CHAPTER 29

10 1 0
                                        

CHARLES POV

Today is Friday , this is the biggest day for the whole University.Ito rin ang pinakahihintay na araw ng Atlanta University kung saan sigurado akong sobrang pinaghandaan nila para makamit ang pagkapanalo sa amin.Alaskwatro palang ng umaga ay bumangon na ako at nagbihis , dadaan pa kasi ako kina Aki at ihahatid pa sya sa school bago ako pupunta sa Atlanta.
I grabbed my phone and I checked kung may message si Aki pero wala parin. Hindi rin sya nag update sakin kagabi , medyo nakakatampo yun pero isinantabi ko nalang , ayokong makasira yun sa performance ko mamaya. Tinawagan ko sya at hindi sumasagot , siguro ay tulog pa kaya pupuntahan ko nalang para magising na rin.
Saktong alasingko na umalis ako sa bahay , ininform ko rin sina Louie at Dwight na magkita kita nalang kami sa Atlanta.
Masaya akong binati ni nanay Emma ng dumating ako sa mansion.

"Goodmorning Charles. Ang aga mo yata."

"Ngayon po kasi ang laban namin kontra Atlanta kaya maaga ko pong ihahatid muna si Aki sa university bago pumunta doon."

"Ay naku , maagang umalis si Aki.Hindi ba nagpaalam sa iyo?"

"Po ? Hindi po. Saan naman po sya pumunta?"

"Hindi nya sinabi , tinext lang nya ako na umalis daw sya.Hindi ko rin naman sya nakitang umalis."

Di ko namalayan na nakatulala na pala ako.Winagayway naman ni nanay Emma ang palad nya sa harap ng mata ko.Saka lamang ako natauhan.

"Ayos ka lang iho?"

"Ah opo nanay Emma , pasensya na po. Sige po a-alis na po ako."

"Oh sige.Goodluck sa laban nyo mamaya."

Tumango lang ako sabay talikod , muli kong dinial ang number ni Aki , pero di parin sya sumasagot.Gusto ko ng mainis pero pinigilan ko ang sarili ko , baka may pinuntahan lang si Aki.Nagdrive ako papunta sa university para icheck kung nandun na sya.Inulan naman ako ng mga "good luck sa game mamaya" habang naglalakad , nginitian ko lang lahat iyun at dumiretso sa room nila Aki.Sarado pa iyun at wala pa kahit isang estudyante. I dialed Grei's number baka kasama nya si Aki.

"Hello Charles ? Bakit? "

"Are you with Aki?"

"No.Kagigising ko lang , bakit?"

"Maaga daw kasi syang umalis sabi ni nanay Emma , wala naman sya dito sa room nya."

"Really?. Hindi ko alam kung nasaan sya bro.Pasensya na."

Pinatay ko na ang tawag at saka tumakbo sa kotse ko.Wala akong ideya kung saan sya pupunta , wala rin naman syang nabanggit sakin na pupuntahan nya ngayon.Nagring ang phone ko at kaagad kong tiningnan iyun , napabuntonghininga ako sa pagkadismaya ng makita kong si Dwight ang tumatawag.

"Bakit?"

"Nasan ka na ba? Nandito na lahat ng players , hinahanap ka ni coach."

"Papunta na."

Pinatay ko na iyun at saka dumiretso na sa Atlanta , baka susurpresahin lang ako ni Aki. Hayss ,bahala na. Nagpatuloy lang ako sa pagdadrive until something caught my attention.Bahagya kong binagalan ang pagpapatakbo ng mapagtanto kung sino ang nakita ko.  Hindi maaari , baka nagkakamali lang ako.Pumikit ako at mariing napahawak sa manibela ko , guni-guni ko lang yun.Mabilis kong pinaandar ang kotse ko upang mabilis na makarating sa pupuntahan ko.
Nang makarating sa Atlanta ay pinark ko ang kotse ko sa parking lot para sa mga bisita.Mas malaki ang parking lot na to kumapara sa parking lot ng university namin.Pagbaba ko bumungad sakin ang mga malalagkit na tingin ng mga estudyante dito , mga bulong bulungan na naririnig ko naman.Tss.Hindi ko na lamang pinansin iyun at nagtungo na sa gym kung saan gaganapin ang laban.

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now