CHAPTER 38

8 0 0
                                        

Two days after ...

CLARKSON POV

Alaskwatro ng umaga ng gisingin ako ni Grei mula sa phonecall dahil sa balitang gising na si Aki. Dali-dali akong bumangon at dumiretso sa kotse.
Naabutan ko si Grei at Charles na kabiruan na si Aki. Hindi ko napigilang yakapin si Aki ng lumapit ako sa kanya.Ramdam ko ang pagkabigla pero kaagad rin nya akong niyakap pabalik. Ilang segundo lang naman ay inalis ko na rin iyun ng mapasulyap ako kay Charles. Akala ko ay magagalit sya ngunit nakangiti syang tumango sa akin bilang pagsang-ayon sa ginawa ko.
Kaunting katahimikan ang umiral pagkatapos ay binasag ni Aki ang katahimikan na iyun.

"Akala ko ay hindi ko na kayo makikita pa. Namiss ko kayo ng sobra.Ilang araw ba akong tulog nanaman?"

"Limang Araw Aki at sa loob ng limang araw na yun , sa wakas maooperahan ka na."

"M-may donor na a-ako?"

"Oo Aki! Sobra sobrang pasasalamat namin sa tao na yun!"

Mangiyak ngiyak syang tumingin sa aming lahat bago umamba ng yakap kay Charles.

"Tama ka nga Charles, may tao parin talagang handang tumulong sa kapwa."

"Oo naman. Sabi ko naman sayo diba magtiwala ka lang at tutulungan tayo ng maykapal."

"Nasan sya? Gusto ko syang makita.Gusto ko syang pasalamatan."

"Uhm Aki ang sabi ni doc hindi daw natin sya maaaring makita sa ngayon dahil inihahanda nya ang katawan nya para sa operasyon."

"Aw ganun ba? Sayang naman."

Bandang alas otso ng pumasok ang doctor kasama ang isang nurse para icheck si Aki. Nag-iwan rin sya ng isang paalala at magandang balita para sa amin.

"Bukas ay maaari na nating isagawa ang operasyon since gising na ang pasyente at ready na rin ang donor. 85% naman ang successful rate ng pag undergo to this transplant kaya I advice Ms. Bautista na today just relax your body and mind so that you will be ready for tomorrow."

"Maraming salamat po doc. How about the donor? ano pong mangyayari sa kanya? "

"Actually , napakabigat na desisyon ang ginawa ng taong ito. We all know na kapag kinuha ang puso maaaring mamatay ang isang tao and that's the answer , the donor probably will die. Ibubuwis nya ang buhay nya para kay Ms.Bautista."

"Doc hindi manlang ho ba nya sinabi kung anong dahilan kung bakit nagdonate sya ng puso sa taong hindi naman nya kilala?."

Umiling lang ang doctor at tumingin kay Aki pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa amin.

"Please excuse me. I have to go. Take care for the patient."

Katahimikan muli ang bumalot sa loob ng room na iyun marahil lahat kami ay nag-iisip kung sino ang napakabuting donor ni Aki. Si Charles ang bumasag ng katahimikang ito.

"Kung sinuman ang donor ni Aki , magpasalamat nalang tayo , ang mahalaga ay maooperahan na siya bukas. Sama-sama tayong palakasin ang loob ni Aki para mas maging successful ang operation."

"Tama ka Charles, sa ngayong ay mas mabuting pagtuunan natin ng pansin ang pagmomotivate kay Aki."

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now