Clarkson POV
"Clarkson , kamusta na si Aki? Bakit hindi parin sya pumapasok hanggang ngayon?"
Kararating lang ni Charles at ayan agad ang salubong nya.Simula ng mangyari iyun kay Aki , hindi na nya ako tinantanan sa kakatanong about kay Aki.
"Isang linggo yun hindi papasok , pinagpaalam ni Grei sa COS dean."
"Nakakainis naman ! bakit naman ganun katagal? malala ba talaga ang mga natamo nyang sugat?"
"Medyo marami rin"
"Dapat nasuspend si Lexi sa ginawa nyang yun!"
"Oo nga , bullying ang ginawa nya at sobra sobra iyun."
"Kilala rin si Lexi sa university na to kaya hindi sya sinuspend. Alam nyo naman ang patakaran sa school na toh , palakasan hindi patalinuhan"
"Pero kilalang tao rin naman si Aki!"
Pinakinggan ko lang ang usapan ng tatlong mokong , kapag mga ganyang usapan ay wala talaga akong pakialam.Naramdaman ko namang umupo sa likuran ko si Dwight at seryosong nagtanong.
"Clarkson , bakit ba kasi ayaw mong pansinin ang mga efforts ni Lexi? para sana hindi na sya nagkakaganun."
"Oo nga , maganda naman si Lexi pare.Sexy at may utak rin naman. Kaya nga siya naging Queen Bee noong wala pa si Aki dahil halos nasa kanya na rin ang lahat." pag sang-ayon naman ni Louie.
"Wala akong pakialam kung nasa kanya na ang lahat Louie.May mahal na kong iba at hindi si Lexi yun."
"Sino ba kasi yang mahal mo na yan. Halos 10 taon na tayong magkakasama pero hindi mo parin pinapakilala samin ang babaeng yun"
Tiningnan ko lang sila saka seryosong napatingin sa labas ng bintana. Bakit nga ba hindi ko pa ipakilala sa kanila ang babaeng minamahal ko? wala naman sigurong masama doon.
"Makikilala nyo rin sya.Hindi pa nga lang ngayon lalo na't nariyan pa si Lexi."
"Ee ano naman kung nanjan si Lexi? marami rin namang nagpapapansin sayo bukod sa kanya , wala naman sigurong pinagkaiba kung malalaman nilang may mahal kana"
"Oo nga Clarkson , malay mo iyun pa ang maging dahilan para tigilan kana ni Lexi"
"Ibang klaseng babae si Lexi , hindi yun titigil hangga't hindi nakakasira ng buhay."
"Kung sabagay , tulad nga ng ginagawa nya kay Aki ngayon.Pero bakit nga ba nagseselos sya dun ? eh diba kay Grei naman malapit si Aki"
"Hindi ko rin alam. Sira lang talaga ang ulo ni Lexi."
Bahagya naman silang napatawa sa sinabi ko.Hindi ko pa nga pala nakakausap si Lexi simula nung isang araw na mangyari ang gulo.Ayoko rin naman kasi talaga syang kausapin pero alam kong hindi titigil ang babaeng yun hangga't hindi nya ako nakakausap.
"Clarkson , gusto kong dalawin si Aki!"
Napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita si Charles sa tabi ko.
"Edi dalawin mo."
"Hindi ko alam ang bahay nila"
"Edi hanapin mo.Ikaw may gustong dumalaw doon eh"
YOU ARE READING
WOUNDED HEARTS (Sacrifices)
De TodoDoing a lot of sacrifices despite of being wounded.Patuloy na lalaban para sa mga taong mahal nila.Hanggang kailan nila kayang lumaban para sa pagmamahal?
