CHAPTER 42

16 0 0
                                        

[ Two Years Later... ]

GREI POV

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob ng kwarto ni Aki.Alasyete palang kasi ng umaga at alam kong tulog pa sya dahil Linggo naman ngayon.Mabuti naman at maayos ang postura niya ngayon, madalas kasi siyang matulog ng nakapanty lamang tsk. Pinapasundo sya sa akin ni kuya dahil may surpresa daw siya dito.Simula ng nawala si Charles, mas lalong napalapit si kuya kay Aki at hinayaan ko rin na mangyare iyun dahil deserve ni Aki na makaramdam ulit ng pag-aalaga mula kay kuya at pagkakataon naman iyun ng kapatid ko para makabawi sya sa kaduwagan niya noon. Kaya't ito ako ngayon, utusan ni kuya, ang gwapong utusan niya. Haha.

"Aki.. Goodmorning. Bangon ka na, aalis tayo."

Bahagya ko pa syang tinapik tapik upang magising ngunit hindi manlang sya gumalaw, napakatulog mantika talaga ng babaeng ito. Muli ko syang tinapik pero tulog parin kaya naman tumayo ako mismo sa kama nya at nagtatalon kasabay ng pagsigaw sigaw.

"Aki! aki! may gwapo! may gwapooo!"

At sa wakas, mabilis syang napabalikwas at napatakip ng tenga.Tumatawa akong napaupo at niyakap sya.

"Goodmorning Akisha Bautista na mahilig sa pogi kaya nagising hahahaha."

"Nagising ako kasi ampanget ng boses mo! Tsk. Tabi nga jan. Bakit ba ang aga aga mong mambulabog?"

"Aalis nga tayo."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Sa bahay."

"Anong gagawin?"

"Kakain."

"May pagkain rin naman dito bakit kailangan mo pang manggising para kumain sa bahay nyo? Anlakas nanaman ng tama mo Grei na may maitim na budhi!"

"Ikaw ang may maitim na budhi Aki! Hahaha. Mas mabuti pang magbihis ka nalang kaysa makipagtalo ka pa sa akin."

"Eh ano pa nga ba , alam ko namang di moko titigilan hangga't hindi ako sumasama sayo."

"Buti alam mo, sige na pasok na sa cr. Ako ma maghahanda ng damit mo."

Umirap lang siya at dire-diretsong nagtungo sa cr nya. Humalakhak lang ako na parang bakla bago nagtungo na sa cabinet nya. Kinuha ko ang isang yellow na fitted dress, bagay na bagay ito sa mangyayari para mamaya.Napangiti ako pagtapos ay tinungo ang lagayan nya ng mga sapatos at sandals, isang simpleng itim na 3 inches hills ang kinuha ko doon.Sunod kong binuksan ang lagayan ng mga underwear nya at kumuha ng isa doon.Kinatok ko ang pinto ng cr nya at saka iniabot iyun.Inilagay ko naman ang dress at sandals sa ibabaw ng kama nya.Inilabas ko rin ang cellphone ko upang tawagan ang make up artist nya, matagal tagal na rin niyang hindi nakokontak ito dahil ngayon na lamang rin niya ito kakailanganin.Mabilis naman nakapagreply si Natasha ang kanyang bekeng taga ayos. Maya-maya pa ay labas na rin si Aki, nakabathrobe siya at may towel sa ulo.Napahinto sya ng makita ang dress na nasa kama nya.Kunot noo nyang dinampot iyun at saka bumaling sa akin.

"Anong damit to Grei?! Sa bahay nyo lang naman tayo pupunta, bakit parang aattend ako sa party.Tss.Palitan mo yan!"

"Iyan ang isusuot mo, believe me Aki.Pasasalamatan moko mamaya na iyan ang isinuot mo."

"Wow ha? kakain lang naman tayo sa inyo tapos ganito suot ko.Sira nanaman ang tuktok mo Grei."

Sasagot pa sana akong muli ng may kumatok sa kwarto nya at pumasok si Natasha.Isang napakasamang tingin nanaman ang ipinukol niya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now