CHAPTER 19

15 0 0
                                        

GREI POV

Almost 2 months na ang lumipas after all those revelations , marami ng nangyari at lahat ng yun ay lalong naging komplikado.Hindi ko pa rin magawang kausapin si Aki , hindi na rin naman sya nangungulit this past few days , siguro'y napagod na rin sya. Bali-balita rin na lumalabas na sila ni Charles kaya siguro mas natutuon doon ang atensyon nya , naging dahilan rin iyun para masira ang pagkakaibigan nila ni Clarkson.Ilang beses na rin pinahiya at binalewala ni Aki si kuya , at dapat lang yun sa kanya.  Simula ng gabing malaman ko ang lahat , tinatak ko na sa isip ko na wala akong kapatid  na ahas. At si Lexi , ayun patuloy na nagpapakatanga sa ahas kong kapatid , tss.
Naglalakad ako papunta sa gym , every after class ay nagtetraining ako sa mens volleyball team , netong mga nakaraang week lagi nalang akong napapagalitan ni coach , siguro dahil apektado parin ako sa lahat ng nangyari. Ngayon nga ay late nanaman ako sa training kaya't inasahan ko na ang punishment na isasalubong sakin ng coaching staff , sa ilang beses kong pagkalate ay nasanay na ko sa mga parusang pinapagawa nila.

"Ano ba talaga ang nangyayari sayo Mr.Villanueva? Magdadalawang buwan ka ng wala sa katinuan , pag nagpatuloy pa yan , mapipilitan na akong huwag kang paglaruin sa nalalapit na laban."

"Sorry coach"

"Lagi nalang ba sorry Grei? Hindi natin ikapapanalo ang sorry mo!"

"Don't worry coach , this should be the last. Aayusin ko na po."

"Aba'y dapat lang ! Dahila last chance na rin itong ibibigay ko sayo."

Tumango lang ako at saka pumwesto bilang spiker , sinigurado kong aayusin ko na ang paglalaro. Sapat na siguro ang isang buwan at mahigit na pagiging emo dahil kay Aki. Mahal ko sya at hindi yun magbabago pero kailangan ko nalang sigurong tanggapin na hanggang dito nalang kami at tigilan ng mag assume na magiging mas higit pa kami sa magkaibigan , lalo na ngayon na halos di na kami magkakilala.

AKI POV

Mabilis na lumipas ang mga araw , almost 2 months na since everything changed. I stopped making sorry to Grei , nasayang lang kasi ang lahat ng efforts ko. Alam kong nasaktan sya ng sobra pero ang unfair parin nya , di manlang nya naisip na mas doble yung sakit sakin dahil sabay silang nawala ng kuya nya sakin. Sinubukan rin naman akong habulin ni Clarkson pero sadyang pinili ko nalang na patigilin na sya. Wala na kasi akong nakikitang pag-asa , mas lalo lang gugulo kapag pinilit pa. Patuloy parin kasi ang alitan namin ni Lexi , to the point na umaabot na talaga sa madugong awayan pero thankful ako dahil still nabubuhay pa ko sa mga pinaggagawa nya. Siguro dahil laging may nagliligtas at tumutulong sakin. I'm so lucky parin. One thing I learned sa lahat ng nangyari , hindi lahat napapagaling ng sorry lang dahil may mga tao talagang sobrang nasaktan kaya hindi na kayang magpatawad.

"Hey Aki , wait for me"

Napalingon ako sa lalaking tumawag sakin , tumigil ako sa paglalakad at nginitian si Charles. 3 weeks na rin yata syang nanliligaw sakin , mas naging close kami since nung mga panahong nag-iisa ako lagi at sa sobrang kulit nya wala akong magawa kundi pumayag sa gusto nya. Charles is a similar to Grei , funny person at very sweet. Although hindi ganung lalaki ang tipo ko , pero I gave him a chance pati na rin ang sarili ko , gusto ko rin namang mag explore na pumasok sa ibang klaseng relasyon , yung public relationship , unlike my last 4 years relationship with Clarkson.

"Sinundo kita sa inyo , wala ka na pala. Diba sabi ko , susunduin kita."

Nagpout pa sya na parang bata. Kinurot ko ang pisnge nya at saka ngumiti.

"Para kang bata Charles. Sorry na , nakakahiya kasi kung magpapasundo pa ako sayo."

"Anong nakakahiya , ee nanliligaw ako sayo.Natural yun."

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now