CHAPTER 33

12 0 0
                                        

CHARLES POV

Alas otso ng gabi ng dumating si nanay Emma at may dalang mga pagkain.Sinalubong ko sya pinto at kinuha ang mga bitbit nya.

"Naku pasensya ka na iho medyo nalate ako , nakatulog kasi ako.Gutom ka na ba? Kumain ka na muna bago ka umuwi."

"Ayos lang po yun , busog pa naman po ako.Kayo po kumain na ba?"

"Hindi pa rin , balak ko sanang sumabay nalang sayo."

"Ah ganun po ba? Osige po , sasabayan ko na po kayong kumain."

Ngumiti naman sya at saka nilabas ang mga pagkain , tinulungan ko na rin sya sa pag-aayos.Parang nanay ko na rin si nanay Emma , napakaalaga nya kasi sa aming lahat lalo na kay Aki.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng bumukas ang pinto at pumasok si Clarkson , may mga dala din syang pagkain.Nawalan ako ng gana ng makita ko sya kaya kaagad ko ng tinapos ang pagkain ko.

"Ayaw mo na Charles? Konti palang ang nakakain mo ah."

"Busog na po ako.Salamat sa pagkain."

Tumayo ako at naghugas ng kamay sa maliit na lababo sa loob ng room ni Aki.Maya-maya pa ay niyaya rin ni nanay Emma na kumain si Clarkson.

"Clarkson , iho tara kumain tayo."

"Ah sige po nanay Emma , kumain na po ako.Gusto ko po sanang makausap lang si Charles."

Dumako ang tingin ko sa kanya habang nagpupunas ako ng kamay.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Kung pwede sana doon tayo sa labas."

Tiningnan ko si nanay Emma at tumango lang sya , nakita ko rin sa mga mata nya ang pagsusumamo na kausapin ko na si Clarkson kaya naman dire-diretso lang akong lumabas at sumunod naman sya.Nang makalabas ay hinarap ko sya.

"Bakit Clarkson?"

"Kinausap ko si coach , sinabi kong hayaan ka na muna nyang wag umattend sa mga trainings.Pumayag naman sya."

"Bakit mo sinasabi sakin yan? Para may utang na loob ulit ako sayo?"

"Hindi Charles.Ayun nalang kasi yung magagawa ko para sayo.Maliit na bagay kumpara sa mga sakripisyo mo para kay Aki."

"Hindi mo kasi yung mga sakripisyo na yun Clarkson.Isa kang duwag sa lahat ng bagay."

"Oo nga duwag ako kaya salamat dahil pinaglaban mo si Aki."

"Bagay na kinaiinggitan mo sakin."

"Charles gusto ko ng makipag-ayos sayo , ayoko na ng gulo.Kahit para kay Aki nalang , ayusin na natin to."

"Huwag mo laging isangkalan si Aki , ayaw nya ng nagbabati ang dalawang tao dahil lang sa kanya."

"Charles , hindi na ako naging mabuting boyfriend kay Aki noon pero sana naman hayaan mo akong maging mabuting kaibigan sayo ngayon."

Napangisi ako ng marinig ko iyun sa kanya , bahagya akong naglakad palapit sa kanya.

"Anong sinabi mo? Mabuting kaibigan? Nagpapatawa ka ba? Kelan mo nalaman ang salitang yun Clarkson?"

"Alam kong marami akong pagkakamali at kasalanan ko rin kung bakit nasa gantong sitwasyon tayo kaya nga gusto kong bumawi."

"Bumawi? Ayan nanaman yang letcheng bawi na yan Clarkson! Hindi mo nga nagawa yan nung una , sabi mo magpaparaya ka na diba ? pero anong ginawa mo? Inahas mo parin si Aki! kaya ganyan ang kalagayan nya ngayon!"

"May kasalanan ka rin naman Charles , huwag lahat sakin."

Nagkuyom ang mga palad ko at sinuntok ko si Clarkson , hindi naman sya gumanti sa halip ay iniharap nya pa ang kanang pisnge nya sa akin.

"Isa pa , sige pa. Kung yan ang magpapagaan ng loob mo , sige saktan mo ko.Gawin mo lahat ng gusto mo Charles."

Tulad ng sinabi nya ay sinuntok kong muli sya.Pinagsusuntok ko sya hanggang sa maging duguan sya.Nakahiga na sya ngayon sa sahig at nadaanan narin kami ng mga nurses kaya inawat na kami.Mabilis naman nilang itinayo si Clarkson at saka dinala sa clinic at ginamot.Napaupo ako kasabay ng paghagulgol ,naguguilty nanaman ako sa lahat ng nangyari , sinabunutan ko ang sarili ko at pinagsusuntok rin ang pader. Hindi ko ininda ang sakit at hinayaan kong magdugo ang mga kamao ko until someone stopped me.

"Walang laban ang pader at wala ring mangyayari kahit mabasag pa yan , sinasaktan mo lang ang sarili mo."

"Wag mo kong pakialman Grei! hindi naman ikaw ang nasasaktan."

"Lahat tayo nasasaktan at nahihirapan sa kalagayan ni Aki kaya kung patuloy mong sasaktan si kuya pati na rin ang sarili mo lalo nyo lang pinapalala ang sitwasyon."

"Nakita mo ang ginawa ko kay Clarkson?"

"Narinig ko rin ang pinag-usapan nyo."

"Bakit di moko pinigilan?"

"He deserved that para lalo syang matauhan pero Charles , last na yun kapag sinaktan mo pa ulit si kuya , pasensyahan na tayo."

Tinapik nya ang balikat ko bago naglakad papasok sa room ni Aki.Naramdaman ko na ang kirot ng mga kamao ko kaya naman pumunta rin ako sa clinic kung nasaan si Clarkson. Naabutan kong ginagamot ang mga sugat nya , nilapitan naman ako ng isa pang nurse at saka ginamot rin ang kamay ko.Sabay kaming lumabas ng clinic , walang nagsasalita hanggang sa makarating kami sa room ni Aki , nandun si Grei at si nanay Emma na tulog na.

"Magsiuwi na kayong dalawa , kami na ni nanay Emma ang magbabantay."

Hindi ko pinansin si Grei , sa halip ay naglakad ako palapit kay Aki at hinalikan sya sa pisnge , niyakap ko rin sya at muling tumulo ang luha ko. Ilang minuto ko ring yakap si Aki hanggang sa napagpasyahan ko na ring umuwi.Sabay rin kaming naglakad ni Clarkson papunta sa parking lot at tulad kanina , walang nagsasalita.

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now