CHAPTER 13

57 10 0
                                        

KOHLEN

Unang gabi pa lang namin dito ay ang saya na mang-asar ng heneral. Lalo na't napagbantaan nito ang aking buhay, pero ngayon ay wala siyang laban sa akin.

"Khanarie! Khanarie! Anong pangalan mo?" Hindi siya sumagot nang makapasok kami sa dining hall. "Khanarie! Ano nga pangalan mo?" Pangungulit ko na naman sa kaniya.

She rolled her eyes and look at me. "Sinong tanga sa ating dalawa? Binabanggit mo na nga pangalan ko, tapos tatanungin mo pa pangalan ko!?" She whispers a snarl. "Seriously, Kohlen Steadman?! May sayad ba utak mo!?"

Ngumisi ako at binuka ang aking bibig, "Khanarie..."

"What now, Prince Kohlen Steadman?"

I scoff, "Anong pangalan mo... Khanarie?"

She let out her frustration and kicked the nearby chair. "Son of a—Goddamn it!"

Humalakhak ako sa sunod-sunod niyang pagmura dahil nakatatawa talaga siya. May bumatok naman sa akin at nilagpasan ako. "Shit naman, Codie! Ano naman ginawa ko sa'yo?" Usisa ko sa kaniya.

Hindi siya humarap sa akin. Tanging likod niya ang kausap ko. "You pissed me off."

"What?!"

Wala naman akong ginagawa sa kaniya kanina. Iyong heneral lang naman inaasar ko... Maliban na lang kung hindi siya maka-move on doon sa ginawa kong pagpalit ko sa sawsawan niya na may sili kay Khanarie na walang sili kani-kanina. Also, it wasn't wholly my idea. Someone gave me the boost to do it.

And I did no harm to Codie. Kaya hindi dapat ito magalit sa akin.

🪡

The next day, we met with the king again. Our discussion consists of trading and bartering. Hindi pa nito nababanggit ang tungkol sa pagkilala namin sa prinsesang magiging aming fiancée.

"Ganito na lang ba pag-uusapan natin? Hindi pa ba nito sinasayang ang oras natin, Codie?" Bulong ko kay Codie sa tabi ko dahil nawala na ulit sa amin ang pokus ng hari.

"What are you spewing, Kohlen?"

Nagkibit-balikat ako rito. "Ang dahiln naman nang pagpunta rito ay makilala lang ang prinsesa na mapapangasawa. Kaya ipinagtataka ko kung bakit wala pa rin pinapakilala sa atin ang hari."

"Bakit ka ba nagmamadaling kilalanin ang mapapangasawa mo? Mayroon ka na bang natipuhan?"

Nasuntok ko naman ito sa kaniyang braso. Hindi siya dumaing, pero hinaplos niya ang parte ng kaniyang braso na aking tinamaan. "Siraulo ka! Hindi sa ganoon! Malamang may plano ako para hindi kami magkatuluyan. Kung malaman ko kung sino ang nakatakda sa akin ay pakikiusapan ko ito para patas kaming dalawa. Hindi siya masasaktan sa akin, ako naman ay malaya pa rin." Mainam na pagpapaliwanag ko sa aking pinsan pero nakalukot ang mukha nito sa akin.

"Ayan ka na naman sa kung paano ka magtrato ng tao, Kohlen. Sinabihan na kita dati na ayusin mo ang ugali mo. Nasa huli ang pagsisisi kapag nakilala mo ang taong inaakala mo na hindi para sa'yo pero mas masasaktan mo ito lalo."

Here he goes again with his cryptic monologue. Minsan talaga ayaw ko na kausapin si Codhille dahil napakamisteryoso rin nito. At saka gagawin niya pa komplikado ang aming usapan dahil sa ganitong klaseng pakikipag-usap niya sa akin.

"Forget it. I want to take a walk." Naglakad ako papalapit sa hari at namaalam dito na lilibutin ko ang kanilang palasyo. Hindi naman umapila sa akin ang hari at hinayaan niya akong umalis.

Habang nililibot ko ang loob nang palasyo, ay may narinig akong dalawang babae na nagtatalo. Dali naman akong lumapit upang alamin kung ano ang kanilang pinag-uusapan. I only did this because most of my leisure time were filled with gossips from the maids. Hindi ko naman sinasadyang marinig ang kanilang usapan dahil malalakas ang kanilang boses, tulad na rin nang dalawang nagtatalo na mga babaeng ito.

Wainwright Series 2: A Doll Not to be ReplaceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon