KOHLEN
Sinaniban na si Codhille ng demonyo. Ang talent nitong mang-inis ay nadagdagan pa ng pangangasar. At ang tipong pangangasar nito ay mapapaisip ka na rin kung maaari mo itong sapakin.
"Ayan, ngingiti-ngiti ka pa. Tinakbuhan ka tuloy. Tsk, tsk!" Giit nito at pinigilan ang sariling batukan siya. "Hindi ka na papansinin ng prinsesa, Kohlen."
"Ngumiti lang, masama na?"
"You were like a creep, Kohl."
"I just showed her my charming smile as a charming prince of her dreams."
Ngumisi siya, "Kapag ba pangit ang ngumiti may masamang gagawin? Kohlen, hindi ganiyan ang tinuro ni Tita Faurie sa atin. Hindi lahat ng ngumingiti na may itsura ay walang balak na masama, minsan pa nga kung sino walang istura sila pa minsan ang mabuti kaysa sa iba." Pangangatwiran niya at napailing ako.
"Ang layo na ng usapan natin."
"Not really."
"Talaga ba?"
"You're annoying."
"Ako pa talaga, Codie?" Sarkastiko kong tanong at tumango siya ng wala lang sa kaniya iyon. Palakpakan! Ayan ang talent ng magaling kong pinsan!
"Mauna ka na rin sa palasyo. Sumabay ka na sa mga Wainwright at nais ko pang magpaiwan dito." Pagtataboy niya sa akin, pero sa totoo lang ay nagpaiwan ito dahil nagpaiwan din ang heneral.
Hindi na ako nakipagtalo dito at bumalik na sa palasyo kasabay ng mga Waiwnwright. Magkahiwalay na karwahe ang aming sinakyan ng pamilya. At sumusulyap ako sa bintana upang masilayan si Kheilanie.
Kanina ay aligaga ako dito nang iwan siya nang kaniyang kapatid. Pinupunasan nito ang sarili niyang mga luha at pinanuod ang paglakad papalayo sa kaniya ng kaniyang kapatid. I heard from the maids that Kimora and Kheilanie were the closest ever since Khanarie left her for three years with her diplomatic mission at the North.
Para siguro sa prinsesa ay lulubog ang kaniyang buhay kapag malalayo sa kaniya ang kapatid nito. And I don't know how that feeling truly is, because I still have Xio with me. On the other hand, she lost a mother and a sister. Then, Kimora has to leave to go further with her own life.
Nang marating namin ang palasyo ay nanatili ako sa aking kwarto. Wala akong gustong gawin. wala akong gustong makita sa ngayon. Tiyak ni isa sa mga prinsesa ay nais din kaming kausapin dahil umalis ang kanilang kapatid.
"Prinsipe Kohlen," katok ng isang mutsatsa sa aking pinto.
"Bakit?"
"Pinapatawag po kayo ng hari sa kaniyang opisina. Susunod na din si Sir Codhille." Pag-anyaya niya.
napakunot naman ako nang noo dahil nagpa-iwan pa si Codhille, pero hindi naman ako umangal dito dahil si Haring Howard na ang nagpapatawag sa akin. Dali akong lumabas ng kwarto at tinanong kung nasaan ba si Codie. Tinuro nito ang piguranang isang tao na papalapit sa amin. Nagtinginan kami ni Codie na may pagtataka.
Namaalam na ang mutsatsa na iiwan kami nito. Codie and I glance at each other again before heading to King Howard's office.
Naunang pumasok sa opisina si Codie at sumunod ako. May kung ano mang mabigat na tensiyon ang nagpipigil sa akin na tumuloy sa loob.
"Kohlen, Codhille, pasensiya na kung ngayon ko kayo nakausap muli. Marami kasi akong inasikasong mga pamamalakad sa palasiyo namin." Pigil hininga akong napaharap sa hari nang humingi ito ng paumanhin. Hindi ko mawari kung bakit pero ayokong pakinggan ang mga sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Wainwright Series 2: A Doll Not to be Replace
FantasiaThe similar designs weaves differently in her hand. 🪡 Kheilanie Wainwright impersonates her twin sister: Khanarie Wainwright, whenever she is away from the Wainwright Palace because of her duty. Her disguise is unique, but her life isn't. Force to...
