AKI POV
Hindi ko na naabutan si Charles , ambilis nyang nawala , hayss.Di ko rin alam kung saan sya hahanapin kaya pinasya kong bumalik nalang sa classroom , nawalan na rin ako ng gana kumain. Alam kong hindi kami okay ni Charles pero di ko sya magawang kausapin dahil hindi ko alam kung pano ako magsisimula at isa pa alam ko naman sa sarili ko na ako amg mag kasalanan , natatakot ako na sumbatan nya ko , natatakot ako sa magiging reaksyon nya.Hanggang ngayon ay naguguilty parin ako lalo na't nagiging cold na si Charles sakin.
Buong klase ay lutang lang ako,ni hindi ko nga namalayan na uwian na pala.Dire-diretso akong lumabas sa classroom at naglakad papunta sa gym , actually tinatamad akong magtraining pero hindi ako pwedeng umabsent.Habang naglalakad ay napadaan ako sa garden , maraming estudyante roon , pero kaagad na nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na tao sa di kalayuan. Awtomatikong napatakip ako sa bibig ko kasabay ang pigil na paghagulgol ko ng makita ko kung sino ang taong yun. It was Charles , kissing some other girl. Hindi ko alam ang gagawin ko , napako ako sa kinatatayuan ko lalo na ng tumigil sila at napatingin sa akin. Buong akala ko ay magugulat si Charles at lalapitan ako ngunit parang nadurog lalo ang puso ko ng walang emosyon nya lang akong tiningnan saka bumalik sa pakikipaghalikan.Pakiramdam ko ay bumalik ang dating playboy na Charles Dela Torre.Gustuhin ko mang tumakbo pero nanghihina na ako , naramdaman ko rin ang pagsikip ng dibdib ko at unti-unting paglabo ng paningin ko.Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang pagkahilo , pinilit kong paglabanan iyun ngunit tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.
CLARKSON POV
"Clarkson balik training ka na pala ngayon nuh?"
"Oo , kaya tayo na sa gym."
"Teka lang , nasan na si Charles?"
"Aba ewan ko sa mokong na yun."
Matapos namin syang makita kanina ay hindi na nya kami kinausap pa , pinabayaan nalang rin namin sya tutal iyun naman ang gusto nya.
"Tara na sa gym baka nauna na yun doon."
"Oo nga , saka problemado ang taong yun baka lalo pang magalit sa atin pag pinakealman pa."
Naglalakad na kami sa hallway ng may marinig kaming chismisan.
"Si Akisha Bautista yung nahimatay diba?"
"Oo sis , grabe naman kasi. Kahit ako mahihimatay rin ako kapag nakita ko yun."
"Ay naku akala ko pa naman seryoso na talaga si Papa Charles sa kanya."
Kaagad kong hinawi ang umpukan ng mga estudyante at saka kabadong nagtanong.
"Sinong nahimatay? Anong nangyari?"
"Si Akis--"
"Nasan sya?!"
"Nasa clinic na po. Din--"
Hindi ko na pinatapos pa ang pagsasalita nya at mabilis akong tumakbo papunta sa clinic pero sh*t di ko alam kung saang clinic buti nalang ay may nakasalubong akong grupo ng kababaehan na ganun rin ang pinag-uusapan.
"Saang clinic dinala si Aki?!"
"Sa main clinic po."
Muli akong tumakbo patungo sa main clinic at hingal na hingal akong pumasok roon.
"Kamusta si Aki?"
Hinarap ako ng nurse at saka malungkot na tumugon.
"Hindi pa rin sya nagigising , sampung minuto pa ay mapipilitan na kaming dalhin sya sa hospital."
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
