GREI POV
Hindi sumabay si Aki sakin pagpasok , walang gana akong bumaba ng kotse at naglakad papunta sa classroom. Tulad ng araw-araw maraming mga babae ang bumabati sa akin ngunit pilit na ngiti ang binibigay ko sa kanila. Sobrang lungkot yung nararamdaman ko ngayon , hindi ko kaya na ganto kami ni Aki. Ngayon lamang kasi nangyari ang ganito. Malapit na ko sa classroom ng makasalubong ko ang mga kaibigan ni kuya.
"Grei , nasan si Clarkson?"
"Wala pa ba? Nauna sya saking umalis"
"Ha? ee kanina pa namin hinahanap ang isang yun , buti nalang at walang prof sa unang subject kaya nakakapag-ikot kami"
"pero umalis sya kanina ng nakauniform , teka sandali tatawagan ko"
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at naidial si kuya.Nakailang ulit ako pero hindi sya sumasagot.
"ilang beses narin naming tinawagan , hindi rin sumasagot"
"itatry ko parin mamaya , sa ngayon papasok na muna ako ha? Malalate na kasi ako"
"o sige Grei , salamat"
Nagmadali na kong maglakad pero andaming gumugulo sa isip ko.Sana'y makapagconcentrate ako sa mga lesson.
CLARKSON POV
Tinitigan ko lang ang cellphone ko habang paulit ulit na tumatawag ang mga kaibigan ko pati na si Grei.Siguro'y nag-aalala na sila sa akin pero ayos lang naman talaga ako. Gusto ko lang makapag-isip isip. Kung tutuusin ay problema nila Grei at Aki ang nangyari kahapon pero dahil yun kay Lexi kaya problema ko na rin. Lexi is my ex , pero hindi ko sya minahal.Naging kami just because of a plan , plano na sobrang pinagsisihan ko at hanggang ngayon ay pinagsisisishan ko parin at sigurado akong gagamitin nanaman ni Lexi ang nakaraan na yun para maisakatuparan ang plano nya ngayon. Natatakot akong maulit ang nakaraan , ayoko na ulit mawalan , ayoko na ulit magpaubaya at ayoko na ulit maiwan.
Tanghali na ng mapagpasyahan kong bumalik na sa school , paniguradong sandamakmak na tanong ang isasalubong sakin ng mga mokong na yun. Malapit lang naman ang park na pinagtambayan ko kaya mabilis akong nakabalik sa university. Seryoso akong naglalakad at hindi pinapansin ang mga babaeng nagpapapansin nanaman.Napatigil ako ng madaanan ko ang COS building at natanaw ko sa di kalayuan si Lexi kasama ang mga kaibigan nya , hindi ko na sana papansinin ng maabot ng paningin ko ang babaeng pinagtutulungan nila ngayon , it was Aki.
Patakbo akong nagtungo sa lugar kung nasaan sila at marahas na hinatak si Lexi palayo sa duguang si Aki.
"Lexi stop it! Tigilan mo na si Aki!"
"No , i won't stop Clarkson! Mang-aagaw sya ! inagaw ka nya sakin! "
"Shut up Lexi ! Ano bang sinasabi mo?!"
Nginitian nya lang ako , ngiting nakakaloko bago niyayang umalis ang mga kaibigan nya.
"You know what i mean Clarkson. Better talk to me later kung ayaw mong mahuli ang lahat."
Binunggo nya pa ako bago nilampasan. Saglit na natulala ako sa sinabi nya pero mabilis rin akong bumalik sa katinuan at nilapitan si Aki para tumayo.
"Dadalhin kita sa clinic"
"Bitawan moko! Hindi ko kelangan ng tulong mo!"
"Aki , not now please. Kelangan magamot ang mga sugat mo."
Hindi na rin naman sya umangal at binuhat ko sya papunta sa clinic. Dinig na dinig ko naman ang bulong bulungan ng mga estudyanteng nakakakita sa amin. Nang makarating sa clinic ay inasikaso naman kaagad sya , tinext ko si Grei para ipaalam ang nangyari.
Grei POV
" Pumunta ka sa COS clinic. Aki is wounded"
Saktong kakatapos lang ng klase ko kaya mabilis akong tumakbo sa kabilang building. Sobra ang pag-aalala ko kay Aki.Pag may nangyaring masama talaga sa kanya , mananagot sakin yan si Lexi , kahit na naging sobrang malapit sya sa akin noon.
Nakahiga si Aki ng madatnan ko , maraming pasa sa iba't-ibang parte ng katawan at may benda din sya paa. Nanginginig ako ngayon sa galit pero mas inuna kong yakapin si Aki.
"Aki! I'm sorry , wala ako sa tabi mo para ipagtanggol ka , sorry."
"Get me off! Kaya ko ang sarili ko! sabi ko sa inyo diba , hindi ko kelangan ng tulong nyo! hindi ako mahina!"
Kahit na umiiyak ay kitang kita ko parin ang determinasyon nya na lumaban. Aki is a strong person pero hindi sa gantong pagkakataon. She is weak physically , and she doesn't want to admit it to herself kaya mas nahihirapan sya ngayon.
"Aki please listen to me. Please listen to me. I'm sorry okay? It's not what i mean. Alam kong malakas ka pero --"
"Pero ano?!! Pero mahina ako physically! dahil may sakit ako?! how many times i told you , kaya ko ang sarili ko Grei."
I sighed , kung papatulan ko pa sya ay baka lalo lang lumala ang lahat. I tried to kiss her forehead pero iniiwas lang nya ito.
"Magpahinga ka lang jan , babalikan nalang kita mamaya.Hintayin mo ko please Aki"
Hindi ko na sya hinintay na sumagot,sumunod rin si kuya paglabas ko.
" Ako na ang bahala kay Lexi , alagaan mo nalang si Aki."
"Sige kuya pero pag naulit pa ulit to , makikialam na ako"
Iniwan ko na si Kuya at bumalik sa klase ko.Nanggigigil ako sa Lexi na yun.Kung hindi lang talaga sya naging parte ng buhay namin noon baka hindi na ko nakapagpigil sa kanya ngayon.
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
CasualeDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
