CHAPTER 15

24 0 0
                                        

AKI POV

Saturday ngayon , walang klase pero may training para sa mga sumali sa volleyball team ng university. Volleyball is my passion , ito ang dahilan kung bakit ako lumipat sa school nila Grei , mas maganda kasi ang training dun kesa sa school na pinapasukan ko dati.

"Are you ready Aki ? Excited ka na ba?"

"Oo naman! alam mo namang ito talaga ang gusto ko!"

"Osige tara na."

Sabay na kami ni Grei naglakad papunta sa gym , magkasama daw kasing magtetraining ang mens and womens volleyball. Pagpasok namin doon ay marami na ngang players , nandun na rin ang ibang staffs and coaches.Hindi pa naman kami late , 10 mins. pa before ang training. Umupo lang ako sa bleacher at nilabas ang cellphone ko habang si Grei ay pumunta na sa mga teammates nya.

"Oh look guys , weak girl is here."

Napatigil akosa pagpipindot ng cellphone at saka tumunghay sa babaeng nasa harapan ko.

"Ano nanaman bang problema mo Lexi?"

"Bakit ka sumali pa dito? Hindi mo ba alam na pang malalakas lang to? Baka lalampa lampa ka lang jan sa court"

Ngumisi pa sya matapos sabihin iyun.Tumayo lang ako at saka ngumiti sa kanya.

"Wala akong panahon sayo Lexi.Tingnan nalang natin kung sino ang lampa"

Nilampasan ko na sya at pinapila na rin naman kami ni coach kaya hindi na sya muling nakapagsalita pa.

"Welcome womens team ! I'm looking forward sa galing na ipapakita ninyong lahat.Okay in today's training gagawin nyo muna ang lahat ng position para malaman ko kung saan ko kayo iaasign."

"Yes coach!"

Nagsimula na ang training ng womens at ganun din ang mens sa kabilang side.Malaki naman ang gym kaya maluwag parin kaming nakakagalaw.Alastres ng hapon ng natapos ang training , pinagpahinga kami sandali ni coach at saka pinaupo para iannounce ang mga position namin.

"Ms.Fernandez , you're good in outside hitting but someone is better than you that's why I can put you nalang as a libero , maganda ang depensa mo at wala kang sinasayang na bola.I think mas fit ka doon."

"But coach! sayang naman ang tangkad kong ito kung Libero position lang ang ibibigay mo sakin!"

"Ms.Fernandez , ako ang coach kaya ako ang masusunod , kung ayaw mo ng binibigay ko , magquit ka nalang"

Nakasimangot na tumahimik si Lexi. I just smirk sa utak ko. Napakaarte kasi buti nga, tss.

"Ms.Bautista , you will be the first outside hitter.Napakaperfect mo para sa position na iyun"

"Thank you po coach"

"No way! Sya ba ang sinasabi mong mas magaling sakin? Ee lampa yang babae na yan coach ! bakit sya nasa position ko?!"

"Don't mind him sir , naiinggit lang yan"

Nakangisi kong tiningnan si Lexi ,namumula na sya sa galit.Kaya lalo ko pa syang inasar.Makabawi manlang ako sa kanya kahit sa simpleng paraan.

"Don't worry coach lalo ko pa pong gagalingan sa pagiging outside hitter."

"Yes I know kayang kaya mo yun Ms.Bautista , magaling kana kung pagbubutihan mo ay tiyak akong mas lalo ka pang gagaling"

"Thank you so much coach"

"Aba ang kapal naman ng muka mong weak ka!"

Tumayo si Lexi at sinugod ako , nanatili akong nakangisi sa kanya.

"Bakit Lexi , hindi mo ba matanggap na sa lahat ng bagay , pangalawa ka lang lagi sakin?"

"How dare you?!"

Sasampalin nya sana ako ngunit napigilan ko ito , tumayo ako at madiing pinisil ang palapulsuhan nya.

"Hindi mo na ko masasaktan ngayon Lexi"

Nagtiim ang bagang nya ng marinig iyun sa akin.Pinilit nyang kuhain sakin ang kamay nya pero mas lalo ko itong hinigpitan.Nakita ko rin na unti unting bumabaon ang matutulis kong kuko sa palapulsuhan nya.

"Bitawan mo ako Aki! Hindi mo ko kaya!"

"Don't tell me na nasasaktan ka Lexi ? kuko ko palang yan , pano pa kaya kung patalim na yan?"

Mariin nya akong tiningnan , nanatili akong nakangisi sa kanya. Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya.Parehas lang kami ng nararamdaman sa isa't-isa.

"Hindi ako mahina katulad mo kaya wag mo kong hinahamon! Hindi mo alam ang kaya kong gawin sayo! Wag kang mangahas na kalabanin ako Aki! Nagkakamali ka ng kinakalaban!"

"Ni minsan , hindi pa nagkamali ng kinalaban ang isang Aki.Hindi mo rin alam ang kaya kong gawin , kaya wag mo kong susubukan Lexi!"

Patapon kong binitawan ang kamay nya , kaagad naman nya itong hinawakan at pinunasan ang kaunting dugo dahil sa pagbaon ng kuko ko. Lalapit pa sana sya para sampalin ako ng bigla syang sigawan ni Clarkson , nandito pala ang isang to.Hindi ko napansin ang pagdating nya.

"Sige subukan mo syang saktan Lexi , kakalimutan kong may usapan tayo"

Napamura sya bago tumalikod sakin at kinuha ang gamit nya , mabilis syang lumabas ng court , binangga pa nya ang lahat ng nakaharang sa daan nya. Bumaling ako kay coach at nagpaalam.

"Pasensya na coach pero aalis na po ako. Salamat sa papuri"

Ngumiti ako at saka naglakad palayo , tiningnan ko lang si Grei , bilang pagpapaalam.

"Ayos ka lang ba Aki?"

Tumigil ako sandali para sagutin si Clarkson.

"Ayos lang naman ako Clarkson , yung girlfriend mo , mukang hindi."

"Aki , pati ba naman ikaw hindi ako maintindihan kung bakit pumayag akong maging kami ulit ni Lexi?"

"Wala akong pakealam sa mga rason mo Clarkson , pumatol ka pa rin sa maling tao."

"Alam mo ang dahilan ko Aki."

"Alam ko pero mali ang dahilan na yun Clarkson"

"I thought you were understand me."

"Sino ka ba sa buhay ko para intindihin ka?"

"Wala nga ba Aki?"

Nilingon ko sya , nakita kong nakatingin din sya sa akin. Seryoso ang mga mata nya na tila naghihintay ng sagot.

"Wala na ngayon , Clarkson"

Tuluyan ko ng nilisan ang loob ng gym.

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now