CHAPTER 36

13 0 0
                                        

AKI POV

Nagpatuloy ang buhay kahit na hindi na normal ang mga araw para sa akin. Dalawang buwan na agad ang nakalipas , sa loob niyun ay napakaraming adjustments at pag-iingat ang aking ginawa ngunit lahit na ganun , sa araw-araw na paggising ko sa umaga ay ramdam ko parin ang patuloy na paghina ng  aking katawan . Dama ko rin ang unti-unting pagkawala ng aking sigla , nawawalan na rin yata ako ng ganang mabuhay , nawawalan ng pag-asa na may taong handang magdonate ng puso para sa akin. Sa mga pagkakataong naiisip ko ang mga bagay na ito , mariin ko nalang na ipinipikit ang mga mata ko kasabay ng piit na paghagulgol. Iilang minuto pa'y naramdaman ko nanaman ang pagsikip ng dibdib , habol ang hiningang pinindot ko ang alarm sa gilid ng higaan ko , hudyat para magmadali si nanay Emma na magtungo sa kwarto ko.Ilang segundo nga lamang ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto at iniluwa nuon ang mumukat mukat pang si nanay Emma. Nakaramdam nanaman ako ng pagiging isang pabigat ng mahagip  ng aking paningin ang malaking orasan sa loob ng aking silid at kahit na nanlalabo ang paningin , malinaw kong nakita ang oras. Alas dos pa lamang ng madaling araw , oras na kung saan mapayapa at kasarapan pa sana ng tulog ni nanay Emma. Kahit na pupungas pungas pa ay mabilis nyang iniabot sa akin ang mga gamot na dapat kong inumin kasabay ng paghaplos niya sa aking likod.

"Relax Aki , calm down. Inhale , exhale"

Ginawa ko ang mga bagay na sinasabi nya , mula pa noon ay ito ang nakatutulong sakin upang maibsan ang sakit kapag inaatake ako , ngunit tila sa pagkakataong ito ay hindi ito gumagana , nagpatuloy ang pagsikip ng aking dibdib at pagdilim ng aking paningin kasabay niyun ay ang dahan dahan na pagbigay ng aking katawan. Tanging alingawngaw na lamang ng sigaw ni nanay Emma ang aking huling narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.

CHARLES POV

Ginising ako ng sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Kahit na antok na antok ay nakapikit kong sinagot ito without looking kung sino iyun.

"Charles , si Aki.."

Mabilis akong napatayo sa malamig na boses ni nanay Emma kasabay ng dali daling paghablot ko sa jacket at susi ko na nakapatong sa lamesa. Sumakay agad ako sa kotse at dumiretso sa hospital kung saan madalas isugod si Aki. Mariin kong hinawakan ang manibela , sa loob ng dalawang buwan dapat ay sanay na ako sa ganitong sitwasyon dahil noon pa man ay madalas ko ng maranasan ito , madalas kasing isugod si Aki sa hospital at laging takot ang aking nadarama pero parang may kakaiba ngayon, animo'y isa itong banta na maaaring may magwakas.Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at napailing habang nagmamaneho , hindi maaari , hindi ko kakayanin.Lalo ko pang binilisan ang pagpapaandar ng sasakyan , huwag naman sanang mahuli ang lahat.

CLARKSON POV

Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng kotse ng makarating sa parking lot ng hospital , mabilis na lumabas at kumaripas ng takbo , at ganun rin ang ginawa ni Grei. Nakasabay ko pa si Charles sa pagtakbo patungo sa emergency room kung saan naroon si Aki at kung dati ay madalas ang ngisian kapag nagkikita kami , ngayon ay isinantabi namin ang aming alitan.Nasa may pinto na kami ng harangin kami ng mga nurse , alam naming hindi maaring pumasok kaya't sa maliit na salamin sa may pinto na lamang namin tinanaw si Aki.Ngayon ay nirerevive siya para mabuhay , kitang kita ang sobrang pagbagsak ng katawan niya. Walang paglagyan ang takot na nararamdaman ng bawat isa ngayon , hindi ko na alam ang gagawin kaya naman napaupo nalang ako sa may pintuan at napasabunot sa buhok ko. "Mahal na mahal kita Aki , pakiusap lumaban ka pa"
Kasabay ng pagbanggit ng mga salitang iyun ay ang pagbukas ng pinto hindi dahil may lalabas kundi dahil pumasok si Charles sa loob kahit na alam niyang bawal , narinig ko ang paulit ulit na sigaw.. " No aki! No! Lumaban ka ! Pakiusap lumaban ka! Kaya mo yan Aki! Please Aki , mahal na mahal kita ! Wag mo kaming iiwan!" Humihikbi na ang lahat kahit ang mga nurse sa gilid ng bed ni Aki , pilit nilang inilalayo si Charles pero nagpupumiglas ito. Hawak hawak ang kamay ni Aki habang nakaluhod , pabalik balik ang tingin sa heart rate monitor at patuloy na nakikiusap sa doctor.
"Doc , pakiusap magbabayad ako kahit gaano kalaki , pakiusap iligtas nyo lang si Aki. Doc please!" Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon , sa pagkakataong ito ay sobra akong naawa sa kaibigan ko.Nagpatuloy ang pagbomba kay Aki ngunit makikita sa monitor na wala paring pinagbago , sobrang mabagal at hindi nagiging  normal ang pintig ng puso nya.Ilang minuto ng paulit ulit na ginagawa iyun sa kanya pero ganun parin.Dapat na ba naming tanggapin? Hindi pa kami handa kaya pakiusap Aki , lumaban ka pa.

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now