AKI POV
Dumiretso ako sa cr at doon umiyak , hindi ko gustong sabihin iyun kay Clarkson pero yun lamang ang naiisip kong paraan para tumigil na sya. Lahat ng sinabi ko sa kanya ay pawang kasinungalingan , mahal ko hanggang ngayon pero hindi na sapat iyon para ipagpatuloy pa ang lahat.Ilang taon na kong lumban mag-isa at sa tingin ko natuto na ako.Kanina pa ko umiiyak kaya ng tingnan ko ang mga mata ko sa salamin ay sobrang namamaga na ito.Ayoko ng pumasok , tatambay nalang ako sa rooftop kesa pumasok sa klase , paniguradong aasarin nanaman ako ni Lexi at lalong hindi matatahimik ang utak ko. Nakayuko ako habang naglalakad , chinat ko naman si Charles.Vacant na nya ngayon , actually kanina pa pala dahil kanina ko pa nakita si Clarkson , they are classmates at isa pa baka puntahan nya ko sa classroom. Nang makarating ako doon ay naupo lang ako upuan doon , isinuot ang earphone at pumikit kasabay ng pagbuhos ng luha saking mga mata.Hanggang kailan ko itatago lahat ng sakit.Umaasta akong matapang pero sa totoo lang , mahina ako at pagod na pagod na ko sa ganitong sitwasyon. Gusto ko ng maging masaya , gusto ko ng maging maayos ang lahat , gusto ko ng bumalik sa dati , gusto ko na ng katahimikan. Walang gulo , walang away , tampuhan at sakitan.
"I heard what happened sa cafeteria.Okay ka na ba?"
Pinunasan ko ang luha ko at saka nagmulat ng mata ng marinig ko ang boses ni Charles.Umupo sya sa tabi ko at inabotan ako ng paborito kong milktea at marshmallows.
"Oh uminom ka muna , may dala rin akong marshmallows para kumalma ka.Ubusin mo yan , alam kong stress reliever mo yan."
"Salamat."
Kaagad kong binuksan ang marshmallows at sunod-sunod na sinubo iyun , tinawanan naman ako ni Charles dahil sa ginawa ko.
"Dahan dahan naman , nakakawala ng poise hahaha."
"Ee sa lagay stress ako ee! Kulang pa to sakin."
"Hayaan mo , bibilhan ulit kita mamaya. Sa ngayon , magkwento ka muna."
"Akala ko ba alam mo na?"
"Kulang ang kwento nila.At gusto ko manggaling sayo , pati yung sa inyo ni Clarkson."
Napatigil ako sa pagnguya at tumingin sa kanya.
"Alam mo yung kay Clarkson?"
"Walang nakakaligtas sa mata ng mga chismosa Aki."
Nakangiti pa sya habang sinasabi iyun. Sumipsip ako sa milktea bago nagsalita.
"I told him na boyfriend na kita..."
Tumingin ako sa reaksyon nya , seryoso lang syang nakatitig sakin at naghihintay ng susunod kong sasabihin , inalis ko ang tingin sa kanya at saka tumingin sa kawalan bago muling nagsalita.
"I told him na hindi ko na sya mahal. I also told him na tigilan na nya tayo."
Muli akong sumipsip sa milktea bago muling nagsalita.
"I have no choice kundi sabihin na sa kanya iyun p-para tumigil na sya."
"Yun ba talaga ang gusto mo Aki? ang tumigil na sya?"
"Oo Charles , ayoko ng mas masaktan pa kami ng sobra."
"Kaya mo ?"
"Nanjan ka naman diba? Tutulungan mo ko."
Ngumiti sya at niyakap ako , ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Charles sakin , he deserve my love too kaya naman niyakap ko sya pabalik bago binitawan ang mga salitang matagal ko na ring pinag-isipan.
"I love you Charles."
Napabitaw sya sa pagkakayakap sakin at saka gulat na gulat akong hinawakan sa magkabilang balikat ko.Natatawa akong tumingin sa kanya.
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
