GREI POV
Dali-dali akong bumaba , siguradong nakasimangot nanaman iyun si kuya dahil napakatagal kong kumilos.Naabutan ko naman silang nagtatawanan ni Aki , nandito na pala ang babaeng yun hindi manlang ako pinuntahan sa kwarto.
"Hoy Aki! kanina ka pa?"
"Oo , ang tagal mong bakla ka!"
"Baka halikan kita jan! wag mo konh tinatawag na bakla!"
"Sige subukan mo , babasagin ko yang muka mo! "
Lumapit sya sakin at saka ako sinuntok sa muka , masakit rin manuntok ang babaeng ito aba parang amazona.
"Tara na nga , malalate na tayo. Mamaya na ulit kayo magharutan."
Tumigil na kami ni Aki at hinila na sya palabas ng bahay. Sumunod naman samin si kuya. Ako na ang nagdrive , katabi ko si Aki at nasa likod naman si kuya.Medyo malapit lang naman ang school kaya nakarating din kami agad doon.
"Wag nyo na kong hintayin mamaya , pupunta kami kina Dwight , doon nako sasabay"
"Okay kuya. Ingat ka"
Sumulyap sya kay Aki , nagwave at ngumiti bago naglakad papalayo samin. Masaya naman ako na nakita ko nanaman syang ngumiti , bihirang bihira ko kasi talaga makita ang ngitin na iyun at si Aki lang ang nakakapagpangiti sa kanya. Si Aki lang din ang babaeng kinakausap ni kuya ng maayos. Minsan nga naiisip ko na baka si Aki ang babaeng makakapgpatibok ng puso ni Kuya pero mukang malabo yata yun , sobrang layo ng ugali nila.
AKISHA POV
Hinatid ako ni Grei sa classroom , wala pa namang prof kaya medyo napatambay pa sya doon , pinagkakaguluhan din sya ng mga classmates kong babae. Gwapo talaga ng bestfriend ko , pero mas gwapo parin yung mahal ko. Hahaha.
"So pano , sunduin nalang kita ulit mamayang lunchbreak Aki ha? Aral mabuti."
"Ikaw ang mag-aral ng mabuti wag puro pambababae."
"Ikaw lang ang babae sa buhay ko Aki. Loyal ako sayo"
Kumindat pa sya at saka pinisil ang pisnge ko. Nagtilian naman ang mga baliw kong kaklase.
"Umalis ka na nga ! wala nanamang sense yang sinasabi mo!"
Ngumiti lang sya at umalis na rin.Bago pa ko makarating sa upuan ko ay sinalubong ako ng mga katanungan at pang-aasar ng mga kaklase ko.
"Uy answerte mo naman kay Grei , hearthrob yun dito sa University"
" Oo nga , maraming babae ang naghahangad na maging boyfriend iyun"
"Sobrang perfect ng match nyo Akisha, nakakainggit"
"Gano na kayo katagal?
"Hindi ko boyfriend si Grei."
Nakita ko ang pagkadismaya sa itsura ng mga kaklase ko, natawa nalang ako at naglakad papunta sa upuan ko.
" Ee bakit lagi kayong magkasama saka ang sweet nyo. Imposibleng wala kayong relasyon"
Nilingon ko si Lexi , ang pinakamaldita kong kaklase at balita ko sya daw ang QueenBee sa university na ito. Whatever , wala akong panahon sa mga ganung klaseng babae. Nakataas ang kilay nya sakin at halatang naghihintay ng sagot ko.
"We're bestfriends"
Narinig ko ang pag ngisi nya at naramdaman ko ang pag-irap nya mula sa likuran ko. Kung ayaw nyang maniwala ay wala akong magagawa.
Lunchbreak ...
Lumabas na ko ng classroom , maraming mga kaklase ko ang sumabay sakin dahil alam nilang kasabay ko si Grei , mga manggagamit. Hinayaan ko lang sila at chinat na si Grei.
"Hoy lalaki , nasan kana? Nagugutom nako!"
Medyo matagal sya bago nakapagreply , siguro ay may klase pa sila.
" Sabi ko sayo susunduin kita sa classroom nyo ah."
"Ee antagal mo naman , kanina pa kami dismiss.Nasan ka na ba?"
"Palabas na , nagovertime si sir. Sa cafeteria nalang tayo magkita"
"Okay sige. Nandito na ko.Kasama ko yung mga babaeng baliw na baliw sayo tss."
Nagsend lang sya ng sticker na tumatawa. Sineen ko na lamang iyun at naghanap ng upuan sa loob ng cafeteria. Natanaw ko naman si Clarkson at ang mga kaibigan nya kaya doon ako nagtungo.
" Hello , pwdeng makishare ng table ? wala kasing vacant.
Halata ang pagkagulat sa mga muka nila maliban kay Clarkson , hindi nga pala nila ako kilala.Naglahad ako ng kamay at nagpakilala.
" Akisha , kaibigan ko si Clarkson. Call me Aki for short"
Malapad na ngiti ang pinakawalan ko sa kanila , kaagad namang inabot ng isang lalaki ang kamay ko at hinalikan iyun.
"Ikinagagalak kong makilala ang isang napakagandang dilag. Charles nga pala , ang iyong prinsepe."
Natawa naman ako sa paraan ng pagpapakilala nya , nakakatuwa ang isang ito. Binatukan naman sya nung dalawa pa niyang kasama bago naglahad rin ng kamay sakin at nagpakilala.
"Dwight Mendrez , ang pinakagwapo sa kanila"
Ngumisi pa sya sa mga kaibigan nya at saka kumindat sa akin. Kaltok naman ang inabot nya kay Charles.
"Ako ang pinakagwapo sa lahat!"
"Tumigil kayong dalawa nakakahiya kay Aki. Ako nga pala si Louie , wag kang magpapauto sa dalawang yan ,mga playboy yan."
Natawa naman ako sa kanila , nakakatuwa silang tingnan.Tiningnan ko si Clarkson na kanina pa nananahimik habang kumakain. Umupo ako sa tapat nya at inagaw ang sandwich nya.
"Gutom na ko , akin nalang toh ha? Salamat!"
Wala naman syang nagawa at tumayo nalang para bumili ng panibagong sandwich.Nakipagkwentuhan lang ako sa tatlo habang hinihintay si Grei.Antagal naman ng baklang iyun.
GREI POV
Nagmamadali akong naglakad papunta sa cafeteria , siguradong bugbog nanaman ang abot ko sa amazona kong bestfriend dahil napakatagal ko. Ayaw pa mandin niya ng pinaghihintay. Lalo pa kong natagalan sa paglalakad dahil sa kabi-kabilang nagpapapicture sakin. Ang hirap talagang maging pogi! Hays. Ayaw ko naman silang dedmahin , masisira image ko sa school na to. Hahaha.
Nang makarating ako sa cafeteria ay kaagad kong hinanap si Aki at nakita ko sya kasama sina kuya , mukang masayang masaya sya habang kausap ang mga kaibigan ni kuya.Medyo nakakaselos lang pero naglakad nalang ako patungo sa table nila."Aki , pasensya na. Andami kasing n--"
"Ewan ko sayo! Napakatagal mo ! Bukas ayoko ng sumabay sayo!"
" Sorry na , alam mo naman kasi ang gwapo ko kaya andaming nagpapapansin sakin jan sa gilid gilid"
" pinapansin mo naman?! Babaero talaga hayss!"
"Uy nagseselos ka Aki? Ayieee. Wag na ikaw magselos , loyal to sayo"
Inakbayan ko pa ako at saka ginulo ang buhok.Sinungitan nya lang ako.
"Tara na , bibili na tayo ng shawarma at milktea mo , alam ko namang yun lang ang magpapakalma sayo hahahaha."
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?