LEXI POV
Lalapitan ko na sana si Clarkson ng marinig ko ang huling sinabi nya kay Aki. Napatigil ako at muling nakaramdam ng kirot , ano pa bang kailan kong gawin para makalimutan nya si Aki.Iwinaksi ko ang lungkot na naramdaman ko saka naglakad papalapit kay Clarkson. Niyakap ko sya at hinalikan , kunwaring wala akong nakita at narinig na kausap nya si Aki.
"Hinintay mo talaga ako babe? Answeet naman."
"Tss.Uuwi na ko"
"Hintayin mo naman ako , kunwari ka pa.Hinintay mo naman talaga ako."
"Paniwalain mo yang sarili mo."
Naglakad na sya at iniwan nga ako. Tumakbo ako para maabutan sya. Pagdating sa parking lot ay kaagad syang sumakay sa kotse nya. Wala manlang pakealam sakin. Hayss kailan nga ba sya nagkaroon ng pake sakin.Hindi ako papayag na patuloy syang maging cold sakin , lahat gagawin ko para mapasaakin si Clarkson ng buong-buo.Galit akong sumakay rin sa kotse ko at saka pinaandar ito papunta sa bahay ng taong alam kong makakatulong sakin.
CLARKSON POV
Magdadalawang linggo na simula ng kaharapin ko ang problema na to.Alam ko namang mangyayari ito pero hindi ko inaasahan na mahihirapan ako. Akala ko kasi ay may taong makakaintindi sa naging desisyon ko. Simula ng malaman nila ang tungkol samin ni Lexi , nagalit silang lahat sa akin pati na rin ang babaeng pinakamamahal ko.
Pagod na pagod akong inihagis ang katawan ko sa kama , pumikit ako at inisip ang lahat ng nangyari , lahat ng mga naging desisyon ko. Alam kong mali iyun pero yun lang ang tanging paraan para maprotektahan ko sila. Lexi is a very dangerous person , she can do whatever she want. She even killed someone kaya alam kong kaya nyang gawin yun ngayon kahit kanino nya gusto. Magshoshower na sana ako ng may marinig akong sunod-sunod na katok.
"Open the door! Mag-uusap tayo!"
"Bakit G--"
"Hayop ka kuya!"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng salubungin ako ng suntok ni Grei. Halatang galit na galit sya. Alam ko na kung bakit.Hindi pa ko handa pero dapat na rin sigurong malaman nya ang lahat.
"Calm down Grei. Pag-usapan natin to ng maayos."
"Kailan pa kuya?! Kailan nyo pa ko pinagtataguan?! Ikaw ba ?! Ikaw ba ang boyfriend ni Aki?!! Sumagot ka!"
"Oo Grei. Ako nga ang boyfriend ni Aki."
Isang suntok ulit ang inabot ko sa kanya.Hinayaan ko lang syang gawin iyun.Wala akong balak lumaban , alam kong kasalanan ko lahat ng to.
"Alam mong mahal na mahal ko sya kuya! Akala ko pa naman suportado mo ko sa kanya ! Ahas ka din pala!"
"Sorry Grei.Pinilit ko namang pigilan pero talagang mahal ko si Aki. Mahal na mahal ko si Aki , mga bata palang tayo."
"Kailan pa naging kayo?! Kailan nyo pa ko pinagmumukang tanga?!"
"4 years. 4 years na kaming nakasecret relationship."
"Hayop ka talaga! Ahas!"
Pinagsusuntok nya ako muli at hinayaan ko lang syang gawin iyun.Pinunasan ko ang dugo sa labi ko dahil sa suntok ni Grei. Saka muling tumayo.
"I asked Aki na isekreto ang relasyon namin dahil ayaw kong masaktan ka pero eto ka ngayon , galit na galit at alam kong sobrang sakit pero Grei , pwede naman sigurong maging masaya ka nalang para sakin at sa bestfriend mo"
"Kahit kailan di ko matatanggap yung ginawa mo sakin! Ahas ka! wala kang kwentang kuya!
"Tatanggapin ko lahat ng masasakit na salita na yan Grei alam kong galit ka lang ngayon"
"Tapos may relasyon kayo ni Lexi! naging kayo rin noong Grade 12 ka! Anong klase kang lalaki?! Pinagsasabay mo sila ni Aki!"
"I did it for Aki , para sa kaligtasan nya. Katulad ng ginawa ko ngayon."
"Isang malaking kalokohan! Ang sabihin mo duwag ka kuya! Duwag ka!"
"Siguro nga duwag ako Grei. Pero kung ikaw ang nasa sitwasyon ko , sigurado akong ganun rin ang gagawin mo."
Isang suntok muli ang binitawan ni Grei , napahiga akong muli dahil na rin sa pagkahilo at kirot ng mga pasa ko.
"Simula ngayon , wala na kong kuya. Wala akong kapatid na ahas!"
Akmang lalabas na sya ng hawakan ko ang binti nya.
"Huwag kang magalit kay Aki. Yun na lang ang pakiusap ko sayo.Kailangan ka nya ngayon.Ikaw na muna ang bahala sa kanya."
"Ang kapal rin naman ng muka mong ipagkatiwala sya sakin matapos nyo kong lokohin! Wala na kong pakialam sa inyo , magsama kayo sa impyerno mga ahas!"
Sinipa nya pa ako bago tuluyang umalis.Namimilipit akong gumapang para maabot ang cellphone ko. Kailangan malaman ni Aki to. I texted her.
"Alam na ni Grei ang lahat. Sorry Aki."
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
