AKI POV
Masayang masaya akong lumabas ng kotse at saka nagtatalon habang umiikit ikot pa sa parking lot dahil sa sobrang excited kong bumalik sa eskwela.
"Hinay hinay lang Aki , sabi ng doktor bawal na bawal ka ng mapagod hanggat hindi pa naisasagawa ang heart transplant mo"
Bahagyang napawi ang tuwa sa aking mga mata , bago ako tuluyang lumabas sa hospital sinabi ng doktor na mas mapapadalas ang pag atake ng sakit ko dahil nangangailangan ako ng transplant kaya kailangan din naming makahanap ng handang magdonate ng puso nya para sakin.Kaya lang ay napakalabo naman yatang mangyari na may magbubuwis ng buhay para sakin.Napatawa ako ng mapakla saka humarap kay Charles.
"Tara na , excited na kong makita mga classmates ko"
"Aki , alam kong nalungkot ka nanaman dahil iniisip mo yung transplant pero wag kang mag-alala makakahanap rin tayo ng taong magdodonate ng puso para sayo"
"Mukang imposible iyun Charles , sino ba namang tanga ang magpapakamatay para lang mabuhay ako."
"Walang masama sa paniniwala sa itaas , alam kong tutulungan nya tayo.Kaya sana wag kang mawalan ng pag-asa.Kahit anong mangyari Aki , tandaan mong kasama mo lang ako.Gagawin ko lahat para mabuhay ka."
Awtomatikong tumulo ang luha ko kasabay ang pagkakakulong ko sa mga bisig ni Charles.This man really deserve so much love.
"I love you Charles.Maraming salamat."
"I love you more Aki."
He kissed my forehead and held my hand.
"Let's go. Wag ka ng malungkot."
Naglakad na kami papunta sa classroom ko at katulad dati , mainit na pagbati ang sumalubong sa akin.Ilang minuto lang ay nagpaalam narin naman si Charles dahil may klase na rin sya.
CHARLES POV
Alas dos palang ay tapos na ang klase namin kaya naman maaga kong napuntahan si Aki sa classroom nya , tinanaw ko sya sa bintana at nakita kong masayang masaya syang nakikipagkwentuhan sa mga kaklase nya.Napangiti ako dahil muli kong nasilayan ang matatamis na ngiti nyang iyun ngunit bahagyang sumagi ang lungkot at takot na baka isang araw ay di ko na muling makita ang mga yaon.Napabuntonghininga ako at iwinaksi ang iniisip , hindi mangyayari yun ,gagawin ko ang lahat para manatili syang buhay.Bago sya lumabas sa hospital ay mahigpit na ipinagbilin ng doktor na mas pabilisin ang paghahanap ng heart donor para kay Aki dahil ilang buwan nalang angkaya nyang itagal kung mananatili pa ang baradong puso nya sa kanya ,sa ngayon kasi ay gamot nalang ang nagpapalakas ng pagtibok ng puso nya kaya sobrang pag-iingat at pag-aalaga rin ang ginagawa namin sa kanya.
Akmang patalikod na ako ng tawagin ako ng isa sa mga kausap nya kaya napansin na rin ako ni Aki , tumakbo sya palabas saka patalon na yumakap sakin.
"Bakit ang aga mo ?"
"Maaga kaming pinalabas , kamusta ka ? Hindi ba sumakit dibdib mo?"
"Hmm medyo sumakit sya kanina pero ayos lang naman , uminom lang kaagad ako nung gamot ko."
Napasinghap ako sa narinig ko bago ginulo ang buhok nya.
"Wag ka kasing masyadong hyper , saka ka na ulit magkulit kapag tapos na ang transplant mo."
"Hindi naman eh sobrang hinhin ko na ngang gumalaw kahit hindi ako sanay"
Nagpout pa sya dahilan para lalo akong mapangiti.
"Hindi naman kita pinapagalitan kaya wag kang magpout jan , nagpapacute ka nanaman eh.Hahaha."
Tumawa lang din sya bago muling bumalik sa classroom nya , ako namab ay naupo lang sa bench para hintayin sya.Alastres ng palabasin sila ng prof nya , kaagad kong kinuha ang bitbit nyang bag at mga libro.
"Gala muna tayo , saan mo gusto? Lahat ng gusto mo bibilhin ko."
"Talaga ? Yeheey! are you asking me for a date Charles?"
"Hmm yes. Ayaw mo ba? Okay lang naman kung anong gusto mong gawin , sasamahan nalang kita kung ayaw mo--"
"Shhh, no! Gagala tayo , alam mo namang gustong gusto kong gawin yun. Namiss ko na rin kaya tara na!"
Hinila naman nya ako papunta sa parking lot , napakataas parin ng energy ng babaeng to kaya kailangan talagang mapalitan na puso nya para ayos lang na maging ganto sya kakulit.
Habang nasa kotse ay tahimik lang syang nakatingin sa harapan ng kotse kaya naman pinisil ko ang pisnge nya dahilan upang hampasin nya ko.
"Epal ka Charles , nagmumuni muni ako eh!"
"Masyado kang seryoso hindi ako sanay."
"Naisip ko lang kasi , na kapag namatay na ko hindi ko na magagawang magmuni muni hahaha."
Pabirong tono pero ramdam ko ang lungkot sa mga boses nya kaya naman inabot ko ang isang kamay nya , hinawakan ko ito ng mahigpit bago nakangiting sinagot sya.
"Hindi ka pa mamamatay Aki , ayokong mag-isip ka ng ganyan.Okay ?"
"3 months lang ang palugit ng buhay ko , kapag walang donor .. "
Naramdaman kong humigpit rin ang paghawak nya sakin saka itinuloy ang pagsasalita.
" .. mamamatay ako Charles."
Iginilid ko ang kotse bago hinarap si Aki , nakita kong may pumatak na luha sa mga mata nya.Pinunasan ko iyun gamit ang mga daliri ko.
"Aki please , wag mong sabihin yan.Hindi naman namin hahayaang mangyari yun.Mahal na mahal kita Aki , kaya wag ka namang panghinaan ng loob."
"Pero pano kong di ko na kaya ? Mahirap lumaban kong yung kapalaran ko kamatayan na talaga."
"Kasama mo ko sa lahat ng laban mo Aki.Hindi kita iiwan"
Yumakap sya sa akin kasabay ng malakas na pag-iyak.Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko syang umiiyak kaya naman pinilit kong pakalmahin sya.
"Makakasama sayo ang palagiang pag-iyak Aki , irelax mo lang ang sarili mo. Lahat gagawin ko para sayo kaya pakiusap , wag kang mag-isip ng ganyan."
Unti-unting humina ang pag-iyak nya at saka mapaklang ngumiti sa akin.
"Maraming salamat sa lahat Charles."
"Wala yun , mahal na mahal kita eh. Tara na andrama natin hahaha."
Nagtawanan lang kami at pinaandar ko na rin ang kotse , sana mapasaya ko ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat ng gagawin ko.
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
