CHAPTER 2

51 3 0
                                        

CLARKSON POV

"Kilala mo yung new student Clarkson?"

Imbes na sagutin ko ang tanong na iyon ni Louie ay tumalikod na lamang ako at kaagad na kinuha ang phone sa bulsa ko. Chinat ko si Grei.

"Kelan pa nagtransfer si Aki dito? Bakit hindi ko alam?"

Mabilis naman syang nakapagreply , siguro'y wala rin silang klase.

"Actually nung last week pa pero ngayon lang sya pumasok. Sorry kuya I'm too busy kasi kaya di ko nabanggit sayo. Pasensya na kuya"

Hindi ko na nireplyan at naglakad nalang ako patungo sa classroom. Kinukulit parin ako nung tatlo about kay Aki pero diko parin sila sinasagot. Buti naman at may professor na pagpasok namin kaya hindi na nila ako ginulo.

LOUIE POV

Uwian na pero may training pa kami ng basketball kaya dumiretso muna kami sa locker para magpalit ng panlaro. Habang naglalakad ay muli nanamang nagtanong si Charles tungkol dun sa new student. Oo nga pala , narinig namin na may binanggit syang pangalan kanina at hindi pa nya sinasagot ang mga tanong namin.

"Hoy Clarkson , akala mo siguro nakalimutan na namin yung tinatanong namin sayo kanina"

"Oo nga , sino yung Aki ? Yun ba yung chicks ? Bakit kilala mo yun ha?"

" Ikaw ha may tinatago ka samin nuh?"

"Kunwari ka pang allergic sa babae yun pala .. hahahaha "

"Shut it up!"

Saglit kaming natahimik ng sumigaw si Clarkson , sobrang bugnotin ang isang ito kaya masamang ginagalit. Hahaha. Sumeryoso kami at muli akong nagtanong ng maayos.

" Ee kilala mo ba talaga yung new student Clarkson?"

"Kung sasagutin ko ba yan , titigilan nyo nako?"

Nagkatinginan kaming tatlo at saka sabay-sabay na sumagot ng "oo". Tumigil sya sakto sa tapat ng locker nya bago nagsalita.

" Akisha Bautista , yun ang pangalan nya. 20 years old Psychology student , First year. "

"Woaah stalker ka ? bakit mo alam lahat yun?"

Sa halip na sagutin ay pumasok na sya sa Cr para magpalit , napakacold talaga ng lalaking yun. Haay. Sumunod nalang kami at nagbihis narin. Sa tingin ko ay wala kaming makukuhang sagot sa kanya.

Alas otso na rin ng matapos ang training. Nagshower na kaming mga players at sabay-sabay na ring umuwi.

"Clarkson , kasabay mo ba si Grei ? Pasabay naman akoh sa inyo , nasa talyer kasi ang kotse ko , bukas ko pa kukuhain."

"Sige."

Dire-diretso syang naglalakad ng hindi manlamang lumilingon sakin. Cold talaga.Nang makarating sa parking lot ay nagpaalam na kami sa mga teammates pati na rin kina Dwight at Charles.

"O nasaan si Grei? Di ka hinintay?"

" Dala nya kotse nya."

"Aba'y himala at nagdala ng kotse bakit may kadate nanaman ba?"

"Wala. May kasabay na kasi sya lagi"

" May girlfriend na? Sino naman?"

" Si Aki."

" Girlfriend nya yung new student???"

"Ewan ko sa kanila. Wag mo nakong tanungin tss"

Tulad ng sinabi nya ay hindi ko na sya tinanong. Sungit ee.

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now