GREI POV
Pagkababa ng kotse ay agad na nagtungo si Aki sa kotse nya at sumakay. Mukang nabadtrip nga siya kanina sa akin.
"Ano bang problema mo Aki? Nalaman mo lang na ex ni kuya si Lexi ee , nagkaganyan kana?"
"Hindi naman yun ang ikinagagalit ko Grei."
"Ee ano ba?"
Malungkot ang mga mata nyang tumingin sakin.
"Yung sinabi nyong iba sya kaya wag ko ng patulan. Bakit ? dahil ba ex nya si Clarkson kaya hindi ko sya pwdng gantihan ?Tapos ako , pwede nyang saktan?! Hindi naman yata tama iyun!"
" No it's not like that Aki. Ang ibig naming sabihin ay lumayo ka nalang para hindi ka na masaktan ng Lexi na yun , napakadelikado kung papatulan mo sya Aki "
Mapait syang ngumiti at may tumulong luha sa mga mata nya , lumapit ako sa kanya para sana punasan iyun ngunit umiwas sya.
"Ngayon ko lang nalaman na wala pala kayong tiwala sa kakayahan ko. Sorry ha? baka nga weak ako katulad ng inaakala nyo. Pakiusap lang , kapag sinaktan ulit ako ni Lexi , wag nyo kong tulungan , baka utang na loob ko pa sa inyo iyun."
Tuluyan na syang sumakay sa kotse nya at saka mabilis na pinaandar ito. Pumasok na si Kuya at sumunod naman ako.Naitry kong tawagan , itext , ichat & even video call si Aki pero wala syang response. Napabuntonghininga nalang ako , sa pagkakataong ito , hindi ako naintindihan ni Aki.
AKISHA POV
Dinedma ko lahat ng mga text , calls and chats ni Grei , sobrang sama talaga ng loob ko.Pakiramdam ko kasi ay minamaliit nila ang kakayahan ko. Malakas ako at kaya kong sabayan ang kamalditahan ng Lexi na yun , naisip ko tuloy na baka kinakampihan lang nila ang babae na yun. Muling bumalik ang tanong sa isipan ko "kelan pa nagkagirlfriend si Clarkson?" bakit hindi ko nabalitaan ang tungkol doon ? Hindi rin nasabi na Grei sakin yun. Lalong nadagdagan ang sama ng loob na nararamdaman ko. Naglihim sakin si Grei , akala ko ba'y magbestfriends kami?!
Madaling araw na pero hindi parin ako makatulog kaya kinuha ko ang laptop ko at nagresearch ng background ng Lexi na yun. Ilang oras akong naghanap ngunit wala akong makita na kahit anong background ng babaeng yun. Masyadong pribado ang buhay nya , lalo tuloy akong nagkainteres sa kanya. Kung totoo ngang kakaiba sya , hindi dapat ako matakot sa kanya , sya ang dapat matakot sakin dahil kaya kong hukayin kung anuman ang baho na itinatago nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/225255376-288-k730402.jpg)
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
De TodoDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?