GREI POV
Araw ng sabado ngayon at ngayon ang uwi ng mga magulang ni Aki galing New York kaya naghanda rin ng maraming pagkain sa mansion nila si Nanay Emma , ako nalang rn muna ang nagbantay kay Aki , kasama ko si Charles , si kuya naman ay nasa labas lang dahil nga hindi sila pwedeng magsama ni Charles. Tsk.
"Hanggang kailan kaya sya matutulog Grei?"
Napadako ang tingin ko kay Charles na ngayon ay hawak hawak ang kamay ni Aki at kitang kita ang lungkot sa mga mata.Bumuntonghininga ako bago sumagot.
"Walang nakakaalam Charles."
Matapos iyun ay katahimikan na ang naghari sa aming dalawa , nabasag lang ang katahimikang iyun ng pumasok ang nurse para icheck si Aki.
"Kamusta naman ang kalagayan nya? gaano kalaki ang chance na magising sya?"
"Honestly sir hindi ko rin alam kung ilang percent ang chance na magising na sya.Once a person is in comatose stage , no one knows kung kelan sya magigising. Sometimes , it was just a miracle."
Matapos iyun ay nagpaalam na rin sya bago tuluyang nilisan ang room ni Aki.
Nang dumating ang mga magulang ni Aki ay lumabas kami para mabigyan sila ng privacy ngunit ilang minuto lang nakalipas ay lumabas na rin sila.Hindi sana sila magpapaalam kong di ko sila tinawag.
"Tito , tita aalis na agad kayo? Di nyo manlang ba babantayan si Aki?"
"May mga aasikasuhin pa kami , hindi naman sya magigising kung babantayan namin sya.At isa pa kasalanan naman nya yan."
Bahagyang nag-init ang ulo ko sa mga narinig ko , kung pwede ko lang sumbatan ang mga to , ginawa ko na siguro kaso wala parin akong karapatan na gawin yun.Bago sila tuluyang umalis ay may sinabi pa sila , mga salitang lalong nagpatunay na hindi nga nila mahal si Aki.
"3 days lang kami dito sa Pilipinas , kung hindi pa rin sya magigising babalik na ulit kami sa New York.Marami kaming naiwan na trabaho doon."
Sasagot pa sana ako pero pinigil na ako ni kuya.Naiinis akong pumasok sa room ni Aki at saka niyakap sya.Kung di ka kayang alagaan ng magulang mo , kami nalang ang mag-aalaga sayo.
Three days after..
Nakaalis na ulit ang parents ni Aki at hindi na nga nila hinintay na magising ang anak nila tss , mga walang kwenta.Bahagya akong tumungo sa gilid ng kama ni Aki , inaantok na kasi ako kaya lang wala pa si nanay Emma para pumalit sa pagbabantay. Nasa school pa rin sina kuya at Charles. Alasingko na ng hapon ng tuluyan akong makatulog.
Nagising nalang akong may humahaplos sa buhok ko , akala ko'y nananaginip lang ako kaya't kinurap kurap ko ang mga mata ko.
"Totoo ba to?"
Bahagya syang tumawa at saka kinurot ang ilong ko.
"Hindi baka nananaginip ka lang haha."
Hinawakan ko ang muka nya at saka masayang masayang niyakap sya.
"Sa wakas ! gising ka na Aki. Salamat naman!"
"Nasan sila ?"
"Nasa school pa sina kuya saka yung boyfriend mo. Si nanay Emma , nasa mansion pa."
"Sina mommy? Umuwi ba sila?"
Saglit akong napatigil , diretso kong tiningnan ang mga mata nya at nakita ko doon ang lungkot.Napabuntonghininga ako bago nagsalita.
"Umuwi sila 3 days ago pero umalis rin sila after 3 days , may mga aasikasuhin oa daw sila."
Muling dumungaw ang lungkot sa kanyang mata pero kaagad din nyang napawi iyun gamit ang mga pilit nyang ngiti. She just shrugged her shoulder and make a fake laugh.
"Ayos lang , nanjan naman kayo.Payakap nga."
Hindi na ko sumagot bagkus ay mabilis ko syang niyakap at naramadaman ko nanaman ang mainit na likidong dumadaloy sa likuran ko.
"Wag ka ng umiyak Aki baka makasama sayo yan.Nandito lang naman kami , hindi ka namin iiwan."
Matapos iyun ay napakalma ko naman sya , tinawag ko na rin ang nurse at kasama nitong pumasok ang doctor.Tinawagan ko na rin si kuya at Charles para ipaalam na gising na si Aki.
CHARLES POV
Katatapos lang ng training at papunta na sana ako sa shower room ng magring ang phone ko. It was Grei's number calling.Nakaramdam agad ako ng kaba ng mapagtanto kong sya ang nagbabantay kay Aki.Mabilis kong sinagot iyun , wag naman sanang masamang balita.
"Gising na si Aki."
"Talaga?? Sige papunta na"
Napatingin ako sa taas sabay usal ng pasasalamat pagkatapos ay hinablot ko na ang bag ko , hindi na ko magshoshower , gusto ko ng makita si Aki.Nakita kong nagmamadali din si Clarkson , malamang ay alam na rin nya.
Nang makapagpark ay tinakbo ko na ang room kung nasaan si Aki , naabutan ko syang nakaupo at kausap si Grei.Kaagad ko syang hinalikan sa noo at saka niyakap.
"I miss you Aki.I'm really sorry. Magpapaliwanag ako.I love you so much Aki."
Buong akala ko'y hindi nya ko yayakapin dahil galit sya sakin kaya't kaagad rin akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya ngunit ngumiti sya at niyakap rin ako.
"No need to explain Charles ,pinaliwanag na ni Grei sakin.Ako dapat ang magsorry.Sorry Charles.I miss you too."
"Ehem! maiwan ko muna kayo.Mukang miss na miss nyo ang isa't-isa."
Napangiti lang ako sa pang-aasar na yun ni Grei bago tinanaw syang lumabas.
"Amoy pawis pa ko , kakatapos lang ng training magshoshower sana ako nung tumawag si Grei."
"Ayos lang , i love your smell kahit ano pa yan"
Muli ko syang niyakap at nagkulitan lang kami.Until Clarkson enters the room kasama sina Louie at Dwight. Napaawi ang ngiti sa labi ko but still I act as a normal.
"Magbibihis lang ako Aki.Babalik ako kaagad."
I kissed her bago tumayo , nagtama pa ang paningin ko kay Clarkson bago tuluyang lumabas.
CLARKSON POV
Matamis na ngiti ni Aki ang bumungad sa aming lahat , isa isa namin syang niyakap at ganun rin naman sya.
"Miss na miss ka na namin Aki. Salamat naman at gising ka na"
"Oo nga kala namin hindi na namin ulit makikita ang magagandang ngiti mo"
"Siraulo kq talaga Dwight! Inisip mo bang mawawala na si Ak!"
Pinanuod lang naming naghaharutan si Dwight at Louie saka nagkaroon na rin ng kaunting kwentuhan. Maya-maya pa ay pumasok na rin si Charles kasama ang doctor. Tumahimik kaming lahat at naghihintay ng sasabihin nya.
"Congratualations Ms.Bautista , mabuti naman at nagising ka na. Bukas, pwede ka ng makalabas.Sumama nalang ang isa sa akin sa office para maibigay ko ang list ng mga medicines at para makausap na rin."
"Ako na po ang sasama doc."
Tumango lang ang doktor bago lumabas kasama si Charles. Kami namang mga naiwan ay muling bumalik sa pakikipagkwentuhan kay Aki. Bukas ay lalabas na sya , sa wakas muli na namin syang makakasama.
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
