CHAPTER 21

17 0 0
                                        

AKI POV

Another day of battle with Lexi , haay tamad na tamad akong tumayo sa higaan ko saka nag asikaso. Alasyete palang ng matapos akong mag-ayos , naupo ako saglit sa kama ko at saka panandaliang nagmuni muni.Marami na rin palang nagbago , marami ng taong nawala sa buhay ko , wala na akong bestfriend ngayon , nawala na rin ang taong pinakamamahal ko.Sinubukan ko namang lumaban para sa kanila pero sadyang hindi ko na kaya. Napatingin ako sa dalawang closet sa kwarto ko , isa dun ay kay Grei , tumayo ako at nilapitan iyun.Amoy na amoy ko sya ng buksan ko iyun , sobrang namimiss ko na talaga ang bestfriend ko pero napaluha nalang ako ng maisip kong hindi na sya babalik. Pinunasan ko ang luha ko at saka kinuha ang gamit ko , hindi dapat ako malungkot lalo na't sa isang araw na ang laban namin baka makaapekto pa yun sa paglalaro ko. Bumaba na ako at hinintay si Charles , susunduin daw kasi nya ako.Nanuod muna ako sa sala at nakipagkwentuhan din kay nanay Emma at sa iba pang maids doon. Maya-maya pa ay may natanaw na kong lalaki sa may garden , malamang si Charles na iyun kaya tumayo na ako at nagpaalam sa kanila.Sasalubungin ko sana sya ng mapagtanto ko kung sino ang nasa harap ko ngayon.

"C-clarkson? A-anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka.Sabay na tayong pumasok."

Tiningnan ko sina nanay Emma at ang mga maids , hudyat para umalis muna sila.

"Susunduin ako ni Charles.Umalis ka na."

"Wala akong pakealam kay Charles. Just give me one last chance , eto na ko Aki , i will fight for you now."

"Noon mo pa dapat ginawa yan Clarkson.Huli na ang lahat."

"Bakit kayo na ba ni Charles?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko , hindi pa kami ni Charles pero gusto kong tigilan na nya ako pero tila umurong nanaman ang dila ko lalo pa ng lumapit sya sa akin at hawakan ang kamay ko.Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang boses ni Charles na ngayon ay nakatayo sa likuran ni Clarkson.

"Oo , kami na ni Aki. Kaya bitawan mo ang girlfriend ko Clarkson."

Napabaling ang atensyon ni Clarkson sa kanya habang ako ay nananatiling nakatulala.Gusto ko nalang lamunin ng lupa.Ayoko ng mga ganitong sitwasyon.

"Wag kang magpanggap na kayo na , alam kong hindi pa."

"Wala ka ng alam sa buhay ni Aki kaya wala ka ng karapatan sa kanya.Ako na ang boyfriend nya kaya tigilan mo ng maghabol pa."

Nilampasan sya ni Charles at hinawakan ang kamay ko saka kinuha ang gamit ko.

"Let's go Aki."

Hinawakan pa ni Clarkson ang kabilang kamay ko pero hinawi ko lamang iyun at tuluyan ng lumabas kasama si Charles.Naramdaman ko nanaman ang bigat sa dibdib ko.Masakit ang ginagawa kong pag-iwas sa kanya pero mas  masakit pa kung hahayaan kong bumalik sya.

CHARLES POV

Nagmadali akong pumasok sa loob ng makita ko ang kotse ni Clarkson sa labas ng gate nila Aki.Anong ginagawa ng duwag na yun dito.Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan nila , kaya ng magkaroon ng chance ay sumingit na ko sa usapan nila.
Ngayon ay nakasakay na kami sa kotse ko at tahimik lang si Aki.I cleared my throat and started a conversation.

"Sorry kung sinabi ko yun kay Clarkson.Hindi naman kita minamadali na sagutin ako."

"Okay lang , alam ko namang tinulungan mo lang ako."

"I'm really sorry.Okay ka lang ba?"

"Okay lang ako.Salamat Charles."

"Malapit na intrams , ready ka na ba?"

WOUNDED HEARTS (Sacrifices) Where stories live. Discover now