CHAPTER 52

213 14 0
                                        

KHEILANIE

Napatalon ako nang bumagsak ang pinto nang aking opisina. Pinahinto ko ang mga kasama kong mutsatsa na inaayos ang susuotin ni Khana sa kaniyang koronasyon at sinamaan ng tingin ang pumasok sa aking opisina.

"Ate Khei, nakausap ko na si Kuya Codie," 

"Viera! Nakakanerbyos ang iyong ginawa!"

She snorted, "You are doing well." Lumapit na ito sa akin at nagpameywang. "Hindi alam ni Kuya Codhille kung nasaan siya."

"Do you believe what he said?"

She shrugs, "No. He knows where she is. At kung ako rin naman ang nasa posisyon ni Ate Khana ay gusto ko rin lumaho saglit dahil malaking responsibilidad ang aking haharapin."

I nodded and folded my arms. "Do you have any idea where she could be?"

Umiling ito. "Kung nasaan man siya ay tiyak akong mahahanap siya ni Kuya Codhille."

I reached for her shoulder and patted her. "Let's just wait for them."

"Yeah."

Bumitaw ako dito at napatitig sa kaniyang tindig. At first, Viera seems so worried. But in her eyes, a flash of sadness reflected while she stares at the gown Khana will be wearing on her coronation. "Have you talked to Caiden?"

Viera shakes her head. "I have no such plans. Kung gusto niya akong puntahan o kausapin ay gawin niya. Hindi ako maghihintay dito."

Napasimangot naman ako dito at bumaling din sa bestida ni Khana. Maya't maya ay namaalam na din si Viera na may aasikasuhin ito sa opisina ng aming ama.

🪡

"Khei! Nawawala na naman si Khanarie!" My husband blasted as he entered our room.

I frown and set down the book, that Khally gave me, on our bed. 

"Aren't you worried even the slightest?" He exasperatedly asks while he approaches the edge of our bed.

I sigh and crawl carefully to the edge of the foot of our bed. I sat and took Kohlen's hand. "Huwag na natin pag-usapan si Khana. She's fine, Kohlen. Kailangan lang niya magpahangin." Malumanay kong saad sa kaniya.

"Kheilanie, it is madness in this palace! Lahat ay aligaga kung saan at paano nila hahanapin si Khanarie!"

"Andiyan lang 'yan sa tabi-tabi." I rolled my eyes and let go of his hand.

"Sigurado ka?"

"Oo." Sinsubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at napayakap na rin ito sa akin. "Can we rest?" Anyaya ko sa aking asawa.

Nag-angat ako ng tingin dito at nakatitig na siya sa akin. "Pwedeng mamaya?" Napakunot ako nang noo dito, tapos napagtanto ko rin nang ngumisi siya. Kinurot ko ang tigiliran niya saka siya sinamaan ng tingin. "Aray ko po!"

"Pagod ako! Kalokohan mo na naman na lalaki ka! Kung patulugin kaya kita sa labas ng kwarto natin? Ha?!" 

Bwisit! Ngayon pa niya ako iinisin kung kailan pagod ako! Nako! Bakit nga ba ako kinasal dito? Pambibwisit lang alam nitong gawin sa akin, e!

"Joke lang! Tabi tayo matutulog reyna ko!" tumabi ito sa akin at niyakap niya ulit ako. Pinaulanan niya rin ako ng halik sa aking pisngi, "Sorry na po. Tara na, pahinga ka na tayo." 

"Hindi talaga kukupas ang kalokohan mo ano?" Pagtataray ko sa kaniya nang igaya niya ako pabalik sa gitna nang kama at niligpit ang librong binabasa ko. 

"Ang boring kung hindi ko babanatan ang asawa ko. Sayang mga catchphrase ko!" Pagmamayabang niya at saka tumabi sa akin at inayos ang aking unan.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano na naman 'yang catchphrase mo?"

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon