AKI POV
"Hindi mo dapat ginawa yun Charles"
"Sya ang nauna Aki , hindi naman pwedeng hindi ako gumanti."
"Dapat pinabayaan mo nalang.Yan tuloy nagkasugat ka pa."
Matapos ang training ay kaagad akong kumuha ng first aid kit para gamutin ang sugat ni Charles dahil sa nangyari kanina. Nagsiuwian na ang ibang players habang kami ay nagstay dito , gabi na kasi at sarado na ang clinic kaya dito ko nalang sya ginamot , mababaw lang naman kasi iyun.
*Clap .. Clap .. Clap ..
Napatingin kami pareho ni Charles sa pumapalakpak , si Lexi at kasama nya si Clarkson na ngayon ay walang emosyong nakatitig sakin.
"Answeet naman ng lovers na to.Nagsama ang dalawang mahina.Perfect match hindi ba Babe?"
Sarkastiko syang ngumiti at bahagyang tumingin sa reaksyon ni Clarkson.Hindi ko na sana sya papansinin pero lumapit sya at kinuha ang betadine sa kit.
"Ano nanaman bang kailang--"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil ibinuhos nya ang betadine sa dibdib ko.Kaagad naman syang hinila ni Clarkson palayo sa akin.
"Lexi ano ba?! Tara na nga.Umalis na tayo dito."
"Wait lang babe , gusto ko pang makipaglaro sa ex mo.
"Lexi , akala ko ba may usapan na tayo."
"Ikaw ang unang sumira sa usapan natin Clarkson kaya wag mong ipapanangga sakin yan ngayon!"
"Umalis na tayo!"
Tumayo ako at saka hinawakan ang braso ni Clarkson.
"Hayaan mo sya Clarkson , gusto pala nyang makipaglaro ee.Pagbibigyan ko lang."
Nakangiti ako habang sinasabi iyun. Napansin ko namang tiningnan ni Clarkson ang kamay kong nakahawak sa braso nya.Tinanggal ko iyun at saka umarteng nagulat.
"Oh i'm sorry , hindi ko sinasadya. Nadumihan ka ba ? Don't worry malinis naman ako , hindi katulad ng Girlfriend mo!"
Matalim ang matang tiningnan ko si Lexi , akmang susugurin nya ko ng sipain ko sya sa binti , napaupo sya at sinamantala ko iyun para hablutin ang buhok nya at kaladkarin papalapit sa bleachers kung saan nakapatong ang first aid kit.Kinuha ko ang alcohol at ibinuhos sa muka nya.
"Arggh.My eyes! Bitawan mo ko Aki!"
"Mahapdi ba? Damdamin mo , ganyan ka kadumi Lexi ! "
Patuloy lang sya sa pagsigaw at pagpupumiglas pero lalo ko pa syang sinubsob sa sahig at saka inubos ang hawak kong alcohol sa kanya. Tinangka nyang lumaban pero wala syang magawa dahil sa alcohol na dumadaloy sa mga mata nya.
"Ano Lexi ?! Kaya mo pa?! Gusto mo pa ba?!"
"Hay*p ka Aki! Kapag ako nakatayo dito humanda ka sakin!"
"Bago ka pa makatayo , mabubulag kana Lexi!"
Pinagsisipa ko sya habang hawak ko parin ang buhok nya.Pinigilan naman ako ni Charles ng makita nyang duguan na si Lexi.
"Aki , tama na. Tara na."
Hinarap ko si Lexi sakin , hinawi ko ang buhok na nakaharang sa muka nya.Sinubukan nya pang abutin ang buhok ko pero mabilis kong tinapik ang kamay nya.Halata na rin ang panghihina nya , isang malademonyong ngiti ang nabuo sa labi ko.
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
AcakDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
