CHARLES POV
Tulad ng sinabi ko , hindi ako umattend sa training kahit na nalalapit na ang laban namin.Mas mahalaga si Aki kesa sa laban na yun.Pasakay na ko sa kotse ng tawagin ako ng isa sa mga teammates ko.
"Charles pinapatawag ka ni coach , hindi daw pwedeng hindi ka pumunta doon.Galit sya."
"Sige susunod na ko."
Ipinasok ko ang mga papers sa kotse ko pati na rin ang gamit ko saka nagtungo sa gym.Nadatnan kong galit na galit nga si coach.Kalmado akong nagsalita.
"Pinapatawag nyo daw ako coach."
"Oo at gusto kong sabihin na hindi pwedeng umabsent ka ngayon! Malakas ang unang kalaban natin , mahalagang naririto ka bilang ikaw ang alas natin sa three point shooting!"
"Mas mahalaga ang kalagayan ni Aki kesa sa game na yan."
"Wala akong pakialam sa Aki na yan! Ang sinasabi ko magtraining ka!"
"Ayoko.Aalis na ko marami pa kaming tatapusin na activity ni Aki"
"Bwiset na Aki na yan! Nasira na nga ang intrams dahil sa babae na yun tapos ngayon sya nanaman ang idadahilan mo sakin!"
"Kung wala lang sa inyo ang nangyari , wag nyong idamay si Aki , mahal ko yung tao kaya wala kang magagawa!"
Naglakad nako paalis ngunit napatigil ako sa sinabi ni coach.
"Tatanggalin kita sa line-up kung hindi ka magtetraining ngayon!"
Nakita ko ang pagkabigla sa muka ng mga teammates ko at ng iba pang coaches ko.Naglakad ako pabalik at saka nakangising humarap kay coach.
"Kung yun ang dapat sige gawin mo."
"Aba't talagang mas pipiliin mo ang babaeng iyun!"
Tinalikuran ko na sya at padabog na naglakad , para kay Aki , isasakripisyo ko ang paglalaro ko.Kahit malungkot ay pinilit kong maging alive ng makarating ako sa hospital , hindi pwedeng malaman ni Aki ang nangyari , tiyak na magagalit iyun sa ginawa ko kahit na para sa kanya iyun.
"Hello Aki. Nandito na ang pinakapogi mong boyfriend!"
"Ay napakayabang! Bakit napaaga ka yata? Wala kang training?"
"Ah wala , di muna ako nagtraining , tutulungan kasi kitang tapusin lahat ng to."
Iniangat ko ang hawak kong mga papel.Saka ngumiti sa kanya.
"Baliw ka talaga , malapit na ang game nyo.Kailangan ka ng team."
"Madali lang yun para sakin.Wag mo ng isipin yun."
"Baka magalit ang coach mo , masu--"
"Shhh , hayaan mo na sabi iyun.Kumain ka na ba? Kumain ka muna habang nagsasagot ako dito sa iba."
Tumahimik naman na sya at sinunod ako.Hatinggabi na ng matapos namin lahat ng activities. Nagpaalam na rin ako sa kanya na uuwi na.Papasok pa ako bukas.Hayss , isang nakakapagod na araw , pero binalewala ko iyun para kay Aki.
*Kinabukasan ...
Napabalikwas ako sa kama at mabilis na kumilos ng makita kong 9:30 na , 2 hrs.late na ako at isa pa , hanggang 10 am lang ang binigay na oras ng COS dean para sa mga paper works ni Aki.Patay na , dali-dali akong nagtoothbrush at 30 seconds lang yata akong nagshower at saka mabilis na nagbihis , hindi pako nakakapagsapatos ay tumakbo na ako sa kotse ko , binitbit ko nalang ang sapatos ko.Nang makarating ako sa kalsada ay napahataw ako sa manibela. P*cha traffic pa! , nagsuot na ko ng sapatos habang hindi pa umuusad ang mga sasakyan para hindi sayang sa oras , tumingin ako sa relo ko , 9:50 na.Kailangan kong maipasa ang mga paper works ni Aki.Napakahigpit pa man din ng dean nila.Mga ilang minuto pa siguro bago tuluyang umusad ang trapiko , kaya itinodo ko ang makina at saka pinaharorot ang kotse ko.Kabi-kabila naman ang mga bumubusina sakin dahil overspeeding na ako pero wala muna akong pake ngayon kung violation ang ginagawa ko , kailangan ko na talagang makarating sa school.
Nang makapagpark ay kaagad akong tumakbo papunta sa COS office. Hingal na hingal akong kumatok at narinig ko naman ang sagot ng dean na "Come in" kaya pumasok na ako.
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
CasualeDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
