AKI POV
Natapos ang laro at panalo sina Charles. Tumayo na kami at sinalubong ang mga players , masayang-masaya ang mga schoolmates namin dahil nanalo ang mens basketball.
"Uy Aki , tulala ka nanaman jan.Di mo ba pupuntahan si Charles?"
"Eto na nga naglalakad na oh."
"Bilisan mo para namang di ka masaya."
"Masaya ako Grei.Wag kang papansin tss."
Tinaasan ako ng kilay ni Grei at halatang nagdududa , di ko na lamang pinansin iyun at nagpatuloy sa paglalakad.Nang makababa kami sa court ay nakangiti kong sinalubong ng yakap si Charles.
"Congrats Charles , ang galing mo!"
Napawi ang ngiti sa labi ko ng marinig ko ang sinabi nya.
"Hindi mo nga ako pinanuod."
Umalis ako sa pagkakayakap at saka naguguluhan syang tiningnan.
"Nandito ako simula pa lang Charles."
"Nandito ka physically pero wala ka dito mentally.But don't worry , okay lang yun Aki.Salamat parin dahil nandito ka."
Hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya niyakap ko nalang ulit sya.Bahagya naman nya akong inilayo sa kanya at saka nagpaalam.
"Magshoshower lang ako.Dun ka muna sa kanila."
Matapos iyun ay kinuha nya ang bag nya at dumiretso nga sa shower room. Naiwan akong nakatayo doon habang pinagmamasdan syang makalayo.Napabalik lamang ako sa katinuan ng magsalita si Louie sa tabi ko.
"Umalis agad ?"
Ngumiti ako bago sya tiningnan at saka sumagot.
"Magshoshower lang daw."
"Ah I see. Pero bakit agad agad ?"
Nagkibit balikat na lamang ako saka nagpaalam kay Louie.
"Uupo muna ako.Congrats sa inyo."
"Sige salamat."
Naglakad nako papunta sa bleachers , medyo marami pang tao pero mga nagpapapicture nalang.Naupo ako sa isang tabi at saka muling tumunganga , Charles is so cold now.Hayss.
"Uy Aki , bakit tahimik ka jan? Nasan si Charles?"
Tinuro ko lamang ang shower room kay Grei.Umupo naman sya sa tabi ko at hinarap ang muka ko sa kanya.
"May problema ba kayo ni Charles?"
"H-hindi ko alam."
"Pag-usapan nyo yan Aki.Nagsisimula pa lamang ang relasyon nyo."
Tumango lang ako at maya-maya'y dumating na rin si Charles.Sinalubong naman sya ng team.
"Charles magpapakain at magpapainom daw si coach.Tara na."
"Sorry pass ako.Gusto ko ng umuwi."
"Aba ngayon ka lang tumanggi samin ah.Saka celebration lang yun , sumama ka na."
"Oo nga , ikaw pa naman ang nagpanalo tapos ikaw pa ang wala."
"Pagod na ko at medyo masama rin ang pakiramdam ko kaya magpapahinga nako.Pasensya na , next time nalang."
Naglakad sya palapit sakin at saka hinawakan ang kamay ko.
"Let's go Aki , ihahatid na kita sa inyo."
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
De TodoDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
