CHARLES POV
"Charles tara na umuwi na tayo, kahapon ka pa nandito.Hindi ka pa rin natutulog,ni hindi ka pa kumakain simula pa noong isang araw"
Nilingon ko ng panandalian ang boses na yun pagtapos ay muling ibinalik ang paningin sa puntod na nasa harapan ko.
Muli nanamang tumulo ang luha ko , kung sana ay nakahanap lang kami ng donor mo wala ka sana ngayon jan Aki.
Nagpatuloy ang pag agos ng aking luha hindi ko parin matanggap na wala na ang babaeng pinakamamahal ko."Charles..hoy! Charles!"
Napabalikwas ako kasabay ng pagmulat ng mga mata ko ng maramdaman ko ang sunod-sunod na pagtapik ni Louie sa akin.
"Binabangungot ka yata bro.Eto uminom ka muna ng tubig."
Kinuha ko ang isang basong tubig na iniaabot ni Louie saka tiningnan ang natutulog na si Aki. Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago hinalikan ang kamay niya na hawak hawak ko pala. Akala ko ay totoo na , mabuti at isang masamang panaginip lamang.
Matapos ang ilang ulit na pagrerevive kay Aki , nagawa rin siyang isurvive ng doktor ngunit mas kinakailangan na nyang maoperahan sa lalong madaling panahon kaya't hanggang ngayon ay patuloy parin kami sa paghahanap ng donor.
"Louie , Dwight lalabas muna ako. Kayo na muna ang bahalang magbantay kay Aki."
"Osige Charles. Kami na muna dito."
Lumabas ako upang makapag-isip isip. Tumambay ako sa isa sa mga upuan sa labas ng hospital at napansin ko ang isang lalaki na tila nagpupunas ng luha , si Clarkson pala. Palapit akong naglakad sa kanya at kinuha ko ang panyo sa bulsa ko.
"Magpunas ka ng luha mo, ang dugyot mo"
Dahan dahan nyang inabot ang panyo at saka nakangiting nagpunas ng luha nya pagkatapos niyon ay inakbayan nya ako.
"Ibigsabihin ba nito , napatawad mo nako?"
Bumuntonghininga ako saka tumango bago muling nagsalita.
"Wala naman ng rason para mag-away pa. Sa kalagayan ni Aki ngayon dapat mas magtulungan tayo."
"Salamat Charles.Wag kang mag-alala hindi rin naman kami tumitigil ni Grei sa paghahanap ng donor, maging sina mommy nga ay tumutulong na rin."
"Maraming salamat sa inyo, kung wala kayo siguro ay nauna pa akong mamatay kesa kay Aki."
"Wag mo ngang sabihin yan.Baka kamao ko pa pumatay sayo.Tsk."
Bahagya akong tumawa ng pabiro nya akong ambahan ng suntok.Nakakamiss ang ganitong biruan namin ni Clarkson.Nagkwentuhan lang kami ng ilang minuto bago nya mapagpasyahan na umuwi muna para makapagpahinga , ako naman ay muling bumalik sa loob ng hospital.Muling bumungad sa akin ang tulog parin na si Aki.Hinaplos ko ang mga buhok nya at hiniling na sana'y sa paggising nya ay maging maayos na ang lahat.
CLARKSON POV
Kinabukasan ay muli akong bumalik sa hospital para palitan si Grei sa pagbabantay , nagpaexcuse ako sa school hanggang sa maoperahan si Aki kilala naman sina daddy sa university kaya napakiusapan nila ang mga dean.
Pagpasok ko ay naabutan kong nasa loob ang doktor at kausap si Grei."Magandang umaga doc.Kamusta po si Aki?"
"Ahm. Ok naman sya , sa ngayon ay hihintayin nalang natin na magising sya pagkatapos ay pwede na syang mag undergo ng operation."
Saglit akong napatigil at napatulala bago nakasagot.
"Po? May donor na po ba?"
"Yes Mr.Villanueva may nahanap ng donor kahapon lang at ready na rin sya for operation.We will wait nalang for Ms.Bautista."
"Ok doc.Maraming salamat po."
Nagpaalam na rin ang doktor at sumunod naring umalis si Grei. Agad ko namang kinuha ang phone para tawagan si Charles at ibalita ang sinabi ng doktor.
"Bro, may goodnews."
"Ano? gising na si Aki?"
"May nahanap ng donor."
Panandalian syang natahimik siguro ay hindi rin sya makapaniwala.Kaya naman muli ko syang tinawag.
"Uy Charles ok ka lang? Natahimik ka?"
"Hindi lang ako makapaniwala. Salamat naman at sa wakas , maooperahan na si Aki.''
"Parehas tayo ng naging reaksyon , natulala rin ako ng marinig ko ang balita na yun. Sa ngayon ay hihintayin na lang na magising na si Aki."
"Sige. Maraming salamat sa balita Bro.Maya-maya ay pupunta narin ako jan , may aasikasuhin lang ako."
"Mag-iingat ka."
Binaba ko na ang tawag saka nakangiting tinitigan si Aki. Sa wakas Aki , magiging maayos na rin ang lahat.
GREI POV
Tinawagan rin ako ni kuya at ibinalita nya ngang may donor na si Aki.Laking pasasalamat ang nausal ko sabay tingin sa itaas.Ilang buwan rin kaming naging tolero sa paghahanap ng donor at ngayon ay sa wakas nakahanap rin kami.Kung sinuman ang donor na iyun ay deserve nya ng sobra sobrang pasasalamat. Pagkatapos ng klase ay kaagad akong dumiretso sa hospital. Nandoon na rin ang mga kaibigan ni kuya pati na rin si Charles. Kitang kita ang saya sa kanilang mga muka.Masaya rin ako dahil okat na ulit sina kuya at Charles.Daig pa ang magjowa kung magkatampuhan hays. Iiling iling akong lumapit sa kanila at inapiran naman nila ako bilang pagbati.
"Meryenda ka muna Grei.Nanlibre si Charles dahil sa sobrang pasasalamat."
"Dapat ay puntahan natin ang donor ni Aki , nakilala nyo na ba ?"
"Hindi pa nga ee , ang sabi ni Doc , sa mismong operation na daw natin makikita ang heart donor ni Aki dahil nagpapalakas rin ito para sa operation."
"Ah sabagay kailangan nga niyang magpalakas."
Kumain nalang kami at nagkaroon ng ilang oras na pagkukwentuhan. Parang nabuo ulit ang magugulong tropa pero kulang parin talaga. Nagpatuloy ang kulitan hanggang sa napatingin ako kay Charles na ngayon ay tahimik at nakatitig lang kay Aki.
"Wag kang mag-alala Charles, after ng operation , makukumpleto rin ulit tayo. Mas matibay at mas masaya na."
Ngumiti sya bago tumugon sa mga sinabi ko.
"Iniisip ko naman ngayon ang operation , sana maging successful.Sana kayanin pa ng katawan ni Aki ang mag undergo sa napakadelikadong operasyon."
Tila napukaw na rin namin ang atensyon nila kuya kaya't natahimik sila. Naglakad palapit kay Charles si kuya at inakbayan ito.
"Wag kang mag-alala Charles kayang kaya ni Aki yan, alam nating matapang si Aki. Kakayanin nya yan, magtiwala lang tayo."
Sumilay naman ang malapad na ngiti sa labi ni Charles bago nagsimulang makipagharutan na rin sa tropa.Ang kukulit , animo'y walang mga problema.
![](https://img.wattpad.com/cover/225255376-288-k730402.jpg)
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
AcakDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?