CHAPTER 1

158 4 0
                                    

CLARKSON POV

" Uy mga pare ! may bagong student daw ah ? " -

" Babae ? Maganda ? Sexy ? Tara puntahan natin ! "

" Lalake daw eh "

" Ay sige dito nalang pala tayo "

Dismayadong napaupo sa tabi ko si Charles, isa sa mga kaibigan ko na kilala sa pagiging babaero , tss.

" Joke lang pre , babae. Chix nga ee hahaha "

" Talaga? Tara puntahan natin , magpapakilala ako! Tara bilis ! "

Kaagad namang napabalikwas si Charles at mabilis na hinatak si Dwight palabas ng classroom. Napailing nalang ako saka ipinagpatuloy ang paglalaro sa cellphone ko. Wala naman akong mapapala kung makikisali ako sa kanila.

" Hoy ikaw Clarkson , hindi ka ba interesado sa chix ? "

" Basta babae , wag nyo kong asahan "

" Sus ! kaya ka walang girlfriend ee , napakatigas ng puso mo sa mga babae! "

" Sige na umalis na kayo , ang iingay nyo ee. Nakakaistorbo "

" Tss. Bahala ka sa buhay mo ! "

Tinanaw ko sila habang papalayo sa classroom. Napaisip ako sa sinabi ni Charles , matigas ba talaga puso ko sa mga babae ? o sadyang hindi lang ako interesado sa iba ? kasi may isang babae lang akong gusto at noon pa man , sya na ang pinapangarap ko.
Maaga pa masyado kaya wala pa ang mga kaklase namin , wala rin naman kasing masyadong gagawin ngayon dahil may meeting ang mga professor sa engeenering.
Lalabas sana ako para kumain nalang sa cafeteria ng makasalubong ko si Louie , isa ko pang tropa.

" O Clarkson bakit di ka sumama kina Dwight at Charles ? "

" Nambababae lang naman yung mga yun , hayaan mo sila. Haha. "

" Ah oo nga pala , ayaw mo sa babae. Allergic ka doon hahahaha. "

"Siraulo ka talaga , tara na nga samahan mo nalang ako sa cafeteria "

Naglakad na kami ni Louie papuntang cafeteria , at tulad ng dati marami nanamang mga nagpapapansing babae samin , tss ang haharot ! mga kulang yata sa kalinga ng mga magulang nila.

" Ayan na si papa Clarkson , ampogi talagaaaa "
" Ang gwapo rin ni Louie!! Kakagigil"
"Pansinin moko papa Clarksooon waaahh"
"Bakit dalawa lang sila? Nasan si papa Charles ko?"
"Oo nga wala rin si Baby Dwight"

Nagsuot nalang ako ng earphone para hindi marinig ang kalandian ng mga babaeng yun. Isa yun sa mga dahilan kung bakit ayaw ko sa mga babae , masyado silang papansin. Hayss.

Matapos naming bumili ng paborito naming Mami ay kaagad kong niyaya si Louie na umalis na doon at baka maibuhos ko lamang ang mainit na Mami sa mga papansing babae sa katabing table namin. I really hate girls! arghh ! Pumayag naman si Louie , tulad ko kasi ay hindi rin sya palapansin sa mga babae , may mga iilan naman syang kinakausap pero pili lang talaga hindi tulad nina Charles at Dwight , lahat ng babae yata pinapatos kahit mga chararat.

"Hanapin natin yung dalawang mokong Clarkson"

"Sige. Saan mo ba nakita kanina?"

"Nasa COS building , nandun yata yung bagong student ee."

"COS student yung new student? Bihirang magkaroon ng bagong estudyante sa COS dba?"

"Oo dahil pahirapan makapasa sa COS , napakahigpit ng dean nila ee. Siguro matalino yung bagong student o baka naman kilalang tao , you know how unfair this university.Tsk"

Hindi nako sumagot at naglakad nalang patungo sa COS Building , naupo kami sa isang bench doon at usap usapan nga ang bagong student. Napakaganda daw niyon at sobrang sexy , sa tingin daw nila ay mabait at matalino rin. Totoo naman kaya ? Wala naman akong pakealam sa new student na iyon kaya bakit ko ba tinatanong Hayss.

"Louie , Clarkson ! Nakita na namin yung chicks ! Ang ganda sobra , napakasexy at napakabait ! Gusto ko ng asawahin! "

"Tanga ! di mo pa nga kilala , aasawahin mo agad! "

"Pano mo nasabing mabait?"

"Ee laging nakangiti ee. Basta muka syang mabait , hindi ako titigil hanggat diko nalalaman pangalan nun! "

"Ewan ko sayo Charles , umiral nanaman pagkaplayboy mo!"

Pinagmasdan ko lang silang tatlo habang nagbabatukan , hindi naman kasi talaga akoh interesado kaya hindi ako nakikisali sa kanila.

" Uy Clarkson! ayaw mo ba talagang makita yung chix ?"

"Oo nga , napakaganda talaga promise , baka mapatibok na nya puso mo pag nakita mo sya hahahaha"

"Sa isang babae lang tumitibok toh kaya tigilan nyo nako , kayo naman may gusto nyan kaya kayo nalang"

"Ayst kahit kelan talaga napaka KJ mo pagdating sa babae"

"Tara na , bumalik na tayo sa room"

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad , naramadaman ko namang sumunod na yung tatlo ng biglang sumigaw si Charles.

"Ayon yung new student tingnan mo Louie ! di ba maganda? "

" Oo nga nuh. Maganda nga. Clarkson , tingnan mo"

"Tara na , mga babaero tss."

Patuloy lang ako sa paglalakad ng hilahin ako ni Charles , ayst ang kulit talaga!

"Titingnan mo lang naman ee , wala namang masama kung titingnan mo"

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang babaeng sinasabi nya. Napakunot ang noo ko.

"Aki ?? ..."

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now