CHARLES POV
Alaskwatro na ng hapon.Schedule na namin para maglaro , kinuha ko na ang phone ko para tawagan si Aki , nagpaalam kasi sya kanina na magmamall daw muna sya kasama ang ibang teammates nya.
"Hello Aki. Magsisimula na ang game.Nasan ka na?"
"Ah nandito na ko sa parking lot , sorry natagalan kami."
"Okay lang , umupo ka nalang sa bench ha? Nagtatawag na ng line-up sige bye.I love you."
"Oo sige , galingan mo ha? I love you too."
Narinig ko pa ang pagsara nya ng pinto ng kotse nya bago ko pinatay at bumalik na sa bench. Sakto namang tinawag na ako kaya dumiretso na ko sa court.Nagsimula na ang game , mga 2 minuto palang ang nakakalipas ng matanaw ko si Aki , na kakarating lang at hingal na hingal pa. Napangiti naman ako ng masilayan ko sya. Umupo sya sa bench kung saan nandun ang mga players ng mapansin nyang nakatingin ako ay ngumiti sya sakin dahilan para lalo akong makaconcentrate sa laro. Malaki ang lamang ng score namin kaya napatawag ng time out ang kalaban.Sinalubong ako ng yakap ni Aki at saka pinunasan ng pawis.
"Sorry late ako.Medyo traffic kasi."
"Ayos lang yun ang mahalaga nandito ka."
Umupo ako sa tabi nya , nagdidiscuss si coach pero diko sya pinakinggan , na kay Aki lang kasi ang atensyon ko.Maya-maya pa ay bumalik na kami sa court , nagpaalam na ako kay Aki.
4th quarter at nasa kalagitnaan na kami ng paglalaro ng mapukaw ang atensyon ng lahat dahil sa nangyayaring gulo sa bench. It was Aki and Lexi , parehas na silang duguan. Mabilis kong binitawan ang bola at tumakbo sa bench , ganun rin ang ginawa ni Clarkson.
"Aki what happened?"
"Lexi tigilan mo yan! Ano nanaman bang ginagawa mo?!"
Kinuha ko si Aki na ngayon ay may dugo sa gilid ng labi nya , may mga ilang sugat na rin sya sa binti at braso.Halata ang galit sa mga mata nya kaya nagpumiglas sya at muling sinugod si Lexi , hinabol ko sya pero huli na , nasuntok na nya si Lexi at saka pinagtatadyakan.Marami namang umawat pero sadyang galit na galit ang dalawang yun kaya mahirap silang pigilan. Tumayo si Lexi at hinatak ang buhok ni Aki , kinaladkad nya ito hanggang maabot nya ang game board at inihataw iyun sa muka ni Aki. Nagmadali kami ni Clarkson para tulungan si Aki pero maging kami ay hinataw din niya noon.
"Walang makikialam dito kung ayaw nyong lahat kayo madamay!"
Pinaghahampas nya si Aki at kitang kita ko ang pagkahilo niya , tumayo ako at sisipain sana si Lexi ng makita kong pilit tumayo si Aki at inagaw ang game board kay Lexi , buong lakas nyang inihataw ito sa katawan ni Lexi pagkatapos ay hinila nya ang buhok nito at nilampaso sa court , sinubukan naming umawat muli pati na rin ang ibang naroroon ngunit naglabas ng patalim si Lexi at itinutok iyun kay Aki.
"Subukan nyong makialam ! Papatayin ko ang babaeng ito!"
Hinawi ko ang lahat palayo sa kanila.Natatakot akong saktan nya si Aki.Hinarap ko si Clarkson na ngayon ay nakatunganga lang.
"Wala ka manlang bang gagawin ha Clarkson?! Awatin mo yang punyeta mong girlfriend! kapag may nangyari kay Aki , ako ang papatay sayo!"
Ibinalik ko ang atensyon ko sa kanila na ngayon ay nag-aagawan na ng patalim. Sobrang kaba na ang nararamdaman ko , hindi ko alam kung paano ko tutulungan si Aki.
AKI POV
Ramdam ko na ang panghihina ko pero sa pagkakataong ito kailangan kong lumaban dahil kung hindi , alam kong mamamatay ako. Iba ang galit na nakikita ko kay Lexi , hindi ko alam kung bakit sobrang galit na galit sya sa akin ngayon. Hindi ito normal katulad ng mga nakaraan naming away , makakapatay talaga sya. Marami ang umawat pero hindi nila mapigilan si Lexi , narinig ko na rin ang pagdating ng mga pulis pero balewala iyun para kay Lexi , patuloy lang sya sa pakikipag agawan ng patalim sa akin. Nasa ilalim ako ngayon at pilit iniaangat ang hawak nya , sinikmuraan ko sya para mapaibabawan ko sya at makuha ang patalim , nagawa ko iyun , inihagis ko ang patalim at saka muli syang pinagsusuntok.Sinipa nya ko at muli akong napaupo.
"TUMIGIL NA KAYO!"
"Lexi! Aki ! tama na yan! Ano ba?!"
Ilan lang yan sa mga naririnig ko pero tila walang pakialam si Lexi sa lahat ng yun. Nilapitan kami ng pulis at saka marahas na hinawakan , hindi na ko lumaban pa dahil pagod na rin talaga ako at nanghihina. Akala ko ay ganun rin ang gagawin ni Lexi pero inagawan nya ng baril ang pulis na may hawak sa kanya.Nabalot ako ng kaba.
"Papatayin kita Aki! Ikaw ang sagabal sa lahat ng plano ko! Lahat nalang inagaw mo sakin!"
"Wala akong inagaw sayo Lexi! Nasayo na si Clarkson , ano pa bang gusto mo?! PABAYAAN MO NA KAMI NI CHARLES!"
"Kung hindi ako magiging masaya , hindi ko rin hahayaang maging masaya ka!"
Lumapit sya sa akin ng bahagya ay itinutok lalo ang baril. Napasinghap ako at saka umatras ng kaunti.
"Lexi itigil mo yan ano ba?! Tigilan mo na ang kabaliwan mo!"
Napatingin ako kay Clarkson na naglakad palapit kay Lexi , akmang hahawakan nya ang baril ng itutok sa kanya ito ni Lexi.
"Manahimik ka ! Ikaw ang may kagagawan kung bakit nangyayari ito ngayon! Kung ako lang sana ang pinili mo , tahimik tayong lahat ngayon!"
"Lexi please. Stop it.Let"s start again. Just please , tumigil kana."
"Huli na ang lahat Clarkson , hindi mo na ko mauuto.!"
Habang nakatoon ang atensyon nya kay Clarkson ay lumapit ako sa kanya at sinipa ang kamay nya na may hawak na baril , nabitawan nya iyun at kaagad kong pinulot at itinutok naman sa kanya.
"Ako na lang ang papatay sayo para manahimik ka na at para matahimik na rin ang buhay namin!"
Ipuputok ko na sana iyun ng may pumigil sa akin.
"Stop it Aki. Hindi ka mamamatay tao."
Kinuha nya ang baril sa kamay ko at saka ibinalik iyun sa pulis.Hinatak nya ko paalis ng marinig kong sumigaw ulit si Lexi.
"Sa tingin mo hahayaan ko pang makaalis ka Aki?! "
Nilingon ko sya at nakita kong hawak na nya ulit ang patalim , huli na para makaiwas ako. Bumaon iyun sa paa ko dahilan para mapaupo ako. Tumayo si Lexi at kinuha ang baril saka ipinutok iyun.
*BANG !
Napapikit ako at tanging sigawan lang ang narinig , umalingawngaw ang tunog ng baril sa loob ng gym kasabay ng mga boses na nagsisigawan.Pinakiramdaman ko kung nasaan ang tama ng baril sa katawan ko pero wala akong naramdaman , dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sakin ang duguang katawan ni Grei.
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
