CHAPTER 39

5 0 0
                                        

GREI POV

Natapos ang operasyon at lumabas na ang doktor kaagad kaming tumayo ni nanay Emma upang tanungin ang kalagayan ni Aki.

"Doc, kamusta po si Aki?"

"The operation is successful, wala kayong dapat ipag-alala.Congratualations."

"Salamat po Doc, maaari na po ba namin syang puntahan?"

"After nyang mailipat ng room ay pwede nyo na syang puntahan."

"Salamat po ulit doc."

Ngumiti lang ang doctor at sak naglakad na palayo. Tinext ko naman agad si kuya para ipaalam na tapos na ang operasyon.Sa wakas, nakahinga na rin ng maluwag. Tulad ng sabi ng doctor kanina , matapos mailipat ni Aki sa room nya ay kaagad kaming pumasok ni nanay Emma. Wala pang malay si Aki pero makikita sa monitor ang normal na tibok ng puso nya. Maya-maya pa ay dumating na rin sina kuya.

"Kamusta si Aki?"

"Successful ang operation"

"Salamat naman."

Sandaling hinawi ni kuya ang buhok ni Aki pagkatapos ay hinarap ako.

"Nasaan si Charles?"

Tumaas ang kilay ko sa tanong niyang iyun , tiningnan ko sila Louie at Dwight na nakakibit balikat rin.Sasagot na sana ako ng magsalita si nanay Emma

"Hindi ba't kasama nyong naglaro?"

"Yun nga ang pinagtataka namin. Dumating sa game si Charles pero ng nagsisimula na ang laro ay hindi na namin siya nakita. Maging si coach ay hinahanap sya."

Saglit na katahimikan ang naghari sa loob ng silid. Mabilis na kinuha ni kuya ang cellphone sa kanyang bag at saka nagdial ng number.Nai loud speaker nya rin eto.Ilang segundo lamang ay may sumagot na.

"Hello, Charles nasaan ka ba? Tapos na ang operasyon ni Aki."

"Clarkson, ikaw na ang bahala kay Aki."

"Teka b---"

"Hayaan mo muna akong magsalita."

Sasagot pa sanang muli si kuya ngunit nagtuloy tuloy ang pagsasalita ni Charles.

"Mahal na mahal ko si Aki, alam nyong lahat yan kaya hindi ko kakayanin na makita syang naghihirap dahil sa sakit nya.Kaya ginawa ko ang isang bagay na alam kong magagawa ko. Ang puso na na kay Aki ngayon,  ay ang puso ko."

Walang nagsasalita , animo'y pilit na iniintindi ang bawat kataga na naririnig namin mula sa speaker ng cellphone ni kuya. Nagpatuloy ang pagsasalita sa kabilang linya. Kasabay noon ay ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ni nanay Emma , maging ako ay naiiyak na rin ngunit pinilit na itago at yakapin si nanay Emma na ngayon ay humahagulgol na.

"Alam kong sa mga oras na ito ay natutulog na ako.Masakit sa akin na iwan kayo pero eto lang ang nakikita kong paraan para mas maging masaya si Aki. Mahal ako ni Aki pero higit na mas mahal ka pa rin niya Clarkson, ayon ang naobserbahan ko sa isang taon na pagsasama namin. Nakakatawang isipin na binuwis ko ang buhay ko at iniwan ang pamilya ko dahil sa babaeng pinakamamahal ko, pero ito ang tanging paraan para mailigtas sya, gusto kong maging masaya sya at gusto ko pang matupad nya ang mga pangarap nya. Mahal na mahal ko si Aki, kaya ginawa ko ang lahat ng to kahit na buhay ko ang kapalit. Clarkson, pakiusap alagaan mo syang mabuti, huwag na huwag mo syang sasaktan at sana samahan mo sya sa pag-abot ng mga pangarap nya. Napakarami nun at alam kong alam mo ang lahat ng yun. This time , maging matapang ka na. Ipaglaban mo yung relasyon nyong dalawa."

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now