CLARKSON POV
Tinanaw ko lang yung dalawa habang bumibili. Ang kulit talaga ng dalawang iyun. Napatitig ako kay Aki , napakaperfect talaga nya at bagay na bagay sila ng kapatid ko kaso ..
"Parehas ba tayo ng iniisip Clarkson?"
Tiningnan ko si Louie sa tabi na ngayon ay nakatingin rin sa direksyon nang dalawa.
"Ewan ko sa iniisip mo. Tss"
"Iniisip ko kasi na bagay silang dalawa. Tiyak na magiging usap usapan sila sa buong campus kung magkakatuluyan sila"
"Ngayon pa man ay usap usapan na talaga sila , kitang kita kasi ang sweetness nila."
"Oo nga perfect match ang kapatid mo at ang bestfriend nya. Pero di parin ako papayag , liligawan ko si Aki , tutal hindi naman nya jowa ang kapatid mo Clarkson"
Napatingin kaming lahat kay Charles at sabay-sabay namin syang binatukan.
"Kahit kelan talaga ay babaero ka Charles. Wag mo ng isama sa listahan ng mga babae mo si Aki. Ibang klaseng babae yun , di tulad ng mga nagiging girlfriend mo"
"Alam ko , seryoso naman ako sa kanya mga pare. Sigurado ako na hindi ko sya lolokohin at magtatagal ang relasyon namin pag naging kami"
Tumayo ako at tinalikuran ang tatlong mokong na yun , ayokong marinig ang tungkol sa gagawin nyang panliligaw kay Aki.
"Hoy Clarkson! Bigla bigla ka nanamang nagwawalkout ! "
" Hay naku Dwight , hindi ka na nasanay sa isang yan"
Hindi ko na sila pinakinggan at bumalik na sa classroom. Nakasalubong ko pa sina Grei at Aki bago ako makalabas sa cafeteria.
"Aalis kana ? Di ka sasabay samin kumain?"
"Tapos na ko , kanina pa kami nandito"
"Ah sige salamat ulit sa sandwich mo kanina"
Nginitian ko lang si Aki at ganun din sya.Payapa akong nakapaglakad dahil wala ng masyadong estudyante sa labas , karamihan kasi ay may klase sa ganitong oras kaya walang mga papansing babae ang tumatawag sakin.
AKISHA POV
Natapos na ang lunchbreak bumalik na kami sa kanya kanya naming classroom , 5 mins. nalang ay late nako sa susunod kong klase. Napasarap kasi ang pakikipagkwentuhan ko sa mga kaibigan ni Clarkson. Ansaya nilang kasama.
" Sa bench nyo nalang kita hihintayin mamaya Aki. "
Binasa ko ang chat ni Grei , sa sobrang pagmamadali ko kasi ay nakalimutan ko ng magpaalam sa kanya. Nakasabay kong maglakad si Lexi at kitang kita ko ang pagkairita nya sa akin. Wala naman akong natatandaan na ginawa ko sa kanyang masama kaya hindi ko alam kung bakit ganoon sya. Nilakihan ko ang hakbang ko para mauna sa kanya ng kaunti pero hinila nya ang buhok ko dahilan para mapatigil ako.
"Kung anumang problema mo sakin , mamaya na lamang natin iyon pag-usapan , ilang minuto nalang ay malalate na tayo. Mas mahalaga yun kesa sa kaartehan mong yan"
Bago pa sya nakasagot ay tinalikuran ko na sya at nagpatuloy sa paglalakad , wala ako sa mood makipagaway ngayon kaya palalampasin ko muna ang ginawa nya sakin.
Tapos na ang klase ko at may klase pang isa si Grei kaya napagpasyahan kong pumunta muna sa gym , manunuod nalang ako ng training ng basketball doon , wala pa kasing announcement para sa training ng volleyball , paniguradong sasali ako doon.
Habang naglalakad ako maraming estudyante rin ang bumabati at nagpapapicture sakin , hindi naman ako ganun kasikat kaya hindi ko alam kung bakit ganun sila sakin pero nasanay narin naman kasi ako sa school ko dati. Nang makarating ako sa gym ay naabutan ko sina Clarkson at ang teammates nya na naglalaro , varsity player nga pala siya rito. Tumigil sya saglit at saka nagpunas ng pawis bago ako nilapitan.
" Wala ka ng klase ? Wala pa Grei. Sige dito ka nalang muna para mabantayan din kita "
Natawa naman ako sa 'mabantayan'
Hindi naman kasi ako bata para bantayan pa.Nahalata naman siguro nya ang pagtawa ko kaya nagpout sya , ang cute ni Clarkson hahaha.
" Alam kong di ka na bata pero dapat ka paring bantayan , siguradong lagot ako kay Grei kapag nalaman nyang pinabayaan ko ang bestfriend nya."
"Yun lang ba talaga?"
His eyes widend pero kaagad ding bumalik iyun sa normal.
" Ano pa ba ang iniisip mo. Baliw ka talagang babae ka ee. Umupo ka na nga lang dito at panuorin mo ako para bumilib ka ulit sakin"
"Oo , dati pa kita idol. Hahaha"
Ginulo nya ang buhok ko. Hilig nila ni Grei gawin sakin yun. Uupo na sana ako sa bleacher ng may biglang humablot nanaman ng buhok ko. It's Lexi , mukang mapapatulan ko na sya ngayon. Kanina kasi ay bigla nalang naglaho , kakausapin ko sana.
"Mang-aagaw ka talagang malandi ka! Nung mga nakaraang araw pinapalampas ko pa pero ngayon sobra kana!"
"Ano bang inagaw ko sayo ?"
" Kunwari ka pang walang alam! Una ang titulo ko bilang pagiging Queen Bee ng campus na to , pangalawa ang atensyon ni Grei at ngayon ang kuya naman nya na si Clarkson , malandi ka talaga!"
"First of all , wala akong pakelam sa titulo mo , ni hindi ko nga alam na Queen Bee ka pala dito , hindi kasi halata. Pangalawa , bestfriend ko si Grei , ee ikaw ano ka ba nya? Pangatlo , mukang hindi ka naman kilala ni Clarkson."
Tumingin ako saglit sa direksyon ni Clarkson , bago muling dumako kay Lexi.
"and lastly , gusto kong pag-aralan mo ang salitang respeto. Mukang hindi mo alam ang salitang yun"
Tinalikuran ko sya pero muli nyang hinatak ang buhok ko, ngayon ay pinatulan ko na rin sya. Nakakatatlo na sya. Tss. Inawat lang kami ni Clarkson kaya kami tumigil.
"Lexi tama na! Umalis kana!"
"Clarkson , kausapin mo naman ako. Lagi mo nalang akong dinededma!"
Sa halip na sagutin nya si Lexi ay nilapitan ako ni Clarkson.
"Ayos ka lang Aki?"
Tumango ako at saka ngumiti.
" Tanungin mo si Lexi , mukang napuruhan ko yata."
Sarkastiko kong nilingon si Lexi na ngayon ay nakahawak sa braso ni Clarkson.Parang linta tss!
" Bitawan moko Lexi , nandidiri ako sayo."
Iwinaksi nya ang kamay ni Lexi at saka ako hinila palabas ng gym.
" Aki ,Umiwas ka kay Lexi "
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
RandomDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
