CHARLES POV
Sa wakas ! Ayos na ang lahat. Makakakilos na rin ako ng walang bigat na nararamdaman , masaya ako na okay na kami ni Clarkson , sana ay hindi na muli pa kaming magkasamaan pa ng loob.
Nasa gym kami ngayon , wala na muna kaming klase dahil bukas na ang game kaya bugbugan na muna sa training , nang maglunch break ay kaagad kong niyaya sina Louie at Dwight.
"Tara na sa cafeteria."
"Si Aki , di mo ba pupuntahan?"
"Nasa cafeteria na silang tatlo."
"Mabuti naman at hindi ka na nagseselos sa sa magkapatid."
"Malaki naman ang tiwala ko sa kanila , alam ko namang hindi nila ako bibiguin."
"Mabuti naman."
"Kaya tara na , baka naiinip na sila dun."
Naglakad na kami papunta sa cafeteria at naabutan naming naghahabulan sina Aki at Grei.Mukang di nila ako napansin kaya tinawag ko si Aki.
"Aki , wala manlang bang yakap jan?"
"Ay nandito na pala kayo. Sorry si Grei kasi.Inaaway ako"
Tumakbo sya palapit sakin at saka niyakap ako habang nagsusumbong.Ginulo ko lang ang buhok nya saka niyakap din sya.
"Ang cute mo Aki para kang bata.Hahaha."
"Bata naman talaga yan."
Hahabulin pa sana nya si Grei pero pinigilan ko na sya.
"Enough na Aki.Kakain na tayo."
Umupo na sya at nagpresenta na si Clarkson para umorder ng pagkain namin.Tinulungan naman sya ni Louie sa pagdadala ng mga pagkain.
"Kamusta naman ang training?"
"As usual nakakapagod haha."
"Galingan nyo ah? Ilang taon na nating Rival ang Atlanta."
"Oo nga medyo alanganin rin kami dahil wala ka Clarkson."
"Kayang kaya mo na yun Charles."
Tinapik nya pa ang balikat ko bago muling bumalik sa pagsubo ng pagkain.Napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Salamat Clarkson."
"Ayieeeeee answeeeet hahahhaaha."
Binatukan ko si Dwight dahil sa pang-aasar nyang yun.Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang nagtatawanan.
"So pano ba yan? Balik na kami sa training.Kita kita nalang ulit bukas."
Nilapitan ko si Aki para magpaalam.
"Aki okay lang ba kung hindi kita maihahatid mamaya ? Hanggang 11 kasi ang training namin at hindi kita papayagang maghintay ng ganun katagal."
"Ayos lang tatawagan ko nalang yung driver ko para magpasundo."
"Bakit Aki , di mo dala kotse mo?"
"Hindi eh , sinundo kasi ako ni Charles kanina."
"Kung gusto mo ako nalang ang maghahatid sayo Aki, tutal sabay rin matatapos ang training natin sa volleyball."
Tiningnan ako ni Aki at hinawakan ang kamay ko.
"Okay lang ba Charles? "
"Oo naman , mabuti't hindi ka uuwing mag-isa."
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
