busy daw kasi si coach at ibang coaches namin , nag-aasikaso yata para sa nalalapit na laban kaya bukas nalang daw babawi.
.
"Bakit wala nanaman si Clarkson? Wala rin sya kahapon."
"Nagising na daw kasi si Grei kahapon kaya di na sya nakabalik , pero ngayon hindi ko alam kung bakit wala nanaman."
Napaisip ako sa sinabing iyun ni Dwight , parang may mali.Maaaring dahil kay Grei kaya wala sya kahapon pero kung ngayon ay wala parin sya , may kakaiba na.Pagkatapos naming magshower , nagpaalam na ako sa dalawa.
"Dito na ko.May pupuntahan pako."
"Sasabay na kami , dadalaw kami sa hospital."
"Hindi ako doon pupunta."
"Eh saan?"
"Basta.Susunod na lamang ako sa hospital.Hintayin nyo ko doon."
"Sige , ingat ka."
Tumango ako at saka naglakad papunta sa office ni coach , may kailangan akong malaman.Kumatok ako doon at saka pumasok.
"Ano yun Charles? Bakit nandito ka? Marami pa akong inaasikaso."
"Nagpatanggal ba si Clarkson sa line-up para ipalit ako?"
Halata naman ang pagkagulat nya pero kaagad ding napawi iyun.
"Pinagbigyan ko lang ang gusto nya since kailangan ka naman talaga ng team."
"Pero point guard si Clarkson , mas kailangan siya ng team."
"Hindi ko pwedeng palampasin ang ginawa mo kaya hindi pwedeng ibalik kita sa line-up ng walang nagpapaubaya."
"Pero bakit si Clarkson?"
"Sya ang nakiusap sa akin Charles. Hindi ko rin nga maintindihan kung bakit nya iyun ginawa.Siguro'y pinanindigan lang nya ang pagiging captain ball niya."
"Ibalik nyo na si Clarkson , ako na ang tanggalin nyo."
"Naipasa ko na sa committee ang line-up kanina lang , ikaw ang naroon at hindi si Clarkson kaya hindi na pwede yang gusto mo.Umalis ka na at marami pakong gagawin."
Tahimik akong lumabas ng office nya , sabi ko na nga ba may mali.Bakit naman nya ginawa yun? Nangongonsensya ba sya.Tss.Naglakad na ko papuntang parking lot , sa hospital ko nalang sya kakausapin sigurado naman akong nandun sya.
CLARKSON POV
Kalalabas ko lang ng room ni Grei ng bumungad sakin ang seryosong muka ni Charles.
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
