Grei POV
Nakakatuwa talaga si Aki , parang wala lang nangyari.Akala mo'y walang iniindang sakit physically at emotionally. Isa iyun sa mga katangian na nagustuhan ko sa kanya. Napakastrong nyang tao , yung kahit napakarami ng problema pero lumalaban parin , kahit sobrang lungkot na , nakangiti parin. Para sa akin ay hindi iyun isang kaplastikan , paraan nya lang yun para mapaglabanan ang kalungkutan. Napakamasayahing tao ni Aki kahit na minsan nagiging negatibo sya , katulad kanina pero after nyang umiyak , babalik kaagad ang sigla nya. Baliw kasi yun si Aki. Hahaha.
Tinulungan ako ni nanay Emma sa pag akyat ng mga pagkain. Si nanay Emma ang mayordoma sa mansyon at siya na rin ang tumayong magulang kay Aki noong bata pa lamang kami.Napakabait at napakamapagmahal ni Nanay Emma kaya laking pasasalamat ko na inaalagaan nya si Aki.
"Salamat po nanay Emma.Kumain na rin po kayo ng mga kasama nyo."
"Oo iho , wag mo kaming intindihin ang mahalaga ay makakain na kayo. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan kayo ha?"
"Opo salamat po."
"O sige. Aki , bababa na ako ah? Kumain ka ng marami at uminom ng gamot."
"Opo nanay."
Bumaba na nga si Nanay Emma ay kumain na rin kami. Naitext ko na rin sina mommy na dito ako matutulog kina Aki dahil sasamahan ko sya.Dito na lang rin ako magbibihis para bukas. May mga gamit ako dito at ganun din si Aki , may mga gamit rin sya sa amin. Nahiga na ako sa tabi nya , again walang issue iyun sa amin. Sanay na sanay na kami.Para talaga kaming magjowa. Sana nga hahahaha.
"Grei."
"Yes Aki? Gusto mong magtopless ako para makatulog ka?"
"Siraulo! FYI ha , hindi ako naattract sa katawan mo tss!"
"Anong hindi ee , lagi mo ngang hinahawakan abs ko!"
"Ang kapal mo Grei! Baka suntukin ko pa abs mo!"
"Amazona tlga hays. Ee bakit mo ba ako tinawag?"
"May tatanong ako."
"Ano yun? Kung sasagutin na ba kita? oo naman! antagal mo na ring nanliligaw sakin!"
Isang suntok ang natamo ko sa kanya.Akalain mong may lakas pa pala to kahit marami syang sugat.
"Umayos ka ! puro ka kalokohan , bugbugin kita riyan ee!"
"Biro lang ! alam mo naman kasing lab na lab kita ee. hahaha"
"Lab.Laboratory tss. Ayos na Grei!"
"Oo na nga , oh eto ayos na."
"Pano nakilala ng kuya mo si Lexi?"
Napatingin ako sa kanya at nakatingin din sya sa akin.Napalunok ako , bakit ito pa ang tinanong nya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko , hindi ko rin naman kasi alam kung paano sila nagkakilala basta na lamang pinakilala ni kuya yun sakin. I cleared my throat bago sumagot.
" Hindi ko rin alam Aki.Basta pinakilala lang yun ni kuya sa akin."
"Kelan ? bakit hindi ko alam yun?"
"Yun yung nagtransfer kayo sa New York ng 1 year."
"Grade 10 tayo? so Grade 11 si Clarkson?"
"oo , yung panahong , pinaghinalaan kita."
"Bakit hindi nabanggit sakin yun ni Clarkson?"
"Aba malay ko , siguro hindi naman kasi nya minahal si Lexi."
"Ee bakit naging sila?"
"Aba ewan ko rin! bakit mo ba tinatanong ? akala ko ba wala kang pakialam sa kwento nila?"
"Curious kasi ako! ikaw masikreto kang lalaki ka!"
"Hoy anong masekreto , wala akong tinatago sayo. Ikaw nga tong may secret."
"Anong secret ko?"
" Yung boyfriend mo , hanggang ngayon di mo pa pinapakilala sakin! bestfriend moko dapat kilala ko yun ee!"
"Hindi pa kasi kami official kaya ayoko muna syang ipakilala kahit kanino."
"Kahit na , dapat nasubaybayan ko ang panliligaw nya sayo.At para nakilatis ko , baka mamaya lokohin ka lang nun."
"Wag kang mag-alala hindi yun katulad ng ibang lalaki, hindi ako sasaktan at lolokohin nun."
"paano mo naman nasabi aber?"
"Kasi mahal na mahal ako nun at mahal na mahal ko rin sya"
Napatingin ako kay Aki , kitang kita ko ang pagkaseryoso nya ng sabihin iyun. Nakaramdam nanaman ako ng kirot sa dibdib.Bakit hindi pwedeng ako nalang ang mahalin mo Aki.
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
