CHAPTER 18

19 0 0
                                        

AKI POV

I was about to sleep when i received a message from Clarkson.Hindi ko sana papansinin iyun ngunit mah nahagip ang mga mata ko.

"Alam na ni Grei lahat. Sorry Aki."

Napamura ako sa isip at agad dinial ang number ni Grei. I need to talk to him.I cannot manage na mawala rin sya sa akin kasabay ni Clarkson , I can't make it with my own , I need someone now , I need my bestfriend , I need Grei. Hindi na tumitigil ang pag-agos ng luha ko habang paulit-ulit na tinatawagan si Grei.He is not answering , I think he's very mad.Nanghihina akong napaupo sa kama ko.Wala akong magawa kundi ang umiyak. Everything went to a mess and it's all because of Lexi!
Ala-una na ng madaling araw and Im still trying to call Grei but still , no response.I've texted and chatted him for multiple times , but still , no response just seen it.Napasabunot ako sa buhok ko , I don't think na mangyayari ang lahat ng ito.All I want is a peaceful life pero bakit parang lalong naging magulo.Siguro mali ang naging desisyon ko na lumipat sa university na yun.I tried my best para makatulog , maybe I will go to Grei's house later to talk to him.

6:00 AM , antok na antok pako pero pinilit ko ng bumangon para puntahan si Grei , naligo na ako at tamad na tamad na nag-ayos. Nilagyan ko ng konting concealer ang eyebags ko pero halata parin ito.Hindi ko na iyun pinansin at kinuha na ang bag ko saka sumakay na sa kotse.Sana pakinggan ako ni Grei.

Nang makarating ako sa mansion ay masigla akong binati ng lahat habang ako ay pilit na ngiti ang iginanti sa kanila , hindi ko pa yatang ngumiti ngayon.

"Oh Aki , iha napaaga ka yata ngayon?Okay ka lang ba ? You look pale"

"Ah okay lang po ako tita.K-kakausapin ko lang po sana si Grei."

"Hindi namin napansin ng tito mo kung umuwi sya kagabi , hatinggabi na kasi kami dumating pero wala pa sya hanggang sa nakatulog na kami. Hindi ba nagpaalam sa iyo?"

"Ah b-baka po nagkatuwaan sila ng teammates nya"

Pagsisinungaling ko pero alam kong hindi naniniwala sakin si tita.Lalo akong nakonsesya at nag-alala kay Grei , saan ba sya nagpunta.

"Ah ganun ba ? Siguro nga. Sige akyatin mo nalang sya doon sa kwarto nya.Mukang may kailangan kayong pag-usapan"

Makahulugan akong tiningnan ni tita , tumango lang ako at saka dali-daling umakyat , kumatok ako pero walang sumasagot.Bukas naman iyun kaya pumasok na ko. Nilibot ko ang paningin ko buong kwarto maging sa veranda ngunit wala akong nakitang Grei , tiningnan ko rin sa CR pero wala.Muli akong nakaramdam ng panghihina.Sinapo ko ang ulo ko at saka lumabas ng kwarto ,baka makita ko sya sa school. Tama , doon ko nalang sya kakausapin. Bababa na sana ako ng matanaw ko ang kwarto ni Clarkson , kamusta naman kaya sya pagkatapos nilang mag-usap ni Grei. Nag-aalinlangan ako kung papasok ba ako o hindi. Mula ng malaman kong sila na ulit ni Lexi , ay hindi ko na sya kinausap pa tungkol doon , nagpaliwanag sya sa akin pero di ko pinakinggan lahat , basta alam kong nasaktan ako ng sobra sa ginawa nya. Bumuntonghininga ako saka nagpasyang wag na lang pumasok doon , hindi ko parin naman sya kayang harapin ng maayos. Maglalakad na sana ako pababa ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto nya.

"Aki , I'm sorry!"

Mabilis nya kong niyakap at naramdaman ko kaagad ang luha nya. Hindi ako makakilos , tila naistatwa ako ng yakapin nya ako , ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa yakap na yun. Ramdam ko rin ang bigat at sakit na nararamdaman nya. Hindi ko kayang manatili sa ganitong sitwasyon , lalo akong nasasaktan.

"B-bitawan mo ko C-clarkson.."

"No Aki! I'm sorry , I'm really sorry.Duwag ako , naduwag ako kaya umabot sa ganito!"

"Ayoko munang pag-usapan lahat."

"Believe me , I tried my best para hindi mangyari to pero sadyang gusto lang kitang protektahan Aki.Mahal kita Aki , mahal na mahal.Please listen to me."

"I think , it doesn't work anymore.Mas okay na sigurong kalimutan kesa patuloy lang tayong masaktan"

"No Aki! maaayos natin to. Gagawin ko lahat para maayos to.Just please , hayaan mo kong magpaliwanag , pakinggan mo ang mga dahilan ko.Paniwalaan mo ko."

"Pagod na ko Clarkson.Pagod na kong maramdaman na tinatago mo ko.Pagod na kong hindi ipaglaban.Pagod na kong maghintay kung kailan kita pwedeng ipagmalaki sa lahat , katulad ng ginagawa ni Lexi ngayon. Naiinggit ako sa kanya Clarkson! How painful it is na 4 years tayo pero never kitang nakasama ng normal! lagi tayong nagtatago , laging kinakabahan na baka may makakita satin ,lagi nalang tayong tumatakas sa mga matang nakakakilala satin! Pagod na ko Clarkson ! Pagod na pagod na ko na kahit mga magulang mo , hindi alam ang tungkol satin!"

Tuluyan ng kumawala ang mga luhang kanina ko pa gustong pakawalan.Sumabog na rin ang mga salitang noon ko pa gustong bitawan.Hindi ko na kaya.Habang pilit kong tinatago , lalo lang bumibigat sa dibdib.Inilayo ko sya sa pagkakayakap sakin at saka naglakad patalikod.Muli nya kong hinawakan pero nagpumiglas na ko.

"Ayoko na Clarkson.Tigilan na nating mangarap na magiging maayos pa ang lahat.Mahalin mo nalang si Lexi katulad ng binigay mong pagmamahal sakin"

Patakbo akong bumaba sa hagdan at patuloy parin sa pag-iyak. Narinig kong tinawag ako nina tito at tita pero  hindi ko na sila nilingon.Dire-diretso akong sumakay sa kotse ko at umuwi , hindi ko kayang pumasok.Mariin kong isinara ang pinto ng kwarto ko saka malakas na umiyak.Ngayon na lang ulit ako nagkaganito pero sobra sobra ang sakit na to dahil ngayon , walang Clarkson bilang boyfriend at walang Grei bilang bestfriend ang masasandalan ko.

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now