CHARLES POV
Hindi na bumalik si Clarkson matapos ang nangyari sa gym. Nagchat nalang rin sya na umuwi na daw sya kasama si Aki kaya hindi na kami natuloy kina Dwight. Naglalakad kami papunta sa parking lot ng magsalita si Dwight.
"Iba talaga magmahal si Lexi , sobra sobra. Kahit hindi sya pinapansin ni Clarkson , tuloy parin sya sa panunuyo. Kawawang babae."
"Hindi naman pagmamahal yun Dwight, katangahan na yun. Maganda si Lexi , maraming nagkakagusto sa kanya pero pinipili nya parin si Clarkson na walang pakealam sa lahat ng ginagawa nyang efforts"
"Kung sabagay , obsession na iyon."
"Bukas nalang tayo pumunta sa inyo Dwight , hindi na daw kasi makakabalik si Clarkson"
" Oo sige , sayang nagpahanda pa naman ako ng maraming pagkain kay yaya pero ayos lang , ipapamigay ko na lang hahahaha"
Bago ako sumakay sa kotse ay natanaw ko pa si Lexi sa dulo ng parking lot , umiiyak habang kinocomfort naman sya ng mga alipores nya. Kawawang Lexi , pinandidirian ng taong mahal nya.
Nakita ko yung nangyari kanina sa gym , malamang nandun ako. Kitang kita ko kung paano pandirin ni Clarkson si Lexi , kitang kita rin ang galit ni Lexi kay Aki , sigurado akong magiging magulo ang buhay ni Aki sa university na to dahil kay Lexi pero alam kong hindi yun hahayaang mangyari nina Clarkson at Grei at ako rin , liligawan ko si Aki kaya poprotektahan ko rin siya.
GREI POV
Lumabas ako ng classroom kahit na hindi pa tapos ang klase , narinig kong tinawag ako ni sir pero di ko ma iyun pinansin. Mas mahalaga ang chat sakin ni Kuya.
"Iuwi na natin si Aki , nagkagulo sila ni Lexi kanina sa gym."
"Nasaan kayo?"
"Nandito na sa parking lot"
Nagtungo na ko sa parking lot at naabutan kong yakap yakap ni kuya si Aki. Wala naman sa akin iyun dahil alam kong close rin sila at tulad ko ayaw din ni kuya na nasasaktan si Aki , para na rin sakin.
" Anong nangyari? Kamusta ka Aki?"
Medyo nagulat ko yata sila pero kaagad ding sumagot si Aki.
"Okay naman ako Grei , she's so basic!"
"Napakayabang mo talaga Aki! Alam kong matapang ka pero iba si Lexi , mag-iingat ka sa babaeng yun"
Nakita ko naman ang pagseryoso ng muka niya bago muling nagsalita.
"Iba rin naman ako Grei , alam mo yan"
"Alam ko pero , wag mo nalang patulan si Lexi kung gusto mong maging maayos ang buhay mo dito sa university"
"Sino ba si Lexi ? "
Nagkatinginan kami ni kuya sa tanong na yun ni Aki. Pumasok na si kuya sa kotse at naiwan kami ni Aki at nakatingin sya sa akin , naghihintay ng sagot. Di ko alam kung dapat ko na bang sabihin to sa kanya ngayon. Kaso sa awra ng muka nya ay dapat na nga siguro.
" Ex girlfriend sya ni kuya "
AKISHA POV
Natulala ako ng marinig ko iyun. Kelan pa nagkagirlfriend ang isang Clarkson Villanueva ? Ang alam ko ay ako lang ang babaeng kinakausap at pinapansin nya kaya paanong nagkagirlfriend sya at ganoong klaseng babae pa. Hindi nya tipo ang mga babaeng puro pagpapaganda ang alam.
"Tara na Aki , uuwi na tayo. Mamaya ko nalang ikukwento sayo ang lahat."
"Wag na , hindi ako interesado sa kwento nila."
Pumasok ako sa kotse at malakas na isinara ito. Naiinis ako , hindi ko alam kung bakit.
"Wag mo namang sirain ang kotse ko Aki , mas mahal pa iyan sa buhay mo!"
"Wala ako sa mood makipagbiruan sayo Grei. Baka masapak lamang kita"
Nanahimik naman sya at nagdrive na lang. Alam nya kung kelan ako nagbibiro at hindi kaya tumigil na sya dahil talagang hindi maganda ang mood ko ngayon. Baka pagbuholin ko pa sila ng kuya nya.
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
OverigDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
