GREI POV
"Wala na ngayon , Clarkson"
Paulit ulit na nagpeplay sa tenga ko ang mga salitang iyun ni Aki.Anong ibig nyang sabihin.Narinig ko ang usapan nila ni kuya nung isang linggo. Nandun ako at narinig ko ang lahat , hindi siguro nila ako napansin dahil seryoso sila sa pag-uusap nila.
Gustong gusto ko ng tanungin si Aki tungkol doon pero ilang araw na syang hindi sumasabay sakin , gusto daw muna nyang mapag-isa , kapag ganun sya , alam kong may mabigat syang problema. Gustuhin ko man syang tanungin pero may problema rin ako , hindi ko sya kayang tulungan kong sarili ko mismo ay di ko matulungan , dahil na rin sa narinig ko kaya minabuti ko nalang rin syang pabayaan muna.
Papasok na ko sa huling klase ko ng makasalubong ko si kuya sa hallway."Grei , kamusta ka na?"
Imbes na sagutin ay nilampasan ko lang sya , galit pa rin ako dahil sa ginawa nya. Isang linggo na ang nakalipas na mag anunsyo si Lexi tungkol sa kanila ni kuya at buong campus ay nagulat sa balita na yun. Lalo na kami ni Aki , nagalit kami sa kanya pati na rin sina mommy at daddy dahil pumayag sya sa gusto ni Lexi kahit alam nyang delikado ang babae na yun.Mataas ang respeto ko kay kuya pero nadisappoint nya ako sa desisyon nyang yun.
"Grei ,kelan mo ba ko kakausapin?"
"Kapag wala na kayo ni Lexi"
Sinagot ko sya ng hindi tumitigil sa paglalakad , hindi na rin naman sya nagsalita pa.
AKI POV
Another training day , one week na yata kaming araw-araw nagtetraining , one week na rin kaming araw-araw nagtatalo at nagkakasakitan ni Lexi pero mababaw lamang iyun kumpara sa ginawa nila sa akin noon. Pumasok na ako sa gym may ilang teammates akong nakasabay sa paglalakad , marami na rin naman akong kaibigan sa kanila.Si Lexi lang naman at ang ilang alipores nya ang hindi ko kasundo. And speaking of the devil , palapit nanaman sila sakin.
"O bakit Lexi , namiss mo ba ko? Ee lagi naman tayong magkasama sa room"
"No way! Wala akong ibang namimiss kundi si Clarkson lang."
"Ah si Clarkson? Yung sunod-sunuran mong boyfriend? Tss. Bagay nga kayo parehas kayong tanga"
Nilampasan ko na sya , ayokong maistress sa kanya lalo pa't nabanggit nanaman nya si Clarkson.Allergic na yata ako sa pangalan na yun.
Nagsimula naman na ang training at tulad dati puro ngisian lang kami ni Lexi sa loob ng court. Gabi na ng matapos ang training.Nagshower na ko saka kaagad na lumabas ng gym , hinarang pako ni Lexi pero pinabayaan ko lang sya , gusto ko ng umuwi at magpahinga.Natanaw ko si Clarkson sa bench malapit sa gym pero nagkunwari akong hindi sya napansin.Dire-diretso ang lakad ko ng maramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko."Aki ,let's talk"
"Pagod ako Clarkson , gusto ko ng umuwi."
"Ihahatid na kita."
"Hinihintay ka ni Lexi"
"Sumabay ka nalang kay Grei kung ayaw mong ihatid kita"
"Kelan ka pa nagkaroon ng pakealam sakin?"
"Noon pa man Aki , alam mong hindi kita pinapabayaan"
Napangisi ako sa narinig ko , napangiti ng mapait saka humarap sa kanya.
"Noon pa pala ? Sorry ha ? Di ko kasi yun naramdaman."
Isang malaking kasinungalingan! Ramdam na ramdam ko yun , ayoko lang aminin sa kanya. Hinila ko ang kamay ko sa kanya at saka naglakad ng mabilis. Baka hindi ko makayanan at umiyak pa ko sa harapan nya.
"Aki , Mahal na mahal kita!"
Napatigil ako sandali pero muling nagpatuloy sa paglalakad. Ayoko ng marinig ang mga salita na yun mula sa kanya dahil alam kung totoo yun at yun ang kahinaan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/225255376-288-k730402.jpg)
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
AléatoireDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?