AKI POV
Isang linggo na ang lumipas at pinayagan na ako ng doktor na lumabas para na rin makadalo ako sa libing ni Charles.Mabigat ang mga paang tumayo ako sa kama kong iyun at inayos ng kaunti ang sarili bago pilit na ngumiti kay Clarkson. Sinalubong nya ako ng yakap at muling hinaplos ang buhok ko.
"Calm yourself Aki. Nandito lang ako sa tabi mo. Okay?"
Iniharap nya ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay ko. Matamlay akong tumango. Nagpaalam na rin kami kay doc ng makalabas kami sa pinto ng kwarto ko. Nakita ko naman doon si Louie na dala dala ang mga gamit ko. Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko bago kami naglakad papunta sa parking lot at sumakay sa kotse.Didiretso na kami sa sementeryo kung saan ililibing si Charles, baka kasi malate na kami kung sa simbahan pa tutuloy.Ilang minuto lang naman ay nakarating na kami doon, wala pa ang bangkay ni Charles. Nanatili kami sa loob ng kotse.Tahimik na naramdaman ko ang paghawak ni Clarkson sa kamay ko.Tiningnan ko iyun at ipinatong ang isang kamay ko sa ibabaw ng kanya.Ngumiti sya sa akin at muling nagbitaw ng salita.
"Aki, okay lang umiyak pero alalahanin mo ang puso mo, ang puso ni Charles na nasa iyo.Okay?"
Muling sumilay ang mainit na likido sa aking mga mata at nagbabadya nanamang pumatak ngunit mabilis na naramdaman ko ang hinlalaki ni Clarkson para pawiin agad iyun.Kahit na naiiyak ay sinagot ko ang sinabi nyang iyun.
"Ito na lang ang magagawa ko Clarkson ang ingatan ang puso nya kaya sisikapin kong ikalma ang sarili ko kapag nakita ko sya mamaya."
"I know you can do it Aki. Nandito lang ako sa tabi mo."
"Huwag kang aalis Clarkson."
Naramdaman ko ang pagsinghap at pagyakap nya kaya't niyakap ko rin siya.
"Hindi Aki.Dito lang ako sa tabi mo.Babantayan kita katulad ng ibinilin ng bestfriend ko."
"Salamat Clarkson."
Humiwalay ako sa yakap nya at maya-maya pa'y dumating na rin ang karo, lumabas na kami sa kotse at sumunod sa pagpasok ng mga tao.Nahagip ng mga mata ko si Grei na yakap yakap si Nanay Emma , matamlay nya lang akong nginitian. Nang makapasok sa loob muling binuksan ang kabaong, kaagad kaming lumapit ni Clarkson, nagbigay naman ng daan ang mga naroroon upang makadaan kami ng maayos.Mabigat ang mga paang naglakad ako papalapit sa kabaong na iyun at ng masilip ang mukang nandoon ay wala sa sariling napasigaw ako habang humahagulgol , nakaramdam ako ng pangangatog, unti-unting nanghina ang katawan ko pero salamat sa taong umaalalay sa akin, nakakatulong ang paghaplos nya sa likod ko upang kumalma ako. Wala na akong marinig kundi ang iyakan sa paligid ko, niyakap ko ang kabaong na iyun at hinalikan ang salamin kung saan nandoon ang ulo ni Charles, napakahirap tanggapin na namatay ka dahil sa akin.Sa tingin ko ay kulang ang lahat ng pinagsamahan natin para gawin nya ang bagay na ito.Habang yakap ko iyun ay patuloy ang pagpapakalma ni Clarkson sa akin hanggang sa maramdaman kong tatlong kamay na ang humahaplos sa likod ko, nakita ko sa gilid ko ang mga magulang ni Charles, kaagad ko silang niyakap at nagsorry sa kanila,tanging tango lamang ang isinagot nila pagtapos ay muling ibinalik ang paningin sa anak nila.Ilang minutong tumagal ang iyakan , hinihiling ko na sana ay wag ng ialis ang kabaong sa aking harapan ngunit sadyang hindi maaari iyun.Lumapit ang dalawang lalaki at isinara ang kabaong.Tinangka pa naming pigilan iyun ngunit, oras na para magpaalam.Muli akong napasigaw at napaupo sa sobrang panghihina, kaagad naman akong sinalo ni Clarkson at inabutan ng tubig ni Grei.
"Shhh Calm down Aki.Please."
Nanlalabo man ang paningin ko ay nakita ko ang sobrang pag-aalala sa mga mata ni Clarkson at ng iba pang nakapaligid sa akin.Yumakap ako kay Clarkson at pilit pinakalma ang sarili, napakaraming hangin rin ang natatanggap ko kaya nakatulong iyun.Nang muling bumalik ang lakas ay muli akong tumayo upang saksihan ang paglubog ng kabaong sa hukay , isa isa ng naghagis ng bulaklak ang mga naroroon.Si Grei ang nag-abot sa akin ng bulaklak, inihagis ko iyun at nagpatuloy ang luha.Bumalik sa aking ulirat ang lahat ng mga ala-ala, pagmamahal,pag-aalaga,lungkot,tampuhan,asaran at saya na nakasama ko si Charles.Sobra-sobra ang lahat ng ginawa nyang pagmamahal,sa tingin ko ay walang iba na makakagawa nitong ginawa nya.Hindi ko naisip na kaya nyang ibuwis ang buhay nya para lang sa akin.Nagpatuloy ang paghagulgol ko habang unti-unting lumalalim ang kabaong hanggang sa tabunan na ito ng lupa.Napatalikpd nalang ako at itinago ang ulo sa dibdib ni Clarkson, kanina pa basang basa ang t-shirt na suot nya, naramdaman kong muli ang paghaplos nya sa likod ko at ang paulit ulit na paghalik nya sa ulo ko.Kung wala si Clarkson,baka kanina pako nawalan ng malay kaya't salamat dahil may taong nakapagpakalma sakin sa ganitong sitwasyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/225255376-288-k730402.jpg)
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
AcakDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?