KHEILANIE
Kohl, Wrieck had gone too far! He attacked our mother. Please, come back, Kohl. We need you here!
Xio's single message hit me. At kahit labag sa aking loob, kailangan kong paalisin si Kohlen. If not... he may lose his family, too.
I breathe out and change into my dress. I push back my hair and stare in sorrow at the mirror. I force a smile and walk towards the door.
"Kohlen already left, Kheilanie," malumanay na pagpapaalam ni Codhille nang makabalik na ito galing sa daungan. "Binigay ko na rin sa kaniya ang regalo mo."
"Thank you, Codhille! You did me a huge favor."
"Are you sure about this? Hindi mo naman kailangan na magpanggap bilang si Khanarie." Halos magsumamo na ito sa akin.
Kung maaari lang na gawin iyong kaniyang hiling... But there are more secrets hidden in the dark. Mas mabuti pang maging alisto ako para na rin sa pamilya ko. Both Ate Mora and Khana made their sacrifice; far greater than losing my identity as Kheilanie Wainwright. I learned to be happy for almost four years under Khana's disguise. What's another year or two na maging siya?
"I will manage, Codhille. Basta," inabot ko ang braso nito at marahang tinapik iyon, "don't mistake me for Khana. Magkaiba kami. You can tell the difference between us."
Dahan-dahan itong tumango. "Yes. I won't forget, Kheilanie."
Tumango na ako dito at nagpaalam na magpapahinga na ako. Umalis na rin ito at bumalik sa kaniyang silid.
🪡
Two weeks later.
Noong unang linggo, noong lumuwas si Kohlen, ay hirap akong mag-adjust. I had to cut my hair. I had to change the tone of my voice. And I had to act intimidating.
But I keep messing up. I lose composure as the strict and iron-fist Khanarie. Tapos kamuntik na akong mahuli ng isang kalaban dahil pumunta ako sa training ground na umasta bilang Khanarie na nakapanamit ako sa nakasanayan ko bilang Kheilanie. I thought I could pull it off overnight, pero may sariling pag-iisip ang katawan kong rumebelde kung magpapanggap ako bilang ibang tao.
Though it soon became a daily routine, to wake up early and dress up as Khanarie. And when the sunsets, I return as Kheilanie.
I let out a deep sigh. Tumitig ako sa orasan na nasa lamesa ng opisina ni Khanarie. Katatapos ko lang makausap si Codhille at Khallieleya. Dumaan ang mga ito nang ipatawag ko sila para makausap ang mga ito tungkol sa kanilang mga problema.
It was a relief to let out steam by talking with them. Pero nalulungkot na naman ako dahil mabilis ang takbo ng oras sa gabi, at magiging si Khanarie na naman ako paggising ko.
"Dalawang linggo pa lang ito, Khei... Masasanay ka din." Muli akong bumuga ng hangin bago magpatawag ng mutsatsa na ihanda ang aking masasakyan para sa aking pamamalakad ng mga papeles sa kabinete ng mga Tao.
🪡
And another week past. Lalo namang bumigat ang aking mga responsibilidad.
Sina Hemington at Kuya Dona ang tumutulong sa aking mga ensayo. Sila ang nalalapitan ko para magmistulang naririto pa si Khanarie.
Pero habang tumatagal ang aking pakikipagsalamuha sa mga ito, nagkaroon ako ng pagkakataong mas kilalanin ang kambal ko sa kanila. Ang mga Pillar ang mga nagbubukod tanging mga tao na malapit kay Khanarie.
BINABASA MO ANG
Wainwright Series 2: A Doll Not to be Replace
FantasyThe similar designs weaves differently in her hand. 🪡 Kheilanie Wainwright impersonates her twin sister: Khanarie Wainwright, whenever she is away from the Wainwright Palace because of her duty. Her disguise is unique, but her life isn't. Force to...
