CHAPTER 24

18 0 0
                                        

CLARKSON POV

Mabilis akong tumakbo palapit sa duguan kong kapatid , hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Kasalanan ko ang lahat ng ito!

"Grei ,gumising ka. I'm sorry."

Napabaling rin ang paningin ko kay Aki na ngayon ay hawak na ni Charles.Halata na ang panghihina nya.

"Aki , i'm sorry."

Sinamaan naman ako ng tingin ni Charles bago nagsalita.

"Intindihin mo si Grei kesa guluhin mo si Aki!"

"Dalhin mo sya sa hospital."

"Alam ko ang gagawin ko Clarkson!"

Nang makarating ang ambulance ay kaagad naman nyang binuhat si Aki , at ganun din ang ginawa ng ambulance team kay Grei.Dali-dali akong sumakay sa loob ng sasakyan. Marami silang ikinabit kay Grei , wala na syang malay , namumutla na siya at marami ng dugo ang nawala. Nang makarating sa hospital ay sinugod agad siya sa emergency room. Pinigil pako ng nurse sa may pinto at sinabing hanggang doon nalang daw ako.
Pikit mata akong napahawak sa ulo ko at saka napaupo sa labas ng ER , napakaduwag ko nga talaga.Dumaan rin sa harapan ko sina Charles , tulak-tulak ang bed ni Aki.Wala na syang  malay pero natanggal na ang patalim sa paa niya.Katulad ko ay ganoon din ang sinabi ng nurse kay Charles. Naiwan kaming dalawa sa labas , walang nagsasalita. Alam kong parehas kaming nag-aalala.Maya-maya pa ay dumating sina Louie at Dwight kasama sina mommy at daddy.Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni mommy.

"Clarkson anak , ano bang nangyari? "

"Kamusta ka? Si Grei ang kapatid mo?"

"Calm down. Nasa ER na si Grei."

Napakalma ko naman sila at naupo rin sa tabi ko.Ilang minuto rin kaming natahimik lahat hanggang sa magsalita si Charles.

"Kasalanan lahat ng anak nyo to."

"Bakit Clarkson? Ano yun? Anong kasalanan mo?"

"Kung hindi dahil sa kanya , hindi mangyayari lahat ng ito."

Bumaling ako kay Charles bago nagsalita.

"Tumigil ka Charles.Wag muna ngayon."

Sa halip na tumigil ay muli nyang hinarap sina mommy at daddy.

"Matagal ng may nangyayaring hindi maganda sa school dahil sa anak nyong yan! palaging nasasaktan si Aki dahil sa kanya.At alam nyo bang matagal na rin silang magkaaway ni Grei? da--"

"Sinabing manahimik ka na!"

Sinugod ko ng suntok si Charles ngunit ngisi lamang ang itinugon nya sa akin at muling bumaling sa parents ko.

"at bumagsak rin ang rank ng Villanueva brothers dahil sa alitan nilang iyun.Kung gusto nyong malaman ang lahat , itanong nyo jan sa anak nyo!"

Matapos iyun ay tinalikuran nya kami , binangga nya pa ako bago tuluyang umalis.

"Totoo ba ang lahat ng iyun Clarkson!?"

"D-dad .."

"Sumagot ka?! Totoo bang matagal na kayong may alitan ng kapatid mo?!"

"Please dad.. h--"

"Just answer me!"

"Tama na po tito.H-hindi po ito ang tamang panahon para pag-usapan yan."

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now