CHAPTER 27

20 0 0
                                        

AKI POV

Balik paaralan na ako , medyo namiss ko ang university na ito.Ilang weeks rin akong hindi nakapasok dito.Masayang masaya akong naglalakad papasok sa classroom dahil alam kong wala ng Lexi na maninira ng araw ko.Hindi ko kasabay si Charles dahil maaga syang pumasok , may gagawin daw kasi sila para sa major subject nila , si Grei naman ay bukas pa papasok. Masaya naman akong binati at kinamusta ng mga estudyanteng nakakasalubong ko.

"Hello Aki , kamusta na?"

"Buti nakalabas kana."

"Welcome back Aki."

Lahat yun ay nginitian ko lang , nakakatuwa dahil sa wakas ay matatahimik na ang buhay ko , nakakulong na kasi ang mapanirang Lexi. Masaya akong pumasok sa classroom at maraming kaklase ko ang yumakap at bumeso sakin , masaya rin sila na nakabalik na ako. Napatingin ako sa upuan ni Lexi , at napangiti ng wala siya roon , nahagip naman ng paningin ko ang dalawang alipores nya na ngayon ay masamang nakatingin sa akin. Ngumisi lang ako sa kanila , nabunot na ang ugat kaya alam kong wala na silang magagawa.
After class ay nagpunta rin ako sa gym , balik training narin ako.Tulad kanina , ay winelcome rin ako ng mga teammates at coaches ko.

"Masaya akong nakabalik ka na Akisha kaya lang , ayos na ba ang paa mo? "

"Hindi na ba masakit ? Kaya mo bang maglaro?"

"Opo okay na po ang paa ko.Hindi naman na po sya masakit."

"Osige , aalagaan nalang nating gamitan iyan ng pain killer at saka ng sports tape para makapaglaro ka."

Ngumiti ako at saka nagsimula ng magpalagay ng pain killer at sports tape.Ito yung mga nilalagay sa mga injured parts ng mga athlete.Nang matapos iyun ay tumalon talon ako , ayos ! wala akong nararamdamang sakit. Tumakbo ako sa mga teammates ko na nagwawarm-up at nakisali na.
Bandang 6 na rin ng matapos ang training , may ilang paalala lang si coach saka pinauwi narin kami. Nagshower ako at saka nagpaalam na sa mga teammates ko , pupunta pa ako kay Charles sa kabilang gym.
Naabutan ko naman silang nagpupunas ng pawis , kakatapos lang yata ng training nila.Patakbo syang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Magshoshower lang ako , hintayin moko jan."

"Yes master!"

Pinisil pa nya ang ilong ko bago tumakbo sa shower room. Binati naman ako ng mga teammates nya at kinamusta.Nag"hi" din sina Louie at Dwight kaso parang napansin ko na wala si Clarkson , hindi yata nagtraining.Hinayaan ko nalang iyun at saka hinintay si Charles. Saglit lang naman ay nasa harapan ko na sya.

"Kamusta training? Di ba sumakit paa mo?"

"Ah hindi binalot nilang mabuti."

"Mabuti naman , mag-iingat ka parin ha? Magaling ka pa naman , mas prone ka sa injury."

"Yes po , mag-iingat ako."

Hinawakan nya ang kamay ko at saka naglakad papunta sa kotse nya.

"Ihahatid na kita pauwi , ipakuha mo nalang ang sasakyan mo dito.Bukas susunduin na kita ulit ha?"

Tumango naman ako at saka nagsuot na ng seatbelt.

"Sa bahay na tayo kumain ng dinner Charles kung okay lang sayo.Ipapakilala na rin kita kina nanay Emma at sa iba pang kasambahay."

"Oo naman sige.Dapat sinabi mo para nakabili ako ng pasalubong sa kanila."

"Wag na , di mo na kailangang gawin yun."

"pero nakakahiya."

"Ano kaba , wag kang mahiya.Boyfriend naman kita.hahaha."

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now