GREI POV
Hello ! My name is Grei Villanueva ang gwapong kapatid ni Clarkson na ubod ng sungit hahaha.
And speaking of kuya natanaw ko ang kotse nya mula sa veranda ng kwarto ko , mukang ginabi yata si kuya , baka nagtraining pa. Sikat na varsity player sya sa university na pinapasukan namin , actually kinukuha rin akong player ng coach nila pero tinanggihan ko mas pinili ko kasi ang volleyball. Iyun kasi ang sports namin ni Aki , childhood bestfriend / kapatid / kaasaran/ crush. Lahat na yata tinituring koh syang ganun. Matagal na pinagsamahan namin nung baliw na babaeng yun at sa tagal na yun di ko maiwasang mahulog sa kanya araw-araw pero dahil magbestfriend lang daw talaga kami , pinipigilan ko ang nararamdaman ko sa kanya. May mahal na kasi sya , pero ang unfair dahil di nya pinapakilala sakin samantalang sya updated sa buong buhay ko."Grei kakain na tayo "
"Opo ma. Bababa na po"
Nagsuot nako ng t-shirt bago bumaba sa kusina.Nandun na nga si kuya at nakabihis na rin. Sabay-sabay na kaminh kumain pati na rin ang mga maids , hindi naman masungit ang pamilya namin pagdating sa mga kasambahay at mga guards , tinuturing narin namin silang pamilya.
" Kamusta naman ang pag-aaral nyo mga anak? "
"Okay naman dad , medyo napepressure lang sa mga professor because they expecting a lot sa mga Villanueva. Ikaw namin kasi dad bakit ginalingan mo noong nag-aaral kapa?"
"Magaling ka rin naman anak , kayo ng kuya mo kaya dapat lang na magexpect sila sa inyo ng malaki. But don't worry kung may mga bagay kayong hindi kaya , wag kayong mapressure , okay lang naman samin ng mommy nyo na hindi kayo perfect atleast ginawa nyo yung best nyo"
"Salamat dad , pero lahat naman kaya kong gawin. Si kuya lang naman ang mahina sa iisang bagay hahahaha "
"at saan naman yun Grei?"
" sa babae hahahaha. Takot si kuya sa babae , kaya walang girlfriend hahaha"
Tumingin kaming lahat kay kuya matapos kong bitawan ang biro na yun , nagtatawanan kaming lahat habang sya ay nagpatuloy lang sya sa pagkain at parang walang narinig.Ganyan talaga iyan , sanay na ang lahat.
" Aakyat nako , Grei isabay mo ko bukas dahil coding ng kotse ko. "
"Yes captain ! "
Tumayo pa ako at sumaludo sa kanya , lagi kong ginagawa iyun kapag inuutusan nya ko. Sobrang taas kasi ng respeto ko kay kuya , masungit lang yun pero sobrang mahal ako nun , sobrang close din kami. Di lang halata dahil magkabaliktad ang ugali namin , kung ako sobrang ingay at masayahin , sya naman ay napakatahimik at napakasungit. Kaya siguro wala talaga syang girlfriend. Ako rin naman ay wala , kontento na kasi ako kay Aki kahit wala namang kami.Matapos kumain ay umakyat na rin ako sa kwarto ko. Tinawagan ko muna si Aki bago natulog.
AKISHA POV
Saktong 7 ng umalis ako sa bahay medyo inaantok pako. 8 daw kasi kami papasok sabi ni Grei. May sasakyan naman ako pero iniiwan ko to sa kanila dahil kotse nya ang ginagamit namin. Nagsimula yung ganong routine namin nung nagtransfer ako sa university na pinapasukan niya. Napilitan akong lumipat ng school dahil sa volleyball , maganda kasi ang training ng mga players sa school nila kesa sa school ko hahaha. saka gusto ko rin makasama ang bestfriend ko sa iisang school , yung sabay kaming papasok at uuwi kahit di kami magkaklase , i found it cool. Ilang minuto lang ay nandito na ko sa tapat ng mansion nila. Binaba ko ang mirror ng kotse ko at saka nginitian si kuya Johnny isa sa mga guard nila dito. Parang pamilya ko na rin ang mga maids at guards nila dito.
" Goodmorning po kuya Johnny !"
"Goodmorning rin Aki."
Diniretso ko na ang kotse ko sa garahe nila at pumasok na sa loob. Naabutan kong nanunuod sa living room si Clarkson , kuya ni Grei. Hindi ko sya tinatawag na kuya dahil 1 taon lang naman ang ahead nya samin ni Grei. Close naman rin kami pero hindi halata dahil sobrang cold nyang tao. Napaayos sya ng upo bago ngumiti sakin at bimati ako.
"Goodmorning Aki , nagbibihis pa si Grei."
"Goodmorning rin , sasabay ka samin?"
"Ah oo , coding kasi sasakyan ko ngayon"
"Ah kaya"
Ngumiti lang sya at ganun rin ako. Napakadaldal kong tao pero natatahimik talaga ako pagdating kay Clarkson , siguro dahil napakasungit kasi ng taong toh , napakalayo ng ugali kumpara kay Grei.
"Pumasok na sila tita ?"
"Oo kanina pa."
Katahimikan nanaman , hindi talaga ako komportable sa kanya ayst. Mukang napansin naman nya na hindi ako mapakali kaya sya na ang nagsalita ulit.
"Kelan ka pa lumipat sa university na pinapasukan namin ni Grei?"
"Actually nung lastweek pa pero this week lang ako pumasok , binigyan kasi ako ng 1 week break ng COS dean. Kilala daw kasi nila ang pamilya ko. Hahahaha. Ganun pala kapag kilala"
He chuckle. Bihira ko lang makita yun sa isang Clarkson at masaya ako na dahil sakin kaya nya nagagawa yun.
" Alam mo naman sa university na yun , palakasan ang labanan hindi talino. Don't get me wrong huh, matalino ka rin naman , maganda at sikat pa kaya ganun ka nila itrato. "
"Nambola pa , hahaha."
Tumawa rin sya bago ginulo ang buhok ko.
"Ikaw talaga! Hindi pambobola yun , totoo lahat ng yun kaya ka nga mahal na mahal ng kapatid ko ee."
Napawi ang ngiti ko ng sabihin nya iyun , alam kong mahal na mahal ako ni Grei higit pa sa pagiging bestfriend pero hanggang doon lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya , may mahal na kasi akong iba.
![](https://img.wattpad.com/cover/225255376-288-k730402.jpg)
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?